Part 5

1741 Words

“MAY BISITA KA, Abie,” tawag sa kanya ng mommy niya. Napabalikwas siya ng bangon nang makitang alas-dies na ng umaga. Hindi siya sanay na tanghaling magising kahit na nga ba puyat pa siya. Pero dahil na rin siguro sa maraming pagod niya dahil sa beauty contest ay napahimbing siya. “Nandiyan na ba si Arnie?” sagot niya. Bago ito umuwi kagabi ay malinaw ang usapan nila na susunduin siya nito at saka sila maglalamyerda. Inulit pa niya dito ang pangako niyang food trip. “Si Rommel ang nasa ibaba.” Sukat sa pagkarinig sa pangalang iyon ay natanggal ang kahuli-hulihang hibla ng antok sa katawan niya. Rommel. Bago pa ito naging kilala sa madla bilang RGL, si Rommel ito hindi lang sa pamilya nito kundi sa pamilya niya rin. Dating malapit sa isa’t isa ang kanilang mga pamilya. Ninang pa nga ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD