HINDI kayang dedmahin ni Abie ang kabang gumapang sa dibdib niya nang sa sumunod na punta niya sa condo ay mamataan niya sa lobby si Kylie. Hindi niya kayang idispatsa ang kakaibang pakiramdam. Nagkunwari siyang hindi ito nakita at dumiretso na sa elevator. Pasara na iyon nang humabol ito ng sakay. “Oh, hi! It’s you again,” nakangiting bati nito sa kanya. Wala naman siyang sasabihin dito at lalong wala siyang balak na makipag-close dito kaya tipid lang siyang ngumiti. Pagdating sa 29th floor ay hinayaan niyang mauna ito. Pero nang makalabas siya ay parang halos di pa rin ito tumitinag. “Oh, naiwan yata sa kotse ko ang susi,” sabi nito na hindi niya tiyak kung sa kanya iyon sinasabi o sarili ang kausap. Walang kibo na lumampas na siya dito. Bago siya makarating sa tapat ng pinto nila, p

