“DO YOU LIKE THIS?” HALOS umabot sa magkabilang tenga ni RGL ang ngiti. Parang bata itong nagmamalaki habang itinu-tour siya nito sa two-bedroom condo unit na pinagdalhan sa kanya. “Bagong finished project mo ba ito?” sagot niya na patanong din. Nasa construction business ang pamilya nito pero alam niyang nagsisikap din si RGL na palaguin ang sarili nitong construction and design firm. He had finished a number of this similar condo unit projects aside from the recent bigger contract deals that he closed. At proud na proud siya sa boyfriend. Sa loob lang ng ilang taon ay napatunayan na nitong may ibubuga rin sa sariling kakayahan. “Nagustuhan mo ba?” eager na tanong ulit nito. Iginala niya ang paningin. The unit looked like a honeymoon suite. Napakaganda. Napaka-elegante at napaka-roman

