Part 13

1822 Words

PARANG SUSUBO ang dugo sa ulo ni Abie nang pagbukas niya ng pinto ay datnan doon si Kylie. Kumibot ang mga labi niya. May isang pagkakataon na ang gusto lang niyang gawin ay sumigaw at magwala. “Ay, nandito ka na pala,” kaswal na sabi sa kanya ng babae nang makita siya nito. Hindi niya ito pinansin. Kabastusan man ay nilampasan niya ito. Kung nakamamatay lang ang talim ng tingin niya kay RGL, ora mismong bubulagta na lang doon ang binata. Kabastusan ding ibalibag niya ang gamit niya sa sofa pero iyon mismo ang ginawa niya at saka padabog na pumunta sa kuwarto. Ibinalibag din niya pasara ang pinto. To hell with the good manners and right conduct. Gusto niyang ihagis lahat ng kayang abutin ng kamay niya. Pero ni suklay ay hindi natinag doon. Galit na galit siya at parang naubusan ng laka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD