Kabanata 11

3608 Words
Sa ekspresyon ni Katya alam kong kinakabahan ito. I know something bad will happened. " Ako na bahala maghatid." Singit ni Rad sa aming usapan na mabilis namang umiling si Katya. " Hindi pwede, hindi ka dapat makita ni Donya Angelita na kasama si Senyorita Bella." Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Ngayon ko lang napagtanto na seryoso ang sitwasyon namin. Sumulyap si Katya sa akin. " Kung hindi, baka mawalan ka ng trabaho. Baka ngayon ay hinahanap na ni Perla si Senyora, at mas mabuti ng ako ang kasama niya. Makakaisip pa kami ng palusot. Hindi na rin pwedeng dumaan ang kabayo, dahil sobrang lambot na ng lupa, ang akala ko ay hindi kami makakaabot ni Alyas." Iiling iling itong saad niya. Tumango ako ng marahan at tumingin kay Rad, he was so furious while clenching his jaw. " I need to go..." napapaos kong saad. " Ihahatid na kita." Kunot noong saad nito at umiling ako ng mabilis. Tama si Katya mas delikado kapag nahuli kami na magkasama. Sigurado ako na magiimbestiga si Mama and that will not going to happened. Ayokong malaman ni Mama na pasekreto akong lumalabas upang maligo sa talon, at kasama siya. Sigurado ako na tatanggalin niya sa trabaho niya si Rad, at ayokong mapalayo siya sa akin. Ngayon pa na mas napapamahal na ako sa kanya. Nagbuntong hininga ito bilang pagsuko. " Text me, at least I know you went home safe." Saad nito. " Kailangan na naming magmadali Rad, baka dumating na sina Donya Angelita." Kumaway ako sa kanya, at hindi pa nakakalayo ay nakaramdam na kaagad ako ng pangungulila sa kanya. Malakas pa din ang ulan, naglakad kami ni Katya sa maputik na daan. Sumulyap ako muli sa munting kubo, seryoso pa din itong nakatingin sa akin. May kumirot sa dibdib ko dahil iniwan ko siya doon. " Kinse minutos pa bago tayo makarating doon, sana ay wala pa sila." Saad ni Katya habang bumibilis ang lakad namin dahil sa pagmamadali, nababasa na din ako at ang bestida na suot ko. " Bakit ba kasi biglaan ang uwi nila?" Anas ko at mas lalo pang nainis dahil sa mga putik na naiiwan sa aking sandals. " Hindi ko din alam, saka na tayo magisip ng dahilan kung bakit ka nasa labas. Kailangan na natin magmadali." Pagkatapos ng kinse minutos na paglalakad sa maputik na daan ay nakarating na rin kami sa mansyon, tumitila na ang ulan ngunit maya maya ay lalakas nanaman. Sa likod ng mansyon kami dumaan ni Katya, dahil basang basa kami pareho ng ulan. " Katya! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng Mama ni Katya ng makita kami nito. Napaawang ang labi ko sa mga kasambahay na aligaga sa pagluluto. Nagkatitigan kami nito at bago pa kami sumagot ay nakita namin si Mama na pumasok ng kusina. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. She was still wearing a formal attire. " Ma!" Hindi mapigilang saad ko. Takang taka itong tumingin sa akin. She looked at me from head to toe. Napukaw ko tuloy ang atensiyon ng bawat isa, kaya kami dito dumaan kasi alam naming nagpapahinga sila. Wrong timing nga naman. " Where did you go, Bella?!" Napangiwi ako sa sigaw nito, at alam ko na galit na siya. " Katya?!" Tawag ni Mama na mapansin na hindi ako sumagot. Sumulyap ako sa mama ni Katya na yumuko at kinakabahan. " Pumunta ako sa dalampasigan Mama, pero naabutan ako ng ulan. Kaya sumilong ako sa isang puno." Sagot ko, na isang palusot na naisip namin kanina lang bago kami tuluyang pumasok sa mansyon. Marahas akong tinitigan ni mama at sinusukat kung totoo nga ba ang sinasabi ko, hindi ako umiwas ng tingin sa kanyang nanlilisik na mga mata. " Is she telling the truth Katya?!" I rolled my eyes in irritation. " O-Opo Donya Angelita, lumabas po ako upang hanapin siya ng mapansin na wala ito sa kanyang silid." Sagot nito na yukong yuko at takot na takot kay Mama. " This is what I am talking about! Cristobal should listen to me!" Pumikit pa ito sa iritasyon, at nandidiring tumingin sa akin. " Look at yourself! Mukha kanang basang sisiw!" Anas nito. Mas lalo pa akong nainis sa sinabi nito. " Change your clothes! Katya, fix her. Esteban would be here in an hour." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mama. She looked at me. " You looked disgusting, go change!" Muling sigaw nito habang ako ay naguguluhan. " Esteban what Mama?!" I asked her, confused on what's happening. Mom's sighed in frustration. " Esteban was finally here, and he will come here to visit you." Kumabog ang dibdib ko sa kaba at pagkabigla. " Two weeks, I still have two weeks Ma." Tugon ko at hindi makapaniwala sa biglaan nitong paguwi. Ngumisi si Mama at umiling, " Are you not happy? Your fiance went home early because he wanted to see you?" I hissed in disbelief, umiling iling ako at padabog na naglakad papasok ng bahay at dinaanan siya. " Ugh! Cristobal your daughter is still lack of manners!" Naiinis na sigaw ni Mama at naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin. Nakasalubong ko si Papa na umiinom ng juice at nakataas ang kilay ng mapansin si Mama sa likuran ko. Umiling muli ako at naglakad na patungong hagdan. Padabog ang bawat paghakbang ko. Bakit naman biglaan?! " Bella! Walk as a lady!" Sigaw ni Mama mula sa baba na mas lalong kinainis ko. I wanted to burst out my anger but I have nothing to do about it. Katya was now fixing my hair while I am still in shock. Napabalikwas ako ng upo ng maalala si Rad. Hindi ko pa pala siya natetext. " Bella!" Suway ni Katya sa akin ng tumayo ako upang kunin ang cellphone ko sa pouch ko. " Just a minute Kat, please..." pagsusumamo ko at wala na itong nagawa ng kinuha ko ang phone ko. 16 missed call... Apat doon ay ang kay Katya, habang ang labing dalawa ay sa kanya. Nainis ako bigla at nagtungo sa veranda upang tawagin siya. " He-Hello...." my voice broke when I heard his deep sighed. " Is everything okay?" Tanong nito. My heart relieve when I heard his baritone voice. " Ye-Yeah, I'm sorry I didn't call you." I bit my lower lip, and he took a deep sighed again. " It's okay, at least I know your safe. " Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan, hindi ko alam ang isasagot ko. " I got to go / I'm sorry..." napahinto ako ng nagkasabay pa kami. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " Sorry, dahil wala akong magawa." Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Naghumerantado sa bilis ang t***k ng dibdib ko, at umiinit ang sulok ng aking mga mata. Pangulila sa kanya ang tanging nangingibabaw. " Rad..." Napapikit ako ng bigkasin ko ang pangalan niya. " You don't have to say sorry.." Bulong ko habang umiiling ng paulit ulit. " Bella, kailangan na nating magmadali. Baka maabutan pa tayo ni Donya Angelita na hindi kapa tapos." Tumango ako kahit na nakatalikod ako kay Katya. " I have to go." Bulong ko at hinihintay ang sagot nito. Nagbuntong hininga ako at ng ilang segundong tanging paghinga niya lamang ang naririnig ko ay pinatay ko na ang tawag. Napaawang ang labi ko ng may makitang lechon sa long dinning table namin, marami din putahe ang handa na ngayon lamang muling inihanda sa hapag. " Darating ba ang buong pamilya ni Esteban?" Ngiwing tanong ko kay Katya na nasa tabi ko. " Si Esteban lamang ang bibisita, Bella." Sopistikadang sagot ni Mama na nasa likuran ko na pala. Lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang mahigpit na hawak nito sa aking siko. " I didn't encounter any problem with Rafaella, kaya umayos ka!" Giit nito sa akin at ramdam ko ang pag higpit ng hawak nito kaya napangiwi ako. " Esteban would be here any moment, don't let everything would put into waste!" Bulong nito. Sumasama na ang pakiramdam ko kahit wala pa si Esteban. " Donya Angelita, malapit na daw po si Senyor Esteban." Anunsiyo ni Perla habang nagsusukatan kami ng tingin ni Mama. Nagbuntong hininga ito bago, sumuko sa titigan naming dalawa. " Let's wait for him outside." Giit nito at naglakad palabas ng dinning area. Sinunod ko ito at nasalubong si Papa na kakababa lamang ng hagdan. Paglabas ko ng malaking pinto ay ang pagbaba nito sa limousine nito. " Señorito Esteban..." malambing na salubong ni Mama sa kanya. Kumabog ang dibdib ko ng makita ang pamilyar nitong katawan. He was wearing his glasses, with his maroon coat. Naningkit ang mata ko, he