Part 7

1651 Words

“TAKOT NA TAKOT kang kumain ng chocolate, best. Ang sarap pa naman ng chocolate cupcakes nila,” sabi ni Arnie. Pagkatapos ng tanghalian ay sa Chocolate Museum naman sila lumipat. Labas pa lang niyon ay quota na si Arnie sa “photo shoot” nito. May mga higanteng imahe doon ng donuts, chocolate-coated bread sticks at iba pang sweets. Naalala tuloy nito ang cupcakes na kinain nito kanina. “Eh, di ko trip ang chocolate sa ngayon,” sagot niya. “Huy, san pa ba tayo? Ang init na! Pasok na tayo sa museum tapos pupunta pa tayo sa Philippine Eagle Sanctuary, di ba?” “Wait lang! Gusto ko ng isang malupit na solo doon! Ang taray, oh! Giant slice ng cake. Hihiga ako doon tapos angguluhan mo ako ng wagi pang-IG.” Bago pa siya nakaangal ay patakbo na itong nagpunta sa dulo. Hinayaan na lang niya ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD