"Rafaella?"
My body froze, and brows furrowed in confusion.
" Ella!" I muttered, at tumabang ang pakiramdam ko ng makita ko siya.
Nanginig ang ibabang labi ko sa galit ng lumipat ang tingin nito sa akin. I saw her eyes widened in shocked. Napangisi ako sa reaksiyon niya.
I glanced at Rad, na ngayon ay nakatayo lamang habang nakayakap sa kanya si Ella. Wala itong sinasabi. Gulo akong tumingin muli kay Ella.
" What are you doing here?!" Tanong ko na halos hindi bumubuka ang bibig, pinipigilan ko ang sarili ko at baka masaktan ko siya.
Marahan nitong inalis ang pagyakap niya kay Rad na kunot ang noo. Dati, kapag nakikita ko siya para akong nakatingin sa salamin. I know Ella, she would not do things na ikakagalit ni Mama.
The way we dressed, her hair, her face. It was now different. She's wearing a jeans and blouse, she cutted her hair shorter, but still she's the feminine Rafaella that I always knew.
" Bella!" Saad nito na gulat na gulat. Lumibot ang tingin nito sa aking suot.
She glanced at Rad, bago muling tumingin sa akin.
Ang daming gumugulo sa isipan ko, hindi ko alam kung anong uunahin ko, pero mas nanguna ang galit at pagkamuhi ko sa kakambal ko.
It's been almost a year since we last saw each other, at ngayon makikita ko siya? Ang lakas ng loob nitong tumapak muli sa Valencia. She's the reason behind all of this. She planned everything without my consent.
How can she?!
" You have the guts to come here?!" Anas ko at sobrang bigat ng dibdib ko.
Napaawang ang labi nito at naguguluhan tumingin kay Rad.
" Adam, let's go home." She said on her soft voice, na mas lalong kinainis ko.
" Kinakausap kita! At anong kinalaman mo kay Rad hah?" Anas ko at lumapit para itulak siya. Nanggagalaiti akong tumingin sa kanya.
My heart was beating too fast, I can't contain myself from anger. Mas naiinis ako dahil hindi nito ako binibigyan ng pansin.
Gulo nitong tinignan si Rad. Napansin ko ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata at hindi makapaniwala kay Rad. Inis kong tinignan si Rad na nakakunot ang noong nakatingin kay Ella.
" Do you know her?" I asked loosing my patience. I took a deep sighed.
" Yo-You lost your me-memory?" Napapikit ako sa mababa at malungkot na tanong ni Ella sa likod ko. Hindi niya ako sinasagot. " That's what Alyas told us." Dugtong nito.
Kunot noo kong tinignan si Ella, and she knew Alyas. Anong bang pinagsasabi nito? Ano ba gusto niyang iparating?
Anong hindi ko nalalaman? Anong hindi ko alam ukol sa kanya? Nandito siya dahil kay Rad?!
" A-Anong sinasabi mo Ella?" Napaawang ang labi ko na nakatakip ang kanyang bibig habang walang pigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Habang gulong gulo ako sakanyang inaakto.
" You-You're a-alive!" Hagulgol nito.
Gulong gulo ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang galit ko kay Ella o ang sinasabi nito ukol kay Rad.
" Si-Sino si Adam?" Matabang na tanong ko.
" Adam." Mababang saad ng lalaking kasama ni Ella na ngayon ay nasa kanyang likuran. He has a rough features and his face mix with a foreign blood.
" Bla-Blake, I'm not dreaming right?!" Nasisinok na tanong ni Ella sa kasama niyang lalaki na nakakulay na itim na leather jacket.
Sumulyap muli ako kay Rad, na naguguluhan sa kanyang nakikita. Nagigting ang mga panga nito, habang kunot na kunot ang mga matang nakatingin sa kanila.
" Ihahatid na kita." Matigas na tugon nito at naramdaman ko ang mainit na kamay nito sa aking palapulsuhan.
Napansin ko ang paglipat ng tingin ni Ella sa kamay namin, at ang pagawang ng mga labi nito. Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga ito.
" Adam, let's go home!" Matigas na saad nitong si Blake na lumapit sa amin.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa aking palapulsuhan.
" Rad anong sinasabi nila?" Naiinis na tanong ko sa kanya. " Sino ka ba?" Anas ko sa lalaking kasama nito.
Mukha na itong nawawalan ng pasensya na tumingin sa akin.
" Sorry lady, but we need to talk to him." Sagot nito, sabay buntong hininga.
" You don't remember us hindi ba?" Tanong nito. Tinuro niya si Ella na nasa likuran nito na nanlalambot at umiiyak. " Damn bro! Don't make it hard for El, she's been devastated ever since you lost!"
Napaawang ang labi kong tumingin kay Ella. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong nangyayare, panong nangyareng konektado siya kay Ella?
" Stop it Blake!" Matigas na saad ni Rad. Ngumisi ang lalaki at sumulyap sa akin.
Napaawang ang labi nito sa gulat at tinuro nito ako sa kanyang hintuturo.
" You-You remind me of someone!" Gulat na saad nito sa akin. " Oh shoot! Ella, kamukha mo siya!" Gulat na gulat na saad nito.
" Really? I don't know her." Matabang na sagot ko.
" Blake let's go." Marahan na sabad ni Ella.
She became different, but she's the weak and soft Rafaella that I knew. Marahas kong inalis ang hawak ni Rad sa aking palapulsuhan. At mabilis na hinawakan sa balikat ang umiiyak na si Ella. Kung noon maaawa ako sa kanya, iba na ngayon.
I hated her!
" After what you did! Wala ka man lang bang sasabihin?!" Anas ko. " I need your explanation Ella!"
" Bella!" Narinig kong tawag ni Rad sa akin.
Umiwas ito ng tingin. " Wala tayong dapat pagusapan Bella!" Naiinis na saad nitong tumingin sa akin.
Napaawang ang labi ko, nanginginig ang katawan ko sa mas tumitinding galit! Hindi ko na napigilan ang aking kanang palad na dumapo sa kanyang kaliwang pisngi, sa sobrang lakas ng sampal ko sa kanya ay namula ang pisngi nito.
Nanginginig ang ibabang labi ko at nanlalaki ang mga mata.
" How dare you!" Pasigaw na saad ko.
" Ella!" I heard the man cursed and went to Ella.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Rad sa aking balikat.
" Napaka walang hiya mo! Magsimula ngayon, kakalimutan ko na may kapatid ako. Kinasusuklaman kita!" Nanggagalaiting saad ko.
Habang nakayuko lamang ito at walang salitang sinambit.
" Let's go home Bella. You're tired." Mababang saad nito.
Marahan akong tumango at nanlilisik na tumingin kay Ella.
" Anong sinasabi niya Ella?" Litong tanong ni Blake.
Iginiya ako pabalik sa kotse ni Rad.
" Adam!" Anas na tawag ni Blake kaya napahinto kami sa paglalakad.
Inilang hakbang nito ito at kwinelyuhan. " What are you doing hah?!"
Sumulyap ito sa akin bago muling ibinalik kay Rad. " We're here to fetch you, di ako aalis dito hanggat hindi ka kasama!" Marahas na inalis ni Rad ang kamay nito.
Ngumisi ang lalaki at tumingin sa kanyang suot. " You're a driver?" Natawa ito at napailing na tumingin sa akin.
" I'm sorry Señorita, pero ibabalik ko lang itong driver mo kung saan siya nararapat." Nakangising saad nito sa akin.
Kumunot ang noo kong tumingin sa lalaki, na mukhang kilalang kilala niya si Rad. Habang ako ay nalilito.
" Who are you?" I asked desperately, he might answers all my questions.
" Bella, iuuwi na kita." Mariin na saad ni Rad na humawak sa aking braso.
Blake hissed. " Radamson Montenegro!" Mariin na saad nito at hinila si Ella palapit sa amin.
" She's your f*****g fiancée! So go back to your senses and those morons were looking at you!" Sigaw nito kay Rad.
Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Ella na nakayuko.
Fiancée?
I know she runaway because of a man. Umalis siya at nagawa ito sa akin dahil sa isang lalaki.
No, umiling ako ng mabilis. Mali ang iniisip ko!Napaawang ang labi kong tumingin kay Rad na madilim ang mukha.
Don't tell me that man they were talking about is?
Napatakip ako sa aking mga labi, at halos makalimutan ng huminga dahil sa gulat.
" Adam..." napasulyap ako kay Ella na may lumandas na luha sa kanyang mga mata at kita ko ang kaligayan sa mga ito. " I missed you!" Nanlambot ako ng marahan nitong niyakap si Rad.
I'm so shocked and dumbfounded that I can't even move. Para akong tuod na nakatayo lamang habang nakatingin sakanila. Naramdaman ko ang paginit ng sulok ng aking mga mata, at ang pagkirot ng aking dibdib
Radamson Montenegro?
I don't even know his full name. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
Nagulat ako ng napasigaw si Rad sa sakit at hinawakan ang kanyang ulo. Kunot na kunot ang noo nito.
" Rad!" Nagaalalang tawag ko ngunit dinaluhan ito ni Blake upang tulungan si Ella.
" Damn it my head!" He cursed at mukhang sobrang sakit ng nararamdaman nito.
" Adam!" Nagaalalang tawag ni Ella. " Blake dalhin natin siya sa hospital!"
He collapsed on her, and loose his conciousness.
" Ipapasok ko na siya sa kotse, hop in!" Mabilis na saad ni Blake at inalalayan ito na pumasok sa kanilang sasakyan. Habang ako ay parang tuod at gulat pa rin sa nangyayare.
" Rad!" Napapaos kong tawag sa kanya, kita ko mula dito ang mukha nito na habang nakapikit ang mga mata, at kunot na kunot ang noo.
Isinara ni Blake ang sasakyan at tumingin sa akin.
" I'm sorry Señorita, I called someone who will drive you home." Wika nito bago buksan ang pinto ng driver's seat.
" Sa-Sandale..." Nanginginig na saad ko dahil ako ay nagugulat sa mga nangyayare.
" You don't have to worry, wala kayong obligasyon sa kanya." Kunot na saad nito.
Obligasyon?
Akmang magtatanong pa ako ng tuluyan na nitong pumasok sa loob. Sumulyap ako kay Ella na nagaalala kay Rad.
" Make it fast Blake! Kailangan natin siyang madala sa hospital!" Narinig ko pang saad nito.
Napalunok ako upang ibsan ang nanunuyong lalamunan ko, pinasibad na nito ang sasakyan at nanlalambot akong umupo sa daan. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa naglalahong imahe ng sasakyan nila ng dahil sa dilim.
" Señorita Bella!" Narinig kong tawag ni Alyas sa hindi kalayuan.
My mind was in chaos, naguguluhan ako sa lahat.
Naramdaman ko ang kamay ni Alyas sa aking balikat at tinutulungan nito akong tumayo.
" Ihahatid ko na ho kayo." Hindi na ako umangal pa dahil nanlalambot na ang aking katawan.
Parang gusto ko nalang magising sa panaginip na ito.
" Anong alam mo?" Mapait na tanong ko habang seryoso itong nagmamaneho papasok sa aming mansyon.
Tumikhim ito at tumingin ako kay Alyas. " Personal body guard po ako ni Boss Adam."
" Boss?" Natatawang saad ko at hindi makapaniwala. Kung noon pakiramdam ko ay wala iyon, pero ngayon alam kong may malalim na gustong sabihin.
" Totoo ba lahat ng mga sinabi nila? Nawala ang memorya niya?!" Naguguluhang tanong ko.
"Kung ganoon, papano siya napunta dito? Anong ginagawa niya dito?!" Pasigaw na tanong ko.
Huminto ang kotse sa harapan ng mansyon at gabing gabi na.
" I'm sorry Señorita, iyon lang ang kaya kong ibigay na impormasyon." Saad nito at bumaba sa kotse.
Padabog akong lumabas ng sasakyan at tumingin sa kanya na nakayuko. I want him to answer all my question, dahil kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka sumabog ang utak ko.
" Kilala niya si Ella? All this time she knew her pero bakit wala siyang sinasabi?!" Nanggagalaiti kong tanong ngunit nakayuko lamang ito.
Naalala ko iyong sinabi ni Ella kanina.
" Yo-You lost your me-memory?"
Napahinto ako at nagpaawang sa gulat. Gulong gulo ang aking isipan, I wanted to talk to him so bad to clear things out.
" You knew her, hindi ba? Kilala mo si Ella hindi ba?" Kunot noong tanong ko.
Pinipigilan ang sarili.
Magtatanong pa sana ako kay Alyas ng dumating sina Mama. Nagbuntong hininga ako, galit ang mukha nitong lumabas sa limousine bago naglakad patungo sa mansyon. She looked so pissed.
" Follow me Bella!" Marahas na sambit nito ng dumaan ito sa tabi ko.
Muntik ko ng makalimutan ang nangyare kanina sa pagtitipon. Itiniim ko ang mga labi ko at tumingin kay Alyas na nakayuko.
I sighed again in frustration bago sumunod kay Mama na kasunod si Papa sa paglalakad.
Sumalubong sina Perla sa pagpasok namin sa mansyon, galit na tinapon ni Mama ang purse na hawak niya sa malaki naming sofa noong tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Nanlilisik ang kanyang magagandang matang tumingin sa akin, and any moment she was ready to burst out.
" Tell me, do you know where Esteban is?!" Tanong ni Mama na halos hindi bumubuka ang bibig.
Kahit gaano pa siya kagalit, wala akong nararamdanan takot o kaba dahil ginugulo ni Rad ang aking isipan. Masyadong gulo ang isipan ko para makipagtalo sa kanya. I wanted an answers with all the questions running into my mind.
Kanina noong magkasama kami ay iniinda niya ang sakit ng ulo niya.
Bakit bigla nalang siyang nawalan ng malay?
" Answer me Bella!" Pagalit na sigaw ni Mama ng hindi ako sumagot sa kanyang tanong at dahil doon ay nabalik ako sa aking ulirat.
" I don't know what your talking about Mom. I'm tired, please let me first rest." Mababang saad ko.
Naramdaman ko ang kamay nito sa aking kaliwang balikat.
" Bella!" She warned.
" Angelita, ano naman kinalaman ng anak mo sa mga nangyayare?!" Pasigaw na saad ni Papa.
Marahas akong binitiwan ni Mama at tumingin kay Papa na nanginginig ang mga labi sa galit.
" Siguraduhin mo lang Bella na wala kang kinalaman, or else we're all dead. That was a big scandalous to the Hernandez!" Giit ni Mama na nakatingin kay Papa na halos hindi bumubuka ang bibig.
Napalunok ako at umiwas ng tingin. " How can I do that? Esteban was old enough to choose what he wanted!" I snapped. " Anong gagawin ko naman sa lalaking iyon?! You see I stood at the aisle with all the people of Valencia pitying me! Nakakahiya iyon Ma!"
My mom hissed and shook her head in disappointment. " Then, saan pupunta si Esteban?!"
Pinipigilan ko ang sarili ko na ngumisi. We did it Thalia!
" You can rest Bella, I know it is a tiring night on you." Malambing na saad ni Papa.
Marahan akong tumango at sumalubong naman ang nagaalalang mukha ni Katya sa akin. Nagbuntong hininga ako at iniwan sila sa baba, nanlalambot ang aking katawan na naglakad sa aming hagdan.
I should be happy.
Our planned became successful. Pero pakiramdam ko, may nawalang malaking bagay sa akin.
Padabog akong umupo sa aking kama, ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Narinig ko ang pagsara ni Katya na aking pintuan.
" Anong nangyare Bella? Kamusta ang plano niyo ni Thalia?" Marahang bulong nito sa akin at mukhang kabado.
Wala sa sariling akong tumango. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Muli kong naalala si Rad.
Saang hospital nila dinala si Rad? Gusto kong malaman kung ano ang nangyare sa kanya, bakit bigla nalang siyang nawalan ng malay.
I wanted to see him. Gusto kong pilitin ang sarili ko na hindi totoo lahat ng nalaman ko. Pero bakit pakiramdam ko hindi sila nagbibiro? At ano naman mapapala nila sa pagloloko sa akin?
I know Ella, she was so sincere looking at Rad. Kahit noong nakita niya ako, si Rad lamang ang tanging tinitignan niya. Ikinuyom ko ang aking mga palad.
" Oh ano? Ano nga?" Pangungulit nito sa akin.
" Hindi siya nagpakita." Dahan dahan akong tumingin kay Katya na hinihintay ang sasabihin ko. Habang ang utak ko ay lumilipad sa nangyare kanina.
Tipid akong ngumiti. " Hindi ko pa nakakausap si Thalia, but Esteban didn't show up on our supposed to be wedding announcement." Marahan na saad ko.
" Talaga?" Maligayang sambit nito. " Magandang balita iyon! Sigurado ako na galit na galit si Don Herman sa ginawa niya! Ayaw noon ang napapahiya siya sa maraming tao!" Tumango ako sa kanyang komento.
Iniisip ko, kung sasabihin ko ba kay Katya na nakita ko si Ella. O sasabihin ko kina Papa para maiuwi nila ito. Diba gusto ko ng kasagutan? Siya ang makakasagot lahat ng ito.
Nawala ang ngiti nito ng hindi man lang ako sumagot sa kanyang sinabi.
" Oh, e bat ganyan ang itsura mo? Daig mo pa ang nalugi?" Kunot noong tanong nito at kuryosong tumingin sa akin.
Nagbuntong hininga ako at umiling ng mabilis.
" Gusto ko mapagisa, please?" Wika ko na tumingin sa kanyang nagtatanong na mga mata.
Saka ko na siguro sasabihin kay Katya, kapag malinaw na sa akin ang lahat. Dahil maging ako ay gulat pa din.
" O-Okay ka lang?" Nagaalalang saad nito.
" Okay lang ako Katya, gusto ko ng magpahinga." Sambit ko.
Marahan itong tumango. " Sige, bukas na tayo magusap. Magpahinga kana muna, marahil ay napagod ka."
Pagkaiwan sa akin nito sa silid ay mabilis akong nagpalit ng damit at nagbabad sa bathtub. Pagkabihis ko ay mabilis kong tinungo ang veranda, gabing gabi na at umaasa ako na pupuntahan niya ako. Kahit na madilim sa paligid ay inilibot ko ang aking mata, umaasa na makikita ko siya.
Sinubukan kong tumawag sa kanya ngunit nakapatay ang cellphone nito. Nanlalambot akong umupo sa aking kama.
" Rad..." sumisikip ang dibdib ko at nanginig ang kamay kong tinipa ang buong pangalan nito.
Radamson Montenegro
Kabadong kabado ako, pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang makikita ko. Umaasa na wala akong malalaman sa kanya gamit ang internet ngunit nanlambot ako ng maraming lumabas na artikulo ukol sa kanya at sa pamilya niya.
Napaawang ang labi ko sa gulat, sino ba talaga siya?
Family Montenegro's confirmed death of Adam Montenegro : It was confirmed that they already saw his lifeless body in Visayas.
Isa ito sa recent na nabasa ko, mukhang magiisang buwan palamang ang balitang ito. Nakakunot ang noo ko at nakumpirma kong siya nga ito dahil sa larawan nito. Nakasuot ito ng black suit habang nakatayo at ang dalawang kamay niya ay nasa kanyang bulsa at seryosong nakatingin sa camera.
Napaawang mga labi ko, siya nga ito. He looked ruthless and furious in his suit. Hindi ako makapaniwala, inaamin ko na mas nababagay nga ito sa kanya. The way he talked and act, masasabi ko na kakaiba nga siya. There was really something in him. Nagtan lang ang kulay ng balat niya ngayon, pero siya nga ito!
Head News: Montenegro's Successor, Adam Montenegro, crashed his private helicopter in Visayas.
His body was still missing, and his family made a private investigation to the incident. They recruited professional divers to find his missing body.
" You-You're a-alive!" Napapikit ako ng mariin.
Parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig ang boses ni Ella. Gulong gulo pa din ako. My mind was telling me that this was not him, but all this article was an evident of his identity.
Naaksidente?
Nagcrash iyong sinasakyan niyang helicopter?
Then what?
He died.
But he is alive!
" Ta-Tapos nawalan siya ng memorya?" I muttered.
Hindi ako makapaniwala na nalalaman ko ang lahat ng ito ng sabay sabay. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam pano ko pa ipoproseso lahat ng ito.
Adam Montenegro was successfully launched his own International Airlines.
Hindi ako makapaniwala sa aking nababasa. He was so damn successful in his age!
Family Background
His grandfather was a retarded Police General, while his father was Police Lieutenant General in the Philippines now. His mother was a well-known owner of the diamonds jewelries in the Asia and also in Europe. They owned one of the big Plantation in the World.
Mabilis ang aking paghinga at hindi na itinuloy na basahin ito. Sobra sobra na ang nalalaman ko at papano nangyareng?
Napailing iling ako. Napahinto ako sa pagexit ng makita ang larawan ni Ella na kasama ito. It was a candid shot, and the photos were taken secretly. Nanginginig ang kamay ko na tignan ito.
Montenegro's engaged on her Personal Assistant : The name of her fiancée was still unknown. But she's one of the personal assistant of Mr. Montenegro.
Napaawang labi ko at may namumuong kirot sa aking dibdib. Naramdaman ko na umiinit ang sulok ng aking mga mata.
Ella was wearing a black mask, pero kilalang kilala ko siya. They were holding their hands while on the airport. While Rad was smilig ear to ear.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko, at hindi na ako makahinga ng maayos. Napalunok ako upang ibsan ang bigat ng nararamdaman ko, but it getting worse.
My vision became blurry and my heart was aching so bad. Hindi ako makapaniwala na tumingin sa larawan nila ni Ella.
" Fiancée?" Matabang na saad ko.
Nanginginig ang aking mga kamay. I fell inlove, on my twin's fiancée? Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko, at may tumutusok na masakit na bagay sa aking dibdib.
Napatakip ako sa aking mga labi habang nakatingin pa rin sa kanilang larawan. She runaway because of this man, and now...
Hindi ko na napigilang ibato ang cellphone ko sa sofa.
" Ah!!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit ng aking nararamdaman at napasabunot sa aking buhok.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko, ang sakit ng nararamdaman ko. Pano nangyare iyon?
Ayokong isipin ni Ella na inaagaw ko ang lalaking mahal niya! Pero tangina, mahal ko din si Rad.
" Mahal ko siya." Nanghihinang sambit ko.
Papaano iyon? Mahal ko na siya.
Kasalanan ko ba iyon? Nawala ang memorya niya kaya wala akong kasalanan. Mahal niya din ako, minahal niya din ako.
Pe-Pero? He might not remember Ella, but he might see me as her.
Namamanhid na ako sa sakit. Wala na rin naman kwenta ang namagitan sa aming dalawa kapag naalala niya na ang lahat.
Hindi na siya babalik.
Humagulgol ako at niyakap ang aking mga tuhod.
" Hindi na siya babalik!" Iyak ko at habol ang paghinga dahil sa pagiyak.
Hindi ko kayang saktan si Ella, I saw how much she cares. Umiling iling ako. Why loving you was so complicated? Naramdaman ko ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha sa aking pisngi, pagod na pagod na ang aking mata sa pagiyak. Pagod na pagod na akong makaramdam ng sakit. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, habol ko ang bawat paghinga ko.
Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang makita! Gusto kong alamin ang katotohanan na magmula sa kanyang mga bibig.
Habang parang malakas na agos na bumabalik ang mga memorya ko na kasama siya. Noong una naming pagtatagpo, at mga oras na naging masaya ako ng dahil sa kanya. Sumisikip ang dibdib ko sa kadahilanan na, hindi pwede. Hindi kami pwede.
" Ba-Bakit kahit anong gawin ko, hindi tayo pwede? " Tanong ko, sabay pagtulo muli ng mga luha ko.