became more mysterious and dangerous. Though it lessen his playboy look. I rolled my eyes, he still a bad ass that I knew. Humalukipkip ako sa isang tabi at hinayaan si Mama na salubungin ito. She behave like a puppy, I shook my head in disbelief. Really mom? " Abella, darling come here." Malambing na tawag sa akin ni Mama at ng tumingin ito sa akin ay kunot ang noo at galit. I hissed, and slowly walk towards Esteban. " She misses you a lot Hijo." nakangiting pahayag ni Mama. Esteban smirked when he saw me, and just by that naginit na kaagad ang ulo ko! Tss, maangas talaga. Asa ka! Bumaba ang driver nito na may hawak na two bouquet of red roses. Inilahad nito kay Mama na mas lalong ngumiti. " For you Abella." Tumitig ako sa kanya na nanliliit ang mga mata. Pilyo itong ngumiti ng inabot ko ito sa kanya. " Thanks." Tipid na sagot ko, at naramdaman ko ang kurot ni Mama sa aking tagiliran kaya napangiwi ako. " Come on Hijo, I'm sure you miss the Filipino food. When I heard that you are going to visit my daughter, we flew immediately. Mabuti nalang at nasabi kaagad ng Lolo mo na nakauwi kana kagabe." Kumunot ang noo ko at tumingin kay Esteban na nakangiti habang hinila ito ni Mama papasok ng mansyon. " I'm sorry Donya Angelita, I was about to surprise Abella." Tugon nito na muling sumulyap sa akin, na mabilis naman akong umiwas ng tingin. " Ah, you're so thoughtful Hijo! I told you, call me Mama." Ngumuso ako sa inaakto ni Mama. " Magandang Hapon ho, Don Cristobal. " bati nito sa Papa ko na hinihintay kami sa dinning. " Magandang hapon Hijo. Maupo ka." Anyaya ni Papa. " Pasensya ka na Esteban, dahil biglaan ang paguwi mo ay hindi kami masyadong nakapaghanda." Napailing nalamang ako sa sinabi ni Mama. " This is too much, Donya Angelita." Tugon naman nito na umupo sa upuan ko. Marahas akong hinila ni Mama, sa tabi ng kanyang upuan. Pilit akong ngumiti dito ng makuha ko ang atensiyon niya. Tahimik kaming kumain sa hapag, tanging si Mama at Papa lang ang kumakausap sa kanya. Hindi ako mapakali, hindi ako kumportable. Masyado akong nagulat sa nangyayare, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya. I can't believe it! " Try this lechon, Hijo." Ani Mama na nagpahiwa pa sa chef namin at inilagay sa plato ni Esteban. Lahat na yata ng putahe ay nasa kanyang plato na. Napailing nalamang ako. " Kamusta kana Hijo?" Tanong ni Papa habang kumakain. " I'm good Tito, I had too many errands to do that is why I don't have time to have a quick vacation here." Saad nito. Tumango tango si Papa. " We understand Hijo, we knew how busy you are in your masters." Singit ni Mama. " Thanks Tita." Sagot nito, at napansin ko ang pagngisi niya bago muling kumain. Kumunot ang noo ko at parang nagumpisang kumulo ang dugo ko. Ano ba ang nasa isipan nito? " That's true, at least we knew your doing good." Sagot naman ni Papa na mataman na ngumiti habang tumatango. " Hay nako, bagay talaga kayo ng anak ko." Ani Mama at huminto pa sa pagkain upang tignan kaming dalawa ni Esteban. Napangisi nalamang ako sa inis. " Lolo was a good match maker, I guess.." Seryosong sagot nito. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa kanyang plato. I knew it! Don Herman was the one who was the reason behind all of this. Nailang na ngumiti si Mama sa kanya. " Oo naman, at magkakasundo kayo. Diba Bella?" Makahulugan akong tinignan ni Mama. Nagkibit balikat lamang ako at nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mga mata ngunit binaba ko ang tingin ko sa aking plato. Nagkwentuhan pa sila tungol sa negosyo at iilang mga kaganapan. Lalo na sa nalalapit na debut ng pinsan nito. Habang ako ay nakikinig lamang, hindi alam kung ano ang sasabihin. He was too formal, and I am not used to it. I still can't believe it! He's here. All my plan was still a draft! I needed more time to prepare, but I didn't see this coming. " Puntahan mo na siya doon!" Anas ni Mama sabay tulak pa sa akin pagkatapos nito akong pinagpalit ng damit pagkatapos naming kumain. " Umayos ka Abella!" Dagdag pa nito. I rolled my eyes in irritation. He was now in veranda, waiting for me to come out. I hissed and have no choice. " It's been awhile Abella..." Napahinto ako sa pagupo sa tono ng pananalita nito. It was different, it has a bit of sarcasm. Kumunot ang noo ko at tuluyang umupo sa kanyang harapan. He removed his eye glasses and looked at me disappointed. Ngumisi ito at napailing. " May problema ka ba?!" Naiinis na tanong ko. " Wala naman, baka ikaw ang may problema." Sarkastikong sagot nito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. His actions was different from before, I smirked. " I guess, I am with the real Bella." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He caught me off guard. Swear! I really wanna punch him right now! Does he knew?! " I don't get you!" Anas ko. " Instead of I am resting now because of jetlag, I needed to come here to see you!" He said with full of dismay. " Uhuh? As if I wanted to see you!" Hindi makapaniwalang sagot ko. Napahinto ako sa inasta niya at napakunot ang noo ko. I leaned on him and looked at his annoyed face. " Kung ayaw mo sa akin, bakit ka pa umuwi?" Giit ko. Marahas nitong hinawakan ang braso ko. " Your twin knows well, Bella. I don't need to make an effort just to win your heart, let me remind you I am not Esteban for nothing..." bulong nito na ikinakaba ko. " I am Esteban, I should not be pleasing anybody else. Especially you, it seems that I can easily get you." Marahas kong inalis ang hawak nito sa akin. " You asshole!" Giit ko sa kanya, kumabog ang dibdib ko sa kaba ng ngumisi lamang ito. " You are really different from Rafella!" He laughed devily. " I can't wait to marry you Abella, tignan lang natin kung hanggang saan ang tigas mo. Go to hell with me." Ngisi nito at tumayo. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ugh! I wanna kill him right now! " In your dreams!" Anas ko bago pa ako muling magsalita ay sinuot nito ang kanyang salamin at tumayo. Naglakad na ito papasok ng mansyon. Mabibigat ang hininga ko at sobrang bilis ng kabog ng dibdib. Napasapo ako sa aking noo, no ayoko siyang mapangasawa! Damn him, he is an evil. Their family was evil! I shook my head. Tumayo ako upang habulin siya. " Oh Esteban..." malambing na salubong sa kanya ni Mama ng makita ito nito sa hallway. Pumikit ako sa inis. " I have to go, Donya Angelita." Paalam nito kay Mama na punong puno ng paggalang. Napangisi ako sa inasta niya at humalukipkip. " Oh, why so fast Hijo?" Ani Mama na luminga linga sa likuran ni Esteban at ng makita ako at ay pinandilatan ako nito ng tingin. " Bella, please accompany your fiancé. He is going home." Mom said pointing out every words on it. I took a deep sighed, and walked towards them. I am gripping the hem of my long dress, stopping myself from hitting him. " Sure mom!" Matigas na saad ko at tumingin ako kay Esteban. I don't know how he play it, but I can sense his anger towards this situation. Naglakad na itong muli palabas ng mansyon. " You really act well huh!" Anas ko sa kanya noong nakalayo na kami kay Mama. He stopped and he fiercefully looked at me. " It seems that, I don't need it." Maangas na tugon nito. Hindi ko makuha ang sinasabi niya pero ng marinig ko amg boses ni Mama sa aming likuran at umurong ang dila at lakas ko sa kahihiyan. " Esteban, Hijo. Magiingat ka ha, Abella was so happy to see you!" Habol ni Mama at hinatid pa nito ito sa sasakyan niya. Kumaway pa si Mama hanggang sa makalayo na sila na mas lalo kong ikinainis. Ang mas nakakainis doon ay tama pa ang nasa isipan ni Esteban. That my mom was very fond about it. " Mama pwede ba!" Inis na sabi ko ng maglakad ito papasok ng mansyon. Nanlilisik itong tumingin sa akin. " Umayos ka Abella!" " You are too obvious!" Inis na inis na sagot ko habang papasok kami ng mansyon. " Can you please act normal?!" Napahinto si Mama sa sinabi ko at kunot noo itong tumingin sa akin. " What are you trying to say Bella?!" She asked on her warning tone, but I am used to it. " You are like a puppy Mama! You act as a tame lady in front of him, ano pakitang tao ganon?!" Pasigaw na tanong ko habang kumakabog sa bilis ng t***k ng dibdib ko. Hindi makapaniwala akong tinignan ni Mama. " Abella..." she murmured my name as if it is a big sin. " Wag mo akong pinupuno!" Giit nito na halos hindi na bumubuka ang bibig. " Kaya siguro umalis si Ella! Because the way you act, you almost sell your daughter just to get what you wanted!" Anas ko at akmang maglalakad patungo sa hagdan ng marahas nito akong hinawakan sa aking siko at hinarap sa kanya. " Donya Angelita...." narinig kong boses ni Perla na nagaalala. Nakatingin na pala lahat ng katulong namin, nakita ko din si Katya na nagaalalang tumingin sa akin. " Yes! I will use you to do that!" Pinandilatan ako ni Mama at bumigat ang bawat paghinga ko. " Mama!" I shouted at her. " Kaya ayusin mo!" Galit na galit nitong saad at marahas nitong binitawan ang siko ko at naglakad paakyat ng hagdan. Nanlalaki ang mga mata ko sa inasta ni Mama, napahawak ako sa aking dibdib sa galit at pagkamuhi. Naginit ang sulok ng mga mata ko sa nagbabadyang luha, how can she do this to her own daughter? I loathed her! I hate her! " Bella..." Katya comforted me and help me to walked. Tumingin ako sa mga katulong namin na nakayuko at hindi makatingin sa akin. Nanghihina ang tuhod ko, at hindi makapaniwala. " I can't believe her!" Sigaw ko sabay tapon ng diamond necklace na suot ko sa kama. " Bella, uminahon ka." Bulong ni Katya sa akin. " Nakita mo ba kung papano umasta si Mama sa harap ni Esteben? My gosh Katya! How can she became so greedy on their wealth!" Anas ko at umiling iling na umupo sa kama. " Kaya niya pang..." huminga ako ng malalim at nagbuntong hininga. " Kaya niya pang gawin ito sa sarili niyang anak?" Inis na inis na tanong ko. Sobrang sikip na ng dibdib ko sa galit at inis! Naalala ko si Rafaella, she was pure and so weak. Hindi ko napigilang lumuha. I shook my head. " How can I hate my twin so bad, if she was suffering emotionally. I know her too well, she can't handle this! But she will just let Mama to tell her what she gonna do..." Naramdaman ko ang yakap ni Katya sa akin. " Shhh! Bella kailangan mo maging malakas..." " Esteban was evil Katya! I can't see myself marrying him!" Umiling iling ako ng mabilis. " No! I don't like him, my life would be miserable if it will going to happen!" Hagulgol ko. " Their family was powerful! They can rule everyone's life here in Valencia." Pabulong at nawawalan na ng tsansang saad ko. Kaba, takot at inis ang nararamdaman ko. I don't know if I can handle this kind of situation. Seeing my mom how to act towards him, and how creepy Esteban is. Hinawakan ko sa kamay si Katya. " I need to plan fast Katya!" Saad ko habang hinahabol ang hininga. Pinunas nito ang mga luha ko. Tumango ito ng mabilis. " Makikinig ako..." saad nito. " Please help me, I needed to used them. Just killing some time to seduced him." Saad ko at huminga ng malalim. Tumango si Katya sa akin. " Please, kumalma ka muna. Nagaalala ako sa iyo." Kinakabahang saad nito. " I don't have more time Katya. Seeing Angeline and Katarina how desperate they are, I know they will going to do something unexpected. I have to take advantage of that." " Kinakabahan ako sa pinaplano mo, papano kapag nalaman ito ni Donya Angelita? Siguradong malalagot tayo!" Nagaalalang tugon nito. Umiling ako, at pinunas ang mga luha sa aking pisngi. " This is my only way to escape Katya, kung hindi..." kumabog ang dibdib ko sa kaba at napapikit ako. I saw Esteban smirking and hurriedly shook my head. " Kung hindi wala akong magagawa kundi pakasal kay Esteban!" Tumango si Katya sa akin. " Ano ba naman ito! Nakita ko na ito kay Ella noon, kinakabahan ako. " Humigpit ang hawak ko sa kanya. " Hindi dapat ito malaman nino man Katya, even Rad." Bulong ko sa kanya. She took a deep sighed and slowly nodded. " Naiintindihan ko, wala naman din siyang magagawa. Mas mahirap kapag madamay pa siya." Sumakit ang puso ko sa isipan iyon na tama si Katya, hindi ko alam kung kailangan ko na ba siyang iwasan o hindi. Pero iniisip ko palang na hindi ko siya makikita ay sumisikip na ang dibdib ko. Mas lalo tuloy akong nahihirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD