“TARA NA, best,” pukaw ni Arnie sa kanya. “Mauuna na ako ng kaunti ha. Para magapan iyong bagahe natin.” “Sabihin mo ay bagahe mo. Ikaw itong wagas ang check-in baggage sa dami ng pinamili mo.” “Candies lang naman ang iyon. Ang sarap kasi ng Lola Abon’s,” sagot naman nito sa kanya. Pinauna na niya ito at hinayaang mauna sa kanyang bumaba ang iba pang pasahero. Kumunot ang noo niya nang makitang sunod-sunod ang senyas sa kanya ni Arnie nang matanaw siya nito. Napabilis ang hakbang niya. “Anyare?” tanong niya. Nguso ang ginamit nitong pangturo sa isang direksyon. Si RGL. Nakatayo ito di-kalayuan sa kanila. Mabilis siyang nagbawi ng tingin bago pa man mamalayan nitong nakatingin siya. “Nakita mo ba?” kulit ni Arnie. “Serendipity.” “Nandito lang din siya sa airport, serendipity na ag

