Malagos Garden Resort, Davao “UH-OOOHHH!” EKSAHERADONG sabi ni Arnie habang pa-slow motion na ibinababa nito ang pinggan. “Ang sarap ng tuna skewer nila saka achara. Ikuha kita, gusto mo? May isaw pa,” sabi naman niya nang makitang ilang hiwang prutas lang ang nasa pinggan nito. “Mukhang suko ka na sa lafang moments natin dito. Prutas na lang ang kakainin mo?” Katatapos lang nilang manood ng bird show at doon na sila dumiretso para sa buffet lunch nila. Pangatlong araw na nila sa Davao at si Arnie ang pinili niyang isama sa premyo niyang trip for two. Gustuhin man niyang isama ang mommy niya ay hindi naman pupuwede dahil personal itong nag-aasikaso sa kanyang may-sakit na ama. Kaya naman tuwang-tuwa rin si Arnie na inaya niya ito. She knew, her friend was half-expecting it. Iniwan ni

