Kabanata 14

3720 Words
Nagbuntong hininga ako at tumayo. Hindi ko na kaya ang naririnig ko. I want to protest but I can't. " Oh? Lalangoy ka?" Tanong sa akin ni Kat. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Ayoko itong nararamdaman kong ito. " Oo." Tipid na sagot ko. Sa pagtayo ko ay tumayo rin si Esteban. Nagkatinginan kami at iginiya niya ako patungo sa dagat. Mabibigat ang bawat hininga ko sa aking paghakbang. Kailangan kong ituon ang pansin ko kay Esteban. Kailangan ko lang naman siyang bigyan ng panahon upang mahalin ko. Time, it takes time for me to love him and it takes time for me to forget Rad. Napahinto ako sa paglalakad at nagulat ng maramdaman ang pagtama ng katawan ni Esteban sa aking likuran dahil sa biglaan kong paghinto. Naramdaman ko ang malaking kamay nito sa aking maliit na tyan upang hindi ako matumba. " Okay ka lang?" Marahang tanong nito. " O-Oo." Sagot ko at nabigla sa nangyare. Mabilis nitong inalis ang kamay niya sa aking tyan. " Ang sweet niyo naman!" Nagulat ako sa biro ni Karlo na ngayon ay na sa aming harapan at nakangisi. Napahinto ako ng mapansin ang mga mata nila sa aming dalawa ni Esteban, seryoso lamang si Esteban at walang emosyon na dinaanan si Karlo upang magtungo sa dagat. Hindi na ako tumuloy sa dagat at tumayo nalang doon. Napangiti ako ng lumapit si Thalia sa akin, habang si Angeline ay naglakad patungo sa tent. " Bella, can we talk?" Tanong nito at sumulyap sa dagat kung saan nagtatalo ang tatlo at muling ibinaling sa akin ang mga tingin nito. " Ano iyon?" Kuryosong tanong ko. " Iyong tayo lang sana." Marahan nitong suwestiyon. Tipid akong ngumiti sa kanya at marahan na tumango. " Okay lang ba kapag nakauwi na sila?" Pakiusap nito. Tumango ako muli, malaki ang kutob ko na tungkol ito kay Esteban. Sa nakikita kong reaksiyon ni Esteban kina Angeline at Kat ay ayoko ng umasa pa. Ngunit wala naman sigurong masama kung itatry ko hindi ba? " Thalia! Bella! Come here, let's eat?" Tawag ni Angeline sa amin na kumakaway pa. Nakita ko ang iilang mga kasambahay namin na naghanda pa ng iilang pagkain. Wala na doon si Rad kaya nakahinga na ako ng maluwag. Bago maggabi ay natapos na din kami. Maagang umuwi si Angeline dahil sinundo siya ng driver niya, habang si Esteban naman at mga kasama niya ay may dalang sasakyan kaya sumunod na rin. Nahuli si Kat dahil late dumating ang sundo niya. Nasa kwarto kami ngayon ni Thalia at hinihintay ko siyang magbihis. " Bella." Tawag nito sa akin habang ako ay nasa veranda ng kwarto ko. Gabi na at punong puno na ng bituin ang langit. " Hmm?" Tanging sagot ko sa kanya habang nakasalong baba sa railings. " Hindi mo naman siya mahal hindi ba?" Pagkukumpirma muli nito. Nagbuntong hininga ako at humarap sa kanya. Tipid itong ngumiti sa akin. " Kinakabahan ako, baka magustuhan mo siya." Nagaalalang saad nito. " Ano bang klaseng tanong yan Thalia." Pabirong tugon ko. " Nagseselos ako sa iyo Bella." Marahan nitong pahayag at napayuko. Umiling ito ng mabilis. " Malaki ang galit ni Don Herman sa Papa ko dahil hindi niya sinunod ang gusto niya. At ang mapasaakin si Esteban ay mas nagiging malabo." Iyon nga ang narinig ko noong nagkaroon sila ng family gathering. Naglakad ito patungo sa akin at nagsusumamo. " Tulungan mo naman ako oh! Hindi ako makapunta sa debut dahil hindi na kami imbitado sa lahat ng pagtitipon na gagawin nila." Napaawang ang labi ko at hindi alam ang sasabihin, ilang araw nalang at debut na ng kaisa isang apo na babae ni Don Herman. " Mahal na mahal ko siya Bella." Pagmamakaawa muli nito sa akin. Nagbuntong hininga ako at naisip ang ipinagawa kong mask. Sumulyap ako kay Thalia na nakikiusap ang mga magaganda nitong mga mata sa akin. " Sandale..." wika ko. At hinila siya sa aking malaking walk in closet. " It was a masquerade party Thalia. So we don't have to worry." Giit ko at huminto sa aking malaking cabinet. Kinakabahan nito akong tinitigan. Kinuha ko iyong kaparehang mask na aking ipinagawa at iniabot sa kanya. Nakaawang ang mga labi nitong tumingin sa akin. " I made a duplicate copy of my mask, you can use this at the party. Hindi ako magtatanggal ng mask." Nakita ko ang pagdaan ng pagasa sa kanyang mga mata. At maliit na pagasa para sa akin. " Ibibigay ko din sa iyo, ang imbitasyon ko para makapasok ka. Please wear this." Saad ko at tumango ito ng mabilis at ngumiti. " A-Ano ba ang gagawin mo? Bakit gusto mong makita si Esteban?" Kinakabahang tanong ko. Iniisip ko palang ang plano na ito kinakabahan na ako. " I want to talk to him, he was ignoring me Bella." Nagbuntong hininga ako. At tumango ng marahan sana kung totoo nga ang sinabi ni Thalia na minahal siya ni Esteban, umaasa ako sa munting pagasa na sana nga matauhan ito. Nagusap kami sa plano na gagawin naming dalawa. Kailangan kong tatagan ang loob ko, at naniniwala sa plano. Kumaway ako kay Thalia pagkapasok nito sa kotse nila, gabi na at malayo pa ang mansyon nila sa amin. " Iwasan mo na ang babaeng iyan." Napahinto ako sa pagkaway sa hindi pa nakakalayong sasakyan nila. Humarap ako kay Mama na nasa likuran ko na pala. " Why would I ma?" Kunot noong tanong ko. " Her parents wasn't in good terms with the Hernandez. There enemy, was our enemy too. Hindi ko nga siya niyaya, sinama pa ng mga kaibigan mo." Nagbuntong hininga ako sa sinabi nito. " Nathalia was bestfriend of Rafaella, and we're friends since then. I am not involve in their issues." Naiinis na sagot ko. " Cut your connections! Walang salitang friends sa Valencia, Bella. You should see them as your rival!" Giit nito at matalim akong tinitigan bago ako tinalikuran. Nagbuntong hininga ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanyang likuran. Hindi na ako nasanay kay Mama. Nahagip ko ang aking hininga ng mayroong humila sa aking patungo sa gilid ng aming mansyon. Akmang sisigaw ako ng tinakpan nito ang aking bibig. " Shh.." kumunot ang noo ko ng maamoy ang pamilyar na pabango nito. Mayroon na itong saplot at mukhang kakatapos lang nitong maligo. Dahan dahan nitong inalis ang kanyang kamay, madilim na sa paligid dahil sa mga puno at tanging ang maliit lamang na ilaw na nanggagaling sa mansyon ang aming liwanag. " Rad," I mumured, and looked at him confused. Nagulat ako ng bigla nito akong hinalikan sa aking mga labi, mapupusok ang halik nito at sabik na sabik. Bumitaw ito sa halik namin habang ako ay gulat na gulat at mabibigat ang paghinga. Muli nito akong hinalikan, marahan nitong hinawakan ang likod ng aking ulo at naramdaman ko ang kanyang mainit na kamay sa aking likuran. Naliliyo ako sa kanyang mapupusok na halik, na mas lumalim pa ng maramdaman ko ang pagsandal nito sa akin sa isang malaking puno. " Rad!" I warned him between our kisses but he kissed me more. My knees tremble and held his shoulder to stop me from falling. Huminto ito sa paghalik at sabay naming hinahabol ang paghinga. Nagtaas baba ang adam's apple nito at muling huminga ng malalim. Litong lito akong tumingin sa kanya sa kanyang ginawa, habang seryoso naman ang mga mata nito. " Rad ano bang ginagawa mo?!" Naiinis na tanong ko at lalong bumigat ang paghinga. " Pinapahirapan mo naman ako e!" Dugtong ko at sumisikip ang dibdib ko. He caressed my cheek and looked at me intently. Naramdaman ko ang mariin nitong paghawak sa aking bewang at malalim na tingin nito. " I am so jealous Bella!" Mapanganib na bulong nito na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. I bit my lower lip because of my nervousness. Madilim ang mukha nito at ramdam ko ang galit niya. Marahas muli nito akong hinalikan sa aking mga labi, I grabbed his soft hair and response on his madness. I moaned when he bit my lips because of his frustration. Napahinto kami sa paghalik at habol habol ko ang aking hininga, mapupungay ang aking mga matang tumingin sa kanyang madilim na mukha. " Rad.." marahang bulong ko at napapikit ang mga matang sinandal ang noo sa kanyang noo. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan, matagal akong nangulila sa mga bisig niya. Kapag kasama ko siya, sobrang gaan ng pakiramdam ko. " I can't unlove you." Bulong nito. My mouth parted and looked at him. " Please, let me just love you." Marahang bulong nito. " Rad.." malungkot na tugon ko. My heart fluttered, mas lalo nitong ginulo ang isipan ko. Mas lalo niya akong binigyan ng rason upang tumakas sa sitwasyon na ito. Mas nagiging miserable ang lahat, pero alam ko dito ako mas masaya. Sa kanya ako mas sasaya. . Hindi magkanda ugaga ang mga make up artist sa pagaayos ng mukha ko para sa masquerade debut. My mom wants me to look glamorous without venturing into looking tacky. My fancy gown was an epitome of glamour and elegance. Embroidered with expensive stones and diamonds. Manghang mangha akong tumingin sa salamin. " Wow! Senyorita Bella, you look so elegant. This dress was perfectly made for you!" Manghang saad ng aking babaeng make up artist na nagmula pa sa Manila. " Salamat." Nahihiyang sambit ko, dahil maging ako ay namangha. " We will fix you hair Senyorita." Sabad ng aking gay hairstylist. Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. She fix my long and curly her perfectly match my gown and my make up. He made a messy braided ponytail and giving it more lively with the sparkling beads. Kinakabahan akong bumaba ng hagdan, at noong makita ko si Rad ay hindi ako makapagisip ng maayos. He furiously looking at me. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. " Ganda natin ah!" Puna ni Katya na sumalubong sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at inabot ang mask na inilahad nito. " Nasa limousine na iyong isang mask." Bulong pa nito sa akin. " Abella.." tawag sa akin ni Mama kaya humarap ako sa kanya na nakangising nakatingin sa akin. Hinaplos nito ang aking mahabang gown at ngumiti sa akin. " This gown fits perfectly on you." My mouth parted in disbelief, in my entire life she never compliment me. " Don't forget your elegance and grace. Kapag napangasawa mo si Esteban, you will wore gown triple the price of what you are wearing." Dagdag nito na mariin akong tinitigan. Oo nga pala, my mom will never change. Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. " Pa.." ngiti ko ng bumaba din ito. Ngumiti ito sa akin at mangha ang mga mata. " My girl was finally a lady!" He compliment at matamis akong ngumiti sa kanya. " I already send you his mask. Para madali mo siyang mahanap." Dagdag ni Mama na tinutukoy si Esteban. Tumango ako at pumasok na sa limousine. Hinanap ko kaagad iyong mask na pinatago ko kay Katya. Narinig ko ang pagtikhim ni Rad. Mabuti nalamang at kami lamang dalawa dahil hindi kasama sina Mama. Kinakabahan ako buong biyahe dahil sa plano namin ni Thalia, padilim na ang paligid. Sinulyapan ko ang cellphone ko upang i update si Thalia. To Thalia : Where are you? I'm on my way. From Thalia : I just arrived at the venue. Kinakabahan ako, hindi kaya nila ako mamumukhaan? Maging ako ay kinakabahan. Dahil kapag nahuli siya alam kong malalagot ito. At hindi ko na siya kayang tulungan doon. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang aking sentido. To Thalia : Just gave them my invitation, ako na bahala magisip ng paraan papano ako makakapasok. From Thalia : Nakapasok ako Bella. Thanks God!!! Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang text nito. Madilim na noong malapit na kami sa mansyon at sobrang daming mga sasakyan. Tumingin ako kay Rad na ngayon ay nakatayo sa aking harapan. " I have to go." Sambit ko. Pero hindi ko siya kayang iwan dito, kung pwede nga lang sana na isama siya. Sobrang higpit ng seguridad dito, dahil maraming tao. Lahat ay naka mask na pumapasok, they were all glamorous and witty. Marahan itong tumango. Tumalikod ako ngunit naramdaman ko ang mainit nitong kamay sa akin palapulsuhan. " Yo-You..." Tumikhim ito kaya napakunot ang noo ko. " You're so beautiful." He said on his husky voice. Parang may humaplos sa aking puso na nagdulot ng kaligayahan. Hindi ko mapigilang ngumiti na tumingin sa kanya. " Please, wait for me here." Utos ko. Kinakabahan akong pumila sa entrance habang chinicheck nila ang mga invitations. I put down my mask noong malapit na ako. " Your invitation Senyorita." Tanong ng babaeng receptionist sa akin. Matamis akong ngumiti. " Lumabas lang ako, I forgot my gifts!" I reasoned out. Habang itinaas ang paper box with my gifts and mask on it. Kumunot ang noo nito at tumingin sa isang babaeng kasama niya. " Wait lang po Senyorita, i-coconfirm lang po namin." Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko iyon ipinakita. " I am Abella Dela Fuente. Fiancée of Esteban, go check for it." Ngayon lang yata ako naging proud na fiancée ni Esteban. Nagkatinginan silang dalawa at may lalaking lumapit sa kanila na kapareho ng uniform. Tumango sila pareho at mabilis na tumayo. " Pasensya na ho, Senyorita." Napangisi ako at mabilis na tinakpan ang aking mukha sa aking mask. I walked with confident, this venue was part of their mansion. The theme was masquerade debut party that everyone looked like a princes and princesses on their extravagant gowns and mask, with the motif of metallic white and silver. The stage was stand out because of its design, even the grand stairways. Inilibot ko ang buong paningin ko sa venue. At noong makita ko ang labasan patungo sa fountain nila ay mabilis akong naglakad. Mahihirapan akong hanapin siya dahil sa maraming tao. To Thalia : I'm on the fountain area. Come here. Text ko sakanya, mabuti nalamang at wala gaanong tao dito. They were busy doing selfies. Kinuha ko ang isang mask na pinagawa ko at ipinalit ito sa aking suot. " Bella?" Nagulat ako sa pabulong na tawag ni Thalia. Humarap ako dito habang kinukuha ko ang mask. Nagbuntong hininga ito. Hinila ko siya patungo sa tagong lugar. Kakulay ng gown nito ang gown ko. Napangiti ako ng inalis nito ang kanyang mask. " That suits you well Thalia." Ngiti ko sa kanya. " Talaga ba? Ikaw din, mukha kang prinsesa." Ngiti nito sa akin. " Kinakabahan ako, sana mahanap ko siya agad." I scanned on my phone para ipakita ko sa kanya ang sinend ni Mama. " Ano kuha mo na ba?" Nagbuntong hininga ito at tumango. She sighed. " Dito muna ako Bella, baka may makapansin sa akin." Anito. " Sigurado ka ba?" Nagaalala kong tanong dahil magisa lang siya. Ngumuti ito ng tipid sa akin at mas lumitaw ang ganda niya. " Oo, kailangan ko magipon ng lakas ng loob. Sige na, pumasok kana." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Seven thirty na nagstart ang party. Mabuti nalang at nahanap ko kung saan nakaupo sina Kat. Natawa ako dahil pareho kami ng motif ng gown. The debutant looked dashing gorgeous on her grand entrance while walking down the stairs. Hawak nito ang mask niya habang nakangiti sa mga bisita. " To our princes and princesses please welcome, Señorita Sandara Hernandez." Nagpalakpakan ang mga tao. Kumunot ang noo ko at sinino ang lalaking escort nito. It wasn't Esteban because he was wearing different mask. Kinakabahan tuloy ako baka mas mauna pa kami nitong magkita bago siya mahanap ni Thalia. The party was full of humor because of the MC, noong magsimula na ang sayawan ay hindi pa rin ako pwedeng tumayo. " Oh, Bella let's dance." Yaya ni Angeline na tumayo, she was also stunning on her gown. Sumulyap ako sa aking phone at wala pang text si Thalia. Umiling ako ng mabilis. Last time kong nakita si Esteban noong isa siya sa eighteen roses but I can't see him on the crowd now. " Susunod ako." Ngiti ko sa kaniya. " Susunod ka ha, hahanapin ko lang ang prince ko." Sabad ni Kat na pareho kaming natawa sa sinabi niya. Naging dim ang lights and the party started, tapos na rin kami nagdinner. Sumunod naman doon ang kapatid ni Angeline with her friends. Sinubukan kong tawagan ito ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag ko, kinakabahan tuloy ako baka may nakakita sa kanila. Napailing ako, From Thalia: I am with him now. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ang text nito. I blinked two times when someone offer me a hand to dance. He was wearing a black dapper suit and a black mask. I sighed in relief when it wasn't Esteban, dahil ang mask nito ay kulay ginto. I shook my head in disapproval, and sipped on my wine. He leaned on me. " Can I have this dance, Señorita?" My mouth parted and looked at him confused. He smirked and held my right hand, bago pa ako makapagsalita ay inalalayan na nito ako sa pagtayo. Gulong gulo akong tumingin sa kanya na hinihila ako sa maraming tao. We stopped at middle of the crowd, he put my hand on his neck while he put his hand on my waist. " Rad!" Nakakunot noong sambit ko, habang nakatingin sa pamilyar na mata nito na nakatago sa itim na maskara. Mas lalo nito akong inilapit sa kanya at napapikit ako ng maamoy ang pamilyar na pabango nito. " What are you doing here?" Tanong ko na nagtataka. Sumulyap ako sa damit niya at muling inilipat sa kanyang mga mata. " Pano ka nakapasok?" Pagtataka ko. Bumagay sa kanya ang suot niya. He looked more manly. " Does it matter?" Matigas na tanong nito. Kumabog ang dibdib ko at hindi siya maintindihan. " Who are you?" Hindi napigilang tanong ko. Ngumiti ito sa akin at lumapit sa aking tenga. " Your man." Napapikit ako sa tono ng boses nito. I nodded slowly, and smiled at him. " Sorry, hindi ko mapigilan na sundan ka. Ayoko lang na, may kasama kang ibang lalake." I can't stop myself from smiling. " I don't want to see that bastard dancing with you." Gosh! Pano niya ako napapakilig ng ganito! Para akong tanga na nakangiti. " Let's go somewhere else, I want to be alone with you." Bulong nito sa aking tenga na nagpainit ng aking katawan. How I wish to have more time with him. Kinuha ko ang gamit ko mabuti at wala pa sina Angeline sa table namin. Niyakag niya ako palabas ng venue, wala ng masyadong restriction dito dahil exit na. Pero wala pa naman gaanong umuuwi dahil nagsstart palang ang sayawan. " Where are we going?" Tanong ko sakanya noong nakalabas na kami ng venue. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger seat. Inayos nito ang gown ko bago umikot at pumasok sa sasakyan. " Saan tayo pupunta?" Muling tanong ko sa kanya habang inaalis ang aking mask. Maging siya ay hinubad nito ang mask niya. Sumulyap muli ako sa kanyang suot, at hindi ko maitatanggi na bagay na bagay niya ito. Saan kaya niya ito hiniram? Hinawakan niya ang kamay ko at kunot ang noo sa pagdadrive. " Malayo dito." Tipid na sagot niya. Nakangiti ito habang ang mga mata ay nasa daan. Hindi maalis ang pagusbong ng kaligayahan sa aking dibdib. Halos kalahating minuto ng huminto ito sa bangin kung saan kami pumunta noon. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tumingin sa bilog na bilog na buwan. Naramdaman ko ang yakap nito sa aking likuran. I want to cherish this stolen moments with him. Humigpit ang yakap nito sa akin. " Aalis ako Bella." Bulong nito sa aking tenga. Nagulat ako sa kanyang sinabi. May parang pana na sumaksak sa aking dibdib inalis ko ang pagkakayakap nito at kunot noong tumingin sa kanya. " A-Ano?" Halos bulong nalamang na lumabas sa aking mga labi. " Hindi ko alam kung kailan ako babalik." Dugtong nito. Nagbuntong hininga ako dahil pinipigilan ko na pala ang aking paghinga. " Kailan ka aalis?" Kunot noong tanong ko. May bumabara sa aking lalamunan at hindi ko kayang lumunok man lang sa gulat ko. " Pagkatapos kitang ihatid." Seryoso nitong tugon. Pakiramdam ko winawasak ako ng kanyang mga salita, iniiwasan ko siya dahil hindi kami pwede. Pero iyong iisipin na aalis siya ay sumasakit ang loob ko. " Bakit?" Desperadang tanong ko. He clenched his jaw and carefully carresing my cheek. Ginawaran ako nito ng mababaw na halik. Pero hindi ako nagpatinag, sobrang bilis ng t***k ng dibdib ko sa kaba. " Saan ka pupunta?" Marahang tanong ko. " Just wait for me." Wika nito. Kinabahan ako bigla na baka sa pagalis niyang ito ay huli na ang lahat. Umiwas ako sa kanya, at mabigat ang loob na dahan dahang inalis ang kamay nito sa aking pisngi. I licked my lower lip in confusion, sinulyapan ko siyang muli. He clenched his jaw again, at malalim ang kanyang iniisip. " Importante ba yan?" Anas ko. He slowly nodded his head. " Bakit? Bakit ka aalis?!" Naiinis na tanong ko. Hinawakan nito ang magkabilang braso ko at tumingin sa akin ng seryoso. " Babalik din ako." " Ilang araw kang mawawala? Isa? Dalawa? I-Isang linggo?" Tanong ko at nahirapan na huminga. Iniisip ko palang na aalis siya ay pakiramdam ko mababaliw na ako. Kumunot ang noo nito at tumaas baba ang adam's apple niya. " I can't assure you." Tugon nito sa mababang tono na mas lalong nagpakaba sa akin. I looked at him hopeless, I shook my head. Naramdaman ko na umiinit ang sulok ng aking mga mata. " Saan ka pupunta?" Mariin kong tanong. Napailing nalamang ako at natawa ng pagak. " Bakit ba ako aasa na babalik ka pa? Kahit naman bumalik kapa, wala din naman magbabago." Saad ko habang dahan dahang winawasak ang puso ko. He grabbed my wrist and pulled me closer to him again. " Babalik ako, at sa pagbabalik ko. Aangkinin kita." He said full of assurance. Nabuhay ang pagasa sa aking puso sa kanyang mga salita. Tumingin ako sa kanya na gulong gulo. " Maghintay ka lang Bella. Please!" Pakikiusap nito at idinikit ang noo sa aking noo. Pumikit ako ng maramdaman ang mainit at malalim na paghinga nito. Naramdaman ko ang mainit na yakap nito sa akin. " Please?" Muling tanong nito. Nagbuntong hininga ako at lumunok upang mawala ang bara sa aking lalamunan. Tumango ako ng marahan, gusto ko siyang paniwalaan. Kahit ngayon lang, gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya. Hayaan ko muna, na kahit ngayon lang. Ang puso ko muna ang magdikta kung ano ang gusto niya. " Hihintayin kita." Bulong ko, kahit masakit ang aking pakiramdam sa paglayo niya. Kahit hindi ko alam kung pagbalik niya ay pwede pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD