MUGTONG-MUGTO ang mga mata ni Abie nang pumunta siya sa city hall. Wala pa halos gaanong tao doon ay nandoon na siya. Hindi naman nakakapagtaka iyon. Kulang na nga lang ay doon na siya magpalipas ng magdamag. Hindi niya akalain na sa loob ng beinte kuatro oras ay dalawang beses siyang tatapak sa lugar na iyon. Yesterday was her wedding day. It should be the happiest day of her life. Wala sa hinagap niyang mangyayari iyon. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na naramdaman niya. RGL was kissing Kylie. On the very same day of her wedding! On the very same day that they were supposed to celebrate their honeymoon. Her world crumbled before her very eyes. Hindi na niya matandaan kung paano niya nilisan ang hotel. Nakauwi na siya sa townhouse nila sa Maynila nang maisip niyang baka sundan

