Pinipilit kong maging positibo sa mga bawat araw na lumilipas, tinatawagan ko ang number niya ngunit mukhang pinatay niya ito. Dumaan ang isang araw at linggo. Ngunit kahit isang mensahe wala akong natanggap sa kanya.
Tulala ako habang nilalaro ang dessert sa aking harapan. Naging mas naging busy ako nitong nakaraang araw dahil sa pagpaplano sa aming nalalapit na kasal.
" Hija, what do you think?" Nabalik ako sa ulirat ng kausapin ako ni Mama ni Esteban habang nasa malaking meeting room nila kami at kinukuha ang opinyon namin para sa magiging set up ng kasal.
Kasama namin ang sikat ng stylist sa Europe, she was a close friend with the Hernandez.
Matipid itong ngumiti sa akin. " You're preoccupied Hija, did you sleep well?" Muling tanong nito.
She was like a Maria Clara and act as a fine lady, wala akong makitang kahit anong kapintasan sa Mama niya. I can't hate her.
" I'm sorry Donya Helena." Nahihiyang saad ko at sumulyap kay Esteban na nasa tabi ko na kunot na kunot ang noong nakatingin sa mga magazine na hawak nito.
" It's okay Hija." Matamis itong ngumiti sa akin na mas lalong lumitaw ang kagandahan nito. Sumisigaw ng karangyaan ang mga suot nitong jewelries.
Tumikhim ito at lumipat ang tingin kay Esteban na hindi man lang natinag sa ginawa ng Mama nito.
" Esteban..." malambing na tawag nito sa kanya. Ngunit inis nitong inilipat ang pahina ng magazine.
" Hijo!" Medyo malakas na tawag nito, napansin ko ang pagkagulat nito kaya bahagya itong natawa.
" Ma?" Gulat na tanong nito. Napailing si Donya Helena at namuo ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi.
" You are both pre-occupied. Esteban, ihatid mo na si Abella she might be tired." Ngiti nito sa aming dalawa.
Hindi na rin ako tumanggi dahil masyado akong napagod ngayong araw kahit na buong araw lamang kaming naghahanap ng diseniyo. Sumakay ako sa Aston Martin nito na kulay pula. Gabi na at ramdam ko na ang pagod ng aking katawan. Sumulyap ako sa kanya na tahimik na nagmamaneho. Hinilot ko ang aking sentido.
" Where were you that night?" Kumabog ang dibdib ko at tumingin sa kanya na seryosong nakatingin sa daan.
" That night?" Gulong tanong ko at kumunot ang noo, halos kasama ko siya sa loob ng isang linggo pero ngayon niya lang ako kinausap.
Lagi nga siyang tulala at malalim ang iniisip nitong nakaraang araw.
" Noong debut ni Sandara, where were you?" Kunot noong tanong nito at mabilis na sumulyap sa akin bago muling tumingin sa kanyang harapan.
Kinabahan ako bigla at tumingin sa labas ng bintana, dahil busy ako at hindi mawala sa isipan ko si Rad nakalimutan ko ng tanungin si Thalia kung ano ang nangyare, kinabahan ako bigla baka hinanap nito ako noong gabing iyon.
" I was - at, at the dance floor..." Lumunok ako upang maibsan ang bara sa aking lalamunan bago siya sinulyapan na seryoso pa rin ang mga mata. " ...with my friends." Dugtong ko.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak nito sa manubela at marahang tumango. Nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa labas ng bintana. Mariin ang kapit ko sa aking purse at kunot noong nakatingin sa labas.
Gusto kong magmura sa sobrang kaba ko.
" I-Ikaw saan ka noon? I-I was looking at you.." napapaos na tanong ko.
Sumulyap ako sa kanya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan. Nakita ko ang pagigting ng panga nito na nagpakunot ng noo ko. Something was bothering him.
" I was with my cousin." Tipid nitong sagot.
Marahan akong tumango at huminga ng malalim. Kailangan kong kausapin si Nathalia ukol dito, baka pagkatapos nilang magkita ay hinanap nito ako. Sumandal ako sa aking upuan at ipinikit ko ang aking mga mata, wala naman akong narinig na kaguluhan kaya nakakasigurado akong hindi siya nahuli. Ngunit wala man lang akong text na nakuha sa kanya noong gabing iyon, kaya ayokong isawalang bahala.
Iminulat ko ang aking mga mata ng makarinig ng munting paghinga. Nagulat ako ng nasa harapan ko si Esteban at seryosong nakatingin sa akin na sinusuri ang aking mukha. Nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko ito.
" What the hell are you doing?!" Anas ko sa kanya at gulat na gulat, nakaramdam ako bigla ng kaba.
Tumingin ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng nasa pamilyar na hardin na kami ng aming mansyon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aming biyahe.
" I was waking you up." Kunot noong saad nito.
I shut my eyes and sighed heavily before looking at him. Na ngayon ay tumabi upang makababa ako. Inayos ko ang mahabang dress ko at napansin ang mga kasambahay namin na lumabas dahil sa pagdating namin. Nahiya tuloy ako dahil nasigawan ko pa siya.
" Pumasok muna ho kayo Señor Esteban." Anyaya ni Perla.
Ngumiti ito at mabilis ding umiling.
" Hindi na, hinatid ko lamang si Abella." Anito bago pumasok sa kanyang sasakyan. Walang salita nitong pinaandar ang sasakyan at mabilis itong umalis na para bang nagmamadali.
Pagkapasok ko sa aking silid ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa aking purse. Sinubukan kong tawagan si Nathalia ng ilang beses ngunit hindi nito sinasagot ang tawag ko. I was so worried, does something bad happened? I need to talk to her, but it turns out that she's ignoring me. Or blinackmail ba siya ni Esteban? Oh great! Mukhang wala nanaman akong napala sa plano na ginawa ko. Wala na yata talaga akong kawala.
Hindi ako mapakali. Gusto kong mawala lahat ng aking pangamba kaya naman pagkatapos kong hindi matawagan si Thalia ay si Rad naman ang tinawagan ko ngunit nakapatay naman ang cellphone nito.
To Rad :
I miss you.
Text ko sa kanya, umaasa na mababasa niya ito. Kahit man lang marinig ko ang boses niya.
Kung hindi si Donya Helena ay si Mama naman ang kasama namin sa wedding preparation. Kahit na may malaking pagtitipon silang parating ay gusto ni Don Herman na paghandaan na ang nalalapit na kasal namin. Isang linggo pagkatapos ng malaking pagtitipon sa Valencia.
Minsan iniisip ko, kung aasa pa ba ako na babalik siya. Kasi kahit bumalik siya wala din naman mangyayare. Wala naman din magbabago. Habang palapit na palapit ang aming kasal, ay unti unti ng naglalaho ang pagasa para sa amin dalawa.
Tumungo kami ni Esteban sa isang exclusive Classical Music Performance sa bayan ng Valencia. Iniutos ito ni Don Herman upang mas lalo kaming makilala ng mga tao sa Valencia. Kasama namin sina Baste at Sandro na mga pinsan ni Esteban, ngunit noong nasa mismong venue na kami ay lumapit sila sa kanilang mga kakilala. Mas mabuti na rin iyon dahil masyado silang nakakapukaw ng atensiyon, hindi lamang dahil sa apo sila ng Gobernador ngunit sa tagal nilang nanatili sa Espanya ay malaki ang pagbabago ng kanilang itsura.
Nakasalubong namin si Angeline kasama si Nathalia na umiwas ng tingin ng makita kami. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nandito din sila. I know they love Classical Music.
" Oh, Esteban, Bella. Hindi ko alam na pupunta kayo dito." Gulat na bati ni Angeline.
Sumulyap ako kay Esteban na nakatingin sa mga performers.
" Ah, oo. Don Herman wanted us to be here." Sagot ko at muling sinulyapan si Thalia na hindi makatingin sa amin.
Gustong gusto ko siyang tanungin, kung wala lamang dito si Esteban.
Matamis na ngumiti si Angeline. " So tara?" Excited na sambit nito. Walang salitang naglakad si Esteban at mukhang wala interes sa mga kaibigan ko, maraming bumating mga kilalang negosyante sa kanya noong papunta kami sa aming upuan.
" Your fiancée is so beautiful." Ngiti ng isang kano sa kanya ng huminto ako sa tapat nito. Naramdaman ko ang kamay nito sa aking likuran. Hindi ito ang unang beses na may nagcompliment sa akin habang kasama ko siya. We have to be civil, ito din naman ang gusto ni Mama, kailangan naming ipakita sa ibang tao kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Siguro dahil napapadalas ang paglabas namin ay nasasanay na ako sa kanya at sa ibang tao.
" Thank you." Tipid na sagot ni Esteban. Umupo kami sa VIP seats with Angeline and Thalia.
Tumabi si Angeline kay Esteban kaya nasa pagitan namin ito habang si Thalia naman ay nasa kabilang tabi ni Angeline.
The whole performance was awesome, pero dahil hindi ako mahilig sa classical music ay half of the performance ay natulog lamang ako. Lalo na ay sobrang tahimik ng crowd at malakas na palakpakan lamang kapag nagtatapos ang mga nagpeperform. Nakakaantok.
" Let's eat?" Yaya ni Angeline sa amin pagkatapos ng performance at nakangiti kay Esteban.
" Sure!" Masayang sagot ko ngunit naramdaman ko ang kamay ni Esteban na hinawakan ang aking kamay.
Napaawang ang labi ko sa gulat at nakita ang pagkabigla ni Angeline, may dumaang sakit sa mga mata ni Thalia at umiwas ng tingin sa amin.
" May pupuntahan pa kaming business meeting." Saad nito na tinutukoy ang dinner meeting with foreign investors ng family nila. Ayoko naman talagang pumunta ngunit pinipilit na kami ang magaattend.
Alas kwatro y media pa naman at mamaya pa naman iyon, tiniim ko ang aking bibig at pilit na inaalis ang kamay nito na mahigpit ang hawak sa kamay ko.
" Uh, sure. Take care." Naiilang na pahayag ni Angeline na hindi mawala ang tingin sa kamay naming dalawa.
Tuluyan nga nito akong hinila. Upang makalayo sa kanila. Halos buong linggo ay puno ang schedule ko ng kasama si Esteban sa mga pagtitipon. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayare. I need to be used to it, but I cannot. Hindi ganitong buhay ang ginusto ko, iyong lahat ng mga kilos at galaw ko ay minomonitor ng iba. Hindi na ako makapagdesisyon sa sarili ko, hindi pa kami kasal pero sobrang sakal na sakal na ako. Lalo na ay makapangyarihan ang pamilya nito, na lahat ng mga malalaking tao dito sa amin ay malapit sa pamilya nila.
They want me to looked perfect, but I can't. I just wanted to live a simple life, no rules, no limitations. This situation was so suffocating, gusto kong kumawala.
" Esteban seems so fond with you Bella." Kunot noong saad ni Katarina na dumalaw sa mansyon kasama si Angeline.
Tumango si Angeline dito bilang pagsangayon. " I don't get it, anong meron sa iyo na nagustuhan niya?" Sarkastikong tanong ni Angeline.
I should got offended but I'm not, mas lalo lang akong nagaalala sa nangyayare. Kinakabahan na totoo nga ang mga sinasabi nila.
" He was ignoring us, it so obvious!" Kat snapped and shook her head slowly. " She wasn't the Esteban I used to know." Natatawa nitong pahayag, compare sa amin mas nakasama niya si Esteban because of Julius.
Nagkibit balikat si Angeline. " Maturity, that's it. He matured a lot, or maybe he really serious!" Komento ni Angeline.
This past few weeks na magkasama kami, hindi ko siya kinakitaan ng kahit ano. He was being good actually na mas lalong kinainis ko dahil hindi man lang ako makakita ng dahilan upang kumawala sa sitwasyon ko. Hinilot ko ang sentido ko sa isipang iyon.
" Baka, he was really trying to work it out with you. I can't believe it! You are really lucky Bella! Biruin mo isang Hernandez mapapangasawa mo?" Manghang komento ni Angeline na umiiling iling pa.
" Exactly! This is really unexpected!" Sabad naman ni Kat.
Pinaglaruan ko ang lemon na nakalagay sa aking baso. Kahit ako, hindi ko rin inaasahan na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Napahinto ako at naalala si Thalia.
" Si-Si Thalia nga pala?" Nakakunot noong tanong ko sa kanila na ngayon ay nagkatinginan.
They shrugged their shoulders. " She's busy with her studies, sabi niya plano nilang lumipat sa Tagaytay." Napaawang ang labi ko sa gulat.
She didn't tell me about that.
" Huh? Bakit daw?" Kuryosong tanong ko.
Nagkatinginan silang dalawa at nagbuntong hininga.
" Pinagbabawalan na nga ako ni Mommy na makisama sa kaniya e. The arguments between her family and the Hernandez worsen, and it's creeping me out. You know how dirty they play." Kinakabahang saad ni Katarina.
" True! Naaawa ako kay Thalia dahil naiipit siya sa problema ng parents niya. Pero hindi ko din maiwasang kabahan." Malungkot na saad ni Angeline.
" Though she's being nice to us." Dugtong ni Kat. " But let's face it, malaki at makapangyarihan ang kinakalaban ng Papa niya"
Natahimik ako sa sinabi nila. That's true, we all know how powerful they are. Kaya kahit na makiusap pa ako kay Papa na wag akong ipakasal kay Esteban mas lalo lang magugulo ang lahat. Wala silang magagawa tulad ko kapag si Don Herman ang naghangad. Kumunot ang noo, bakit ko nga ba iyon nakalimutan.
" If a runaway Katya, what do you think?" Isang gabing tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malawak na dagat.
" Bella..." naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin.
Sinulyapan ko ang phone ko na umaasa sa munting mensahe nito. Isang text niya lang, aasa ako na babalik muli siya. Aasa ako na baka meron pang pagasa para sa aming dalawa. Pero bakit ang hirap? Bawat araw na nagdaan na hindi ko siya nakikita pakiramdam ko panaginip lang iyong mga panahon na kasama ko siya.
Pakiramdam ko hindi totoo, at nagiilusyon lamang ako. Naramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi sa aking pagpikit. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga halik at yakap nito, damang dama ko. Ramdam ko na totoo lahat ng ito. Binibigyan ako nito ng rason upang umasang muli.
" Alam mo namang imposibleng mangyare iyon hindi ba?" Marahang sagot nito. Kumunot ang noo ko at tumango ng marahan.
Kailangan ko na ba siyang bitawan? Pero hindi, nangako siya na babalik siya. Pero kapag bumalik siya ano? Anong mangyayare?
Baka kasalanan ko pa bakit siya naipit sa kalagayan ko. Ayokong madamay siya, marumi maglaro ang mga Hernandez at natatakot ako para sa aming dalawa. Natatakot ako para sa kanya, iniisip ko palang ay sumisikip na ang aking dibdib.
Nagbuntong hininga ako.
Pinipilit kong ibaling kay Esteban ang pagtingin ko ngunit si Rad lamang ang tinitibok ng puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Sobra akong nahihirapan sa sitwasyon, kung nandito lamang siya mas madali niyang masagot ang mga katanungan ko. Sakanya lamang ako humuhugot ng lakas.
" Na-Namimiss ko na siya." Hindi mapigilang saad ko. At muling naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko mapagkakaila ang pangungulila ko sa kanya, sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko ang kamay ni Katya sa aking likuran.
" Sana si Esteban ang tinutukoy mo?" Kuryosong tanong nito. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko na matago itong sikip ng nararamdaman ko. Pagod na ako sa ganito.
Napaawang ang labi ni Katya at nakakunot ang noo nito.
" Sino Bella? Sino ang tinutukoy mo?" Kinakabahang tanong nito at pakiramdam ko na alam nito kung sino.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at inilipat ang tingin sa aking mga kamay.
" Si Rad ba?" Kumabog ang dibdib ko sa tanong nito at mabilis na tumingin sa kanya na tinitimbang ang reaksiyon ko.
" Tama ako hindi ba? Si Rad ang tinutukoy mo." Marahang tanong nito.
Lumunok ako at napakagat sa aking labi, halos magiisang buwan na siyang umalis at wala akong balita sa kanya. Maging si Alyas ay wala dito.
" Ka-Katya..." Garalgal na boses na tawag ko sa kanya at kumunot ang noo nito. " Ka-Kasalanan bang mahalin ko siya?" Tanong ko at muling lumunok.
Nagbuntong hininga ito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
" Abella! Hindi ba sinuway na kita?!" Nagaalalang saad nito. " Alam mo naman ang sitwasyon mo!" Dugtong nito.
Tumango tango ako. " I-I know... I know Katya, but I can't help it. Mahal ko na siya!" Giit ko. " At wala man lang akong magawa, kahit anong pilit ko na iwasan, sa tuwing bumabalik ako sa kanya mas dumadoble iyong pagmamahal ko. Hindi na ako makaahon." Hinawakan ko ang kamay ni Katya at humarap sa kanya.
" Pinipilit kong alisin siya sa isipan ko, ngunit sa bawat araw na hindi ko siya nakikita nangungulila ako sa kanya." Marahang wika ko.
Pinahid ko ang mga luha ko at marahang tumango ito.
" Gustong gusto ko na siyang makita, sabik na sabik ako sa kanya. Maniwala ka Katya, pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko man ibaling kay Esteban ang pagtingin ko ngunit huli na ako!"
" Ano ba naman ito! Para kong nakikita sa iyo si Ella. Nakakainis!" Umiling ito ng mabilis. " Pero wala na tayong magagawa Bella, ginawa na natin ang lahat. Pero mukhang nagugustuhan kana ni Esteban." Nanlambot ang aking katawan sa sinabi nito.
Huminga ako ng malalim at tuluyan ng nawala ang mumunting pagasa sa aming dalawa. Sino pa ba ang niloloko ko? Ako lang naman yata ang nagsasabing pwede pa. Buong gabi nito akong hindi pinatulog, pinipilit ang sarili na umasa pa.
Kinabukasan ay hindi ko mapigilan na magtungo sa rancho ni Papa. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na magtungo doon ngunit natalo ang aking isipan.
" Pa!" Nadatnan ko itong sinusuklay ang matandang kulay abong kabayo nito habang nasa labas ng kwadra nila.
" Bella..." kunot na saad nito at sumulyap sa kanilang kwadra bago inilipat ang tingin sa akin. " Pinagbabawal ng Mama mo ang pagsakay mo sa kabayo." Anito.
Tipid akong ngumiti kay Papa at tumango. " Alam ko po Papa, nandito ako para..." Luminga linga ako sa rancho baka makita ko ito ngunit, nawalan ako ng gana ng ibang mukha ng trabahador ang aking nakita. " ...kay Cloud."
Tumango tango si Papa. " Maganda ang pagaalaga sa kanila, hindi ako makapaniwala na naalagaan itong mabuti ni Rad." Napahinto ako sa kanyang sinabi at binigay ang buong atensiyon kay Papa. " Lalo na at hindi ko masyadong nabibigyan ng oras ang mga ito."
" Na-Nasaan nga pala si Rad, Pa? Mukhang hindi ko na siya nakikita." Kunwari'y tanong ko sa kanya at mas lalong lumapit.
" Ah iyon ba, ang paalam sa akin ay may importante daw pupuntahan." Sagot ni Papa na hindi ako nililingon. Kumabog ang dibdib ko at hindi makuntento sa sagot nito.
" Ano daw ho iyon?" Muling tanong ko at umaasa na alam niya ito.
Kumunot ang noo ni Papa at umiling. " Hindi sinabi, pero ang paaalam ay babalik naman." Tumango tango ako at nabigo.
" Hindi ako makatanggi dahil magaling itong magalaga, at mukhang maalam sa mga ganito." Komento nito na nagpakunot sa aking noo.
" Ano ibig mong sabihin Papa?" Kuryosong tanong ko, tumikhim si Papa at tumingin sa akin. " Marahil ay matagal na nito itong trabaho." Halakhak pa nito. " Hindi nabanggit ni Densyo na mayroon pala siyang pamangkin na marunong sa mga kabayo."
Napahinto ako ng maalala si Mang Densyo.
" Kamusta na ho pala siya Pa? Wala na ho akong balita kay Mang Densyo." Tuluyan ng huminto ito at binigay ang buong atensiyon sa akin.
" Nagiging maayos na ang kalagayan niya, sinabi nito na baka sa mga susunod na buwan ay papalitan na niya si Rad." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi makapaniwalang tumingin kay Papa.
Hindi iyon maaari! Ibig sabihin ay limitado nalamang ang panahon na pwede ko siyang makasama.
" Pero Pa?!" Hindi naiwasang tanong ko na ikinakunot ng noo nito.
" Naiintindihan kita Hija, matanda na si Mang Densyo maging ako ay hindi sumang-ayon sa gusto niya. But he was asking me a favor, kaya hinayaan ko na." Sagot ni Papa, napabuntong hininga ako.
Mabuti nalamang ay hindi niya nahalata ang ibang rason ko. Marahan nalamang akong tumango sa sinabi ni Papa.
Muli kong inilibot ang tingin ko sa buong rancho, pumasok din ako upang silipin si Cloud tutal ay nandito na rin man lang ako. Nagbuntong hininga ako. Mukhang wala pa ito.
Muli, ay nasa isang bigating pagtitipon kami sa mga kasamahan ng mga Hernandez sa kanilang negosyo.
Pagod na pagod akong umupo sa table namin dahil sa mga taong ipinakilala sa amin ni Don Herman.
" Kailangan ba talagang nandito tayo?" Anas na tanong ni Baste na pinsan ni Esteban. Sila ang kasama namin sa table habang nasa kabilang table naman ang kanilang mga magulang.
" If you want to burn your ass, then go!" Halakhak naman ni Sandro na katabi nito.
Hindi ako gaanong malapit sa kanila, at wala din naman akong balak na makilala sila.
Naramdaman ko ang kamay ni Esteban sa aking kamay na nakapatong sa table.
" Let's dance..." Anyaya nito ng tumunog ang musika.
" Ayoko, pagod na ako Esteban." Pagod na sagot ko ngunit mariin ang hawak nito sa aking kamay.
" I said let's dance." Pagpipilit nito na ikinakunot ng noo ko.
Narinig nito ng dalawang pinsan niya na ngumisi ang mga ito at napailing. Kumabog ang dibdib ko at iginiya nito ako patayo kahit na ayoko.
" Esteban ano ba!" Anas ko at pilit na inaalis ang kamay nito.
Kumunot ang noo nito at huminto ito noong nasa gitna na kami. Inayos nito ang takas kong buhok at inilagay sa likod ng aking tenga.
" Abella, don't expect me to be a good husband to you..." kumabog ang dibdib ko sa tono ng pananalita nito at naramdaman ko ang kamay nito sa aking braso.
Humigpit ang hawak nito kaya napaawang ang mga labi ko.
" Nasasaktan ako Esteban!" Mariin na saad ko sa kanya at isinawalang bahala ang kaba sa dibdib ko.
" Now, I rather choose Rafaella than you." Mariin nitong payahag at nagagalit ang mga mata nito. " I can rule her easily." Ngisi nito. Naningkit ang mga mata ko at matalim siyang tinitigan.
" Ano ba!" Mariing saad ko at hindi mapigilang magalit sa kanya.
Unti unti ko muling nakita ang Esteban na kilala ko noon pa. The evil man that can play every woman he wanted na nakatago sa maamo nitong mukha. Is he playing dirty games with me?
" If you will follow what I want, we have no problem. Naiintindihan mo?" Mariing giit nito sa akin at halos itulak nito ako bago ako iwanan sa dance floor. The light dim and the people was enjoying the night while I was here begging for some miracles to happen.
Huminga ako ng malalim sa sobrang kabang nararamdaman ko. He looked pissed and bothered! Bat niya ako dinadamay sa problema niya?!
Nagpasundo ako sa driver namin, nagbuntong hininga ako at pilit na tinatagan ang sarili. Buong biyahe ay ramdam ko pa rin ang kaba dulot ng mga salita ni Esteban.
Gabing gabi na kaya paguwi ko ay natutulog na sina Mama, at sina Katya nalang ang sumalubong sa akin. Hindi na rin ito tumuloy sa aking silid dahil pagod na ito.
Gusto kong sumigaw sa nangyayare sa buhay ko. Mabilis kong inalis ang damit ko at nagbabad sa mainit na tubig.
Hinilamos ko ang aking mukha sa tubig upang mabawasan ang bigat ng loob ko. Halos kalahating oras din akong nagbabad sa bathtub, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa maraming palaisipan. I grabbed my bathrobe and wore it. I walk towards my walk in closet.
Napailing akong muli ng maalala ang nangyare kanina. Darn it! Now he's creeping me out. I can read him. His insane!
I froze when I heard noises coming from my veranda. Hindi ko pa nabubuksan ang ilaw, at tanging ang lamp shade na malapit sa kama ko ang nakabukas.
Kinabahan ako bigla, tumahimik ako at pinakiramdaman ito at nakahinga ako ng maluwag dahil baka naligaw na ibon nanaman ito.
Lumabas ako sa aking walk in closet, hindi ko pa naman nasara ang veranda ko.
" Damn it Bella! How can you be so reckless?!" Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang pamilyar na napapaos at mababang boses nito.
Mabilis kong inilibot ang aking mga mata sa malaking silid ko habang pigil ko ang aking hininga. I saw his silhouette near my mirror. My heart started to beat so fast, after more than a month...
" Rad..."