“NANDITO NA TAYO, Abie,” kalabit sa kanya ni Arnie. Halos kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ay ang pagsayad ng gulong ng eroplano sa runway. Bahagya lang niya itong nilingon at saka pasimpleng kinusot ang mga mata. Hindi naman niya nagawang umidlip. Pinili lang niyang ipikit ang mata at hinayaang magbalik ang alaala. Masakit pa rin. Until now, kapag naiisip niya ang nakaraan ay nasasaktan pa rin siya. Lalo na at natalo ni Tito Ramon ang dad niya sa huling termino sana nito. Huling laban na din sana ng dad niya iyon. Nangako ito sa kanilang pamilya na pagkatapos ng huling termino ay magreretiro na ito sa pulitika na siyang ikinatuwa naman ng kanyang ina. Pero iyon nga, matinding laban ang nangyari. Dikit na dikit ang resulta ng eleksyon. Lalong nag-umigting ang galit ng kanyang ama sa d

