Part 8

1942 Words

  NAG-AAYA si Arnie na lumabas sila para mag-night life pero tumanggi na siya. Pagkaalis nito ay nagbabad siya sa bath tub at nag-jacuzzi. Sayang din naman na hindi niya i-enjoy ang first class na accomodation nila. Fifteen minutes yata na nakalubog siya doon bago siya nagpasyang umahon. Hindi pa siya nakakapagbihis nang makarinig ng katok. Inayos niya ang pagkakabuhol ng suot na bath robe. “Bakit, ang bilis mo naman yata---” Hindi na niya natapos ang sasabihin. Para na lang siyang natuka ng ahas doon. “Abie,” pukaw sa kanya ni RGL. “W-what are you doing here?” sagot niyang parang wala sa wisyo. Naipatong niya ang palad sa neckline ng roba. Bukod doon ay wala na siyang iba pang suot. Conscious na conscious siya at pakiramdam niya ay kayang tumagos ang tingin nito sa ilalim ng roba. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD