Kahit sobrang pili lang ang kanilang inimbita, the food and venue was extravagant. Meron ding tumutugtog ng mga instrument while we were all enjoying our dinner.
" Gosh, I can't believe this. Ibang iba na lahat ng mga itsura nila. Baste was f*****g hot!" Bulong sa akin ni Angeline while looking at the man standing at the stage while talking to his dad.
" Sandro was still looked mysterious but still a gorgeous man on his coat!" Komento naman ni Kat.
Habang ako ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Rad. Nagtatrabaho siya para ano? Naapakan ko yata ang ego niya. Pinagalitan ko ang sarili ko sa isipang iyon. Patapos na kaming kumain ng umakyat muli si Don Heraldo sa stage with full of authority.
" I bet all of you enjoy the food." Ngiti nito na may iilan namang sumagot. He laughed and then again became serious.
" Tonight, we want to celebrate with you, one of the biggest coming event of our family. As we planned the upcoming wedding of my nephew with the Dela Fuente." My mouth dropped and can't even move with the sudden announcement.
I saw how Katarina and Angeline shocked as well, it was unexpected. The event filled with silence and shocked.
" Oh, M. G." Kat snapped.
Tumayo si Mama na nakagitna sa kanyang mga amigas at pumalakpak habang abot mata ang ngiti.
" Our pleasure to have you here Donya Angelita." Ani Don Heraldo na nakangiti. Sumunod na rin ang iba pang mga bisita sa pagpalakpak.
I was still dumbfounded.
" Let me call on Steven Hernandez and Abella Dela Fuente." Napasulyap ang iilan sa aming table.
I saw how others disapproval and disappointment, while the rest were smiling at me. Kahit alam na nila na nakapangako na ako kay Esteban, they were still hoping na magbabago iyon. But because of the publicity announcement, there was no turning back.
Naglakad si Esteban patungo sa akin.
He was smiling ear to ear while his eyes was furious. Nanginginig ang kamay kong inabot ang nakalahad nitong kaliwang kamay, dahil pakiramdam ko tinitimbang ako ng bawat matang nakamasid sa amin at hinihintay ang pagkakamali ko. Even the women at my age looked at me with jealousy on their eyes.
" This was a sudden announcement." Tawa nito sa mic. Habang ako ay malakas ang kabog ng dibdib at gulat na gulat pa rin.
Huminto kami sa gitna, habang lumakas naman ang palakpakan. Hindi ko magawang ngumiti ng maayos, lumunok ako para ibsan ang kaba at galit sa aking sistema. Ipinakilala niya kaming dalawa sa mga bisita, bilang pinal na anunsiyo ng aming darating na kasal.
Nilibot ko ang aking mga mata sa mga bisita at nakita ang mukha ni Mama na ngiting ngiti. She never orient me about this.
Sinayaw ako ni Esteban gaya ng sabi ng Tito niya. Tahimik lamang ako habang gulong gulo pa rin ang isipan ko. Napahinto ako sa paghakbang ng masilayan ko si Rad na may hawak ng tray at nakakunot noong nakatingin sa amin. Umiwas ako ng tingin sa kanya, I didn't want to see the gap between me and him. Mas lalo lang nitong pinapamukha sa akin kung gaano kaliit ang tsansa para sa aming dalawa. Bigla nalang nanikip ang dibdib ko sa isipang iyon.
Tuluyan na akong huminto sa pagsasayaw.
Ilang minuto lamang ay sumabay naman sa amin ang iilang mga couple at magasawa kaya hindi na halata kung hihinto na kami.
" Uupo na ako, masakit na ang paa ko." Bulong ko kay Esteban at nawalan ng gana.
" My grandpa still looking at us." Bulong nito at hinigpitan ang hawak sa aking bewang. " Give me a minute."
Mariin kong pinagdampi ang aking mga labi sa inis, at bumibigat ang bawat paghinga.
" I said uupo na ako!" Napahinto siya sa sinabi ko at seryosong tumingin sa akin.
" I am Esteban, and no one will break my rule!" Giit nito. Ngumisi ako sa kanya.
" I don't care!" Inis na saad ko at marahas na itinulak siya kaya nabitawan niya ang bewang ko.
"Bella!" Kumunot ang noo nito sa pagkairita.
Walang nakapansin noon kaya naglakad na ako pabalik ng table namin, pero bago iyon ay nakasalubong ko si Mama.
" What the hell are you doing?" Inis na inis na tanong nito na sumulyap kay Esteban na iniwan ko sa gitna.
" Pagod na ako ma, gusto ko munang maupo." Pagsisinungaling ko, pero ang totoo masyado akong nagulat sa nangyare.
Umiling iling si Mama.
" No, ipapakilala kapa ni Don Herman sa mga bigating business tycoon in the world." Pagpipilit nito. I rolled my eyes in disbelief.
" Diba gusto mo din naman makilala ka? Ikaw nalang humarap Ma." Naiinis kong sagot, at imbes na sa table ako tumuloy ay lumabas ako ng venue.
" Bella!" Galit na tawag ni Mama ngunit hindi ko na siya pinansin at mabilis akong naglakad patungo sa labas ng malaking mansyon.
Dinaanan ko lamang sina Kat sa aming table, kahit na tinatawag nila ako ay hindi kona sila tinapunan ng tingin.
Sobrang sikip ng dibdib ko, and I need some fresh air to breathe. Everything was so quick, sobrang nahihirapan ako.
" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Bella?!" Malakas at galit na boses na narinig ko kay Mama pagpasok namin ng limousine.
Hindi na kasi ako bumalik sa loob, pinatay ko din ang cellphone ko at hinintay matapos ang party bago ako pumasok muli.
" Hinahanap ka ni Don Herman, and I am calling you but you shut your phone!"
" Please Angelita, sa bahay mo na pagalitan ang anak mo."
" No Cristobal! Kaya lumaking stubborn to e, dahil sinanay mo sa ganyan. Kung nandito lang sana si Rafaella,wala akong problema." Gumana na ang sasakyan at hindi man lang ako makatingin kay Rad sa sinasabi ni Mama.
Marahil pinagtatawanan niya ako ngayon dahil nahihirapan ako sa pinili kong desisyon.
" Alam mong i-aannounce ngayon ang kasal namin diba, Ma?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
Tumahimik ito at nagbuntong hininga. " Why you didn't told me about this?!" Inis ko.
" What's the difference? Baka saan kapa magtago kapag sinabi ko sayo." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
" At least I am informed!" Nainis akong sumandal sa upuan ko.
I want to cry my tears out because of frustrations and mix emotions. Tahimik ako buong biyahe, ramdam ko ang bigat ng dibdib ko, at bigat ng paghinga ko sa sobrang galit ng aking nararamdaman.
Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan at nauna na akong bumaba sa kanila at hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ni Rad.
" Hija..." narinig kong tawag ni Papa.
" Let her be, wala naman din magagawa kahit magdrama pa yan." Napapikit lalo ako sa inis ng marinig si Mama.
How I loathed her so much that I wanted to hurt her, but still reminding myself that she's my mom.
Padabog akong pumasok sa kwarto ko. Mabilis kong inalis ang damit ko at nagtungo sa bathtub. Wala dito si Katya, marahil ay tulog na.
I shut my eyes when I felt the warm water running down my naked body, releasing my tiredness. I wanted to erase all my worries. But my mind was in chaos. Everything was moving too fast.
Gusto kong matulog ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. Binuksan ko ang veranda ko at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Gusto ko tuloy tumungo sa dalampasigan. Natawa ako ng pagak ng maalala na parang kailan lang, naliligo ako sa talon.
Sumulyap ako sa baba, ngunit wala akong makitang hagdan. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng mansyon, and I am sure malalaman ni Mama isipin pa noon ay tumatakas ako at baka mas lalo niya pa akong igrounded.
I get my comforters and I tied it on the railings really tight, kahit na may kabigatan ito nakaya ko naman. I sighed heavely and slowly went down. Napangiti pa ako ng maayos akong makababa. Mas naging mabuti ang pakiramdam ko ng maglakad na sa dalampasigan.
Inalis ko ang pambahay na tsinelas ko at hinawakan ito. I smiled when I felt the warmth on my feet because of the sand. My long dress was playfully swaying because of the wind. Rinig na rinig ko ang agos ng dagat at tanging liwanag ng buwan lamang ang ilaw ko.
" Why are you still awake?" I froze when I heard his familiar husky voice.
I slowly looked for him, and saw him sitting on the log hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.
Bumilis bigla ang t***k ng dibdib ko at umiwas ng tingin sa kanya.
Lumunok ako at naglakad muli. Trying to calm myself, at pinipilit na wag siyang pansinin.
" Is there something bothering you?" Muling tanong nito sa mas malapit na tinig.
I stopped and shut my eyes, and took a deep breathe. Napagitla ako ng buksan ko ang mga mata ko ay nasa aking harapan na ito.
He looked at me intently, and my heart started to beat crazily.
" Rad.." hindi mapigilang bigkas ko.
" You're ignoring me again." Saad nito sa matigas na tono. He was clenching his jaw, and his eyes were mad.
May parang isang bagay na tumusok sa dibdib ko.
" W-Why would I?" Kinakabahang tanong ko at umiwas ng tingin.
" Bella..." nabigla ako ng hawakan nito ang aking siko, may bolta boltahe ng kuryente akong naramdaman kaya bigla akong lumayo sa kanya.
Ayoko itong pakiramdam na ito. Nakakatakot. Nakakapaso.
" Hindi ako makatulog." Saad muli nito. Hindi ako makatingin sa kanya, kasi pakiramdam ko hahayaan ko na ang puso ko na magdikta ng gagawin ko.
Tumango lamang ako at tumalikod na upang iwasan siya ngunit hinawakan nito ang palapulsuhan ko upang pigilan ako.
" I am thinking of you Bella. Hindi mo ako pinapatulog." Napapikit ako sa nararamdamang lungkot sa bawat salita niya, at naramdaman ko ang pagusbong ng pangungulila ko sa kanya.
" Don't you love me?" Kumabog ang dibdib ko sa tanong nito. Pinagpatuloy ko ang pagiwas ko ngunit mas lalo nito akong hinawakan ng mariin.
Nangungulila ako sa mga yakap at halik niya. I wanted him so much. Nakakainis man sabihin pero siya ang hinahanap ng puso ko.
" Magtanan na tayo." Kumabog ang dibdib ko sa mga salitang binitiwan niya. Nakaawang ang mga labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya na hinihintay ang isasagot ko.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, bakit nakaramdam ako ng munting kaligayahan sa sinabi niya?
Pumikit ako ng mariin at marahang umiling. That's impossible, kahit anong tago ko makikita pa rin nila ako. At ayokong madamay siya, iminulat ko ang aking mga mata na tumingin sa mga umaasa nitong mukha. Pakiramdam ko, pagod na pagod na din siya.
Ayoko na mapagod siya sa pagmamahal sa akin, dahil sa sitwasyon namin.
" Please Rad, don't give me reason to love you more!" I pleaded. I took a deep breathe and looked at him hopeless.
" Wag mo akong pahirapan. Don't give me the reason to hate myself more! Kasi natatakot ako na baka mahulog ako ng tuluyan sa iyo, at hindi ko alam kung papano makawala!" I heave a sighed. " You are getting into my nerves and controlling my feelings and I hate that! You see I can't even decide on my own! I can't even fight for you, I can't even take the risk! " Unti unting nawawasak ang dibdib ko sa mga salitang binitiwan ko, at naramdaman ang paginit ng sulok ng aking mga mata.
" Kahit mahal kita, hindi tayo pwede..." pabulong na sambit ko habang mas lalong bumibigat ang loob ko.
Nakaawang ang mga labi nitong tumingin sa akin at lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Humakbang ako palayo sa kanya, at bawat yapak ko ay lalong bumibigat ang loob ko.
Sobrang sikip ng dibdib ko. Naguguluhan ako sa nangyayare sa buhay ko, at ayoko na siyang madamay pa.
Niyakap ko ang sarili sa malamig na simoy ng hangin habang naglalakad palayo sa kanya. Mas maganda nalang sigurong matapos ang magandang nasimulan sa ganitong pagkakataon, para hindi nalang ako mahirapan na kalimutan siya.
" Señorita Abella, tatlong araw ka ng hindi lumalabas ng kwarto mo. Balak mo bang magmukmok dito? Malapit na ang debut." Nakasimangot na tanong ni Katya sa aking habang nakasalong baba.
Nawawalan na ako ng pagasa sa bawat araw na nagdaan.
" Inimbita ni Donya Angelita ang mga kaibigan mo maging sina Señor Esteban, niyaya niya pa silang maligo sa dagat. Kaya bago maghapon ay kailangan mong maghanda." Kumunot ang noo kong sumulyap sa kanya, nasa labas ako ng veranda at tanaw ang payapang dagat.
" Talaga?" Walang ganang tanong ko.
" Bella, ano ba! Heads up! Parang katapusan na ng mundo sa iyo." Ibinalik ko ang tingin ko sa dagat at marahang tumango.
Tatlong araw ko na siya hindi nakikita, gustong gusto kong bumaba at tumungo sa rancho upang makita siya. Pero sa tuwing iisipin ang mga posibleng mangyari ay mas bumibigat lalo ang loob ko.
" Yeah." Tipid na sagot ko.
Nagbuntong hininga ito. " Naiintindihan ko, pero hindi mo naman kailangan magmukmok dyan. Ang tahimik mo ngayon. Promise! Hindi ako sanay." Kabadong pahayag ni Katya.
" You don't have to worry about me Katya, I'm okay. I'm trying to be okay. " Pilit na ngiti ko.
I wore my blue summer dress, at wala naman akong ganang lumangoy sa dagat. Ngayon pa na pinayagan ako ni Mama. Kung si Rad lang sana ang kasama ko.
" Abella!" Ngiti sa akin ni Thalia na nakasuot din ng peach summer dress. Nandoon na rin sina Angeline wearing her one piece suit underneath her see throughblazer , while Kat was now wearing her camouflage bikini.
" It's been a long time since we did this!" Ngiti ni Angeline na may hawak na juice at itinaas pa ito.
Napangiti ako sa kanila ng maalala na ganito nga kami noon, kapag napagisipan namin na magbeach ay kapag wala sina mama para naman makasama si Ella.
" Oh shoot! Didn't know this place was cool." May narinig kaming boses ng lalaki sa hindi kalayuan.
Napakunot ang noo nilang tatlo, and seems not aware that their coming too.
Napaawang ang labi nila kaya tumingin na ako sa aking likuran. Hindi na ako nagulat na nandito si Esteban dahil iyon naman ang sinabi ni Katya kanina. Hindi ko lang inaasahan na kasama niya ang mga kaibigan niya.
Thalia parted her lips in disbelief, while Katarina was rolling her eyes. He was with Julius and Karlo, I've never see them for years and they mature a lot.
Seriously? Ano kayang mararamdaman ni Kat na nandito ang ex niya.
" Hi, it's been a long time ladies, and oh Thalia is here." Bati ni Karlo na mas humaba ang buhok ngayon.
Napansin ko ang tipid na ngiti ni Thalia na sumulyap kay Angeline na ngayon ay tumayo upang makipaghand shake sa kanila habang nakangiti.
" Hi, nice to see you here." Malambing nitong bati.
" Paps, can we try to swim? It's been a long time since I took a dip." Amaze na singit ni Julius ng mapansin ang magandang view ng dagat.
" Glad that we came!" Tawa naman ni Karlo habang nakaakbay kay Julius pagkatapos nitong makipag kamay kay Angeline.
" Ano ang ginagawa ng mga mokong na yan?!" Asar na tanong ni Kat sa aking likuran.
Nasa hulihan nila si Estaban na nakakunot ang noong sumusunod sa kanila. They were wearing a casual clothes, at mukhang hindi naman talaga tumungo dito upang maligo.
" Didn't my mom told you about them?!" Nakangiwi kong tanong na tumingin sa kanila na nakataas ang kilay.
Umiling ng mabilis si Kat.
" Nope.." sagot nito at dismayadong umiling. " Kung alam ko lang, hindi na ako pupunta dito."
Alam kong iniiwasan niya si Julius, na naging ex niya noon. Ngumisi nalamang ako at umupo sa tabi ni Thalia na tahimik naman compare sa dalawa.
Pinagmasdan ko siya na pinaglalaruan ang buhangin sa kanyang paa. Alas kwatro y media na, at nakatago na ang araw kaya masarap na magtampisaw sa dagat.
" Esteban, we didn't know you'll come here." Narinig kong bati ni Angeline.
" Donya Angelita invited us." Tipid nitong saad at tinapunan ako ng tingin.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya at nagkibit balikat.
" Let's go girls, let's have some fun." Tawa ni Julius at inalis ang tshirt nito at tumambad ang maganda nitong katawan. Tanging boxer nalamang niya ang suot niya. Napailing nalang ako sa tawa.
" Tss, saka na. Kapag nalunod kana." Anas naman ni Kat na umupo sa tabi ko at naiinis. " Nakakasira ng araw." Dugtong pa nito.
Na ikina-kunot ng noo ni Julius.
Natawa naman si Karlo at iiling iling. " Being a playboy will kill you." Halakhak pa nito bago inalis ang damit na tulad ni Julius ay maganda rin ang pangangatawan bago sumulong sa tubig.
" Playboy your ass!" Sigaw na sagot nito at tumakbo din upang pabirong ilumod sa dagat si Karlo.
Natawa ako sa kanilang dalawa, we were not close back then. But they seems kind. Siguro dahil na rin nagmature na kami.
" Hindi ka ba lalangoy?" Pabulong na tanong ni Thalia sa tabi ko. Habang si Angeline naman ay lumapit kay Esteban.
" Wanna swim with me?" Malambing na tanong ni Angeline sa kanya, ngunit seryoso lamang itong nanonood sa dalawa niyang kaibigan na nagtatampisaw na.
" Hindi, wala akong ganang lumangoy." Sagot ko sa tanong ni Thalia at halos masamid ng dahan dahang hinubad ni Angeline ang kanyang blazer sa harapan nito.
Ngunit kahit konting reaksiyon ay wala akong nakita. I know Angeline do workouts kaya maganda ang katawan nito, but Esteban looked pissed. At nawawalan na ako ng pagasa na magkainteres pa siya sa ibang babae. He doesn't seems to care.
Halos matawa si Kat sa tabi ko. " Wow ha, is he trying to be faithful to you?!" Banas na saad pa nito.
Sumulyap ito sa akin. " Oh baka ngayon lang dahil nandyan ka." Anito at nagkibit balikat.
I hissed and shrugged my shoulder, mas gugustuhin ko pang maghanap siya ng iba. O magkagusto sa iba. Ano bang nasa isip ng lalaking ito? He was famous for being a ruthless womanizer in town.
" Lalangoy lang ako Bella." Marahang pahayag ni Thalia sa tabi ko. " Ikaw Kat hindi kaba sasabay?"
Kumunot ang noo ni Kat at kumuha ng chips sa table. " Saka na, I'm still waiting to the whale to come out." Pabirong saad nito at kumain ng chips.
" O-Okay." Tumayo na si Thalia sa harapan ko at naglakad patungo malapit sa dagat.
Habang si Angeline naman dismayadong ipinatong ang blazer sa upuan.
" Lalangoy lang din ako." Pabulong na wika nito sa amin at mukhang nahiya sa kanyang ginawa.
Lumapit si Angeline kay Thalia na inaalis nito ang summer dress niya nagtawanan pa silang dalawa bago sumulong sa tubig.
Sana maibalik iyong noon, iyong kaya ko pang masolusyunan lahat ng problema.
" Tss, hindi man lang siya marunong ngumiti. Bella head over heels na yata sa iyo si Esteban at hindi man lang masindak sa tingin ko." Anas nito sa tabi ko.
Sinulyapan ko si Esteban na nakatingin pa rin sa dagat. Nagbuntong hininga ako at kumuha ng chips. Nainis pa ako dahil vegetable chips nanaman ang inihanda.
" Bella, hindi ba si Rad iyon?" Kuryosong tanong ni Kat at itinuro niya pa ito sa hintuturo niya.
Bumaling ang tingin ko sa kanya, at napaawang ang labi ko ng makita ko siyang walang saplot habang nakasakay kay Cloud, mabilis kong tinikom ang bibig ko ng mapansin niya kami dahil sa pagkaway ni Kat.
Mukhang galing sila sa dulo ng dalampasigan at pabalik na sa mansyon. Nakamaong na pantalon lamang ito.
" Rad!" Nagulat ako ng tawagin siya ni Kat at tumawa pa ito. " Come here! Let's have some fun!" Aniya at itinaas pa ang juice nito.
" Kat ano ba! Wa-Wag na!" Giit ko sa kanya ngunit nagpumilit ito at tumayo pa upang lapitan siya.
Umiwas ako ng tingin sa kanila ng lumapit na si Kat sa kanya.
Nagulat ako ng may iniabot sa akin na juice si Esteban. Kinuha ko ito at ininom naman niya ang kaniya.
Pasimple akong sumulyap kay Kat na ngayon ay kausap si Rad. Bumababa ito sa kabayo at nakakunot noo itong nakatingin sa akin. Kumabog bigla ang dibdib ko at umiwas ng tingin.
" They were talking about our upcoming wedding." Saad ni Esteban na nakatingin pa rin sa dagat.
Bumigat ang pakiramdam ko at pinipigilan na tumingin muli sa kanya.
" Re-Really?" Kunwaring manghang tanong ko.
" If you are planning to runaway, its too late." Aniya.
Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong baso, at natutula sa kanyang sinabi.
" Let's act as fiancee for now on." Nagulat ako sa pagbitaw niya ng baso nito sa table at paglapit ng mukha nito. " We will try to make it work." He added while his eyes was dead serious.
Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya at napaawang ang labi ko ng makita si Rad at nasa tabi nito si Kat na nagulat sa kanyang nakita.
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Rad at pagdilim ng mukha nito. Mabilis akong umiwas ng tingin at ibinalik ang mga mata kay Esteban na ngayon ay nakaayos na ng tayo.
" Oh sorry! Did we disturb you lovers?" Awkward na tanong ni Kat.
Tumikhim ako at umiling ng mabilis. " Hi-Hindi naman. " saad ko at hindi makatingin sa kanila.
" Mabuti nalang at napilit ko itong si Rad." Masayang anunsiyo nito.
Nakunot noong tumingin kay Esteban at ganoon din ito.
" Who is he?" Tanong ni Esteban kay Kat.
" Uh, trabahador siya dito nila Abella." Ngiti nito.
Esteban nodded and get his juice before he sat on his chair.
" Dito ka na muna, Rad. Ano gusto mo?" Malambing na saad ni Kat.
Yumuko ako at hindi ko kayang magsalita, ramdam ko ang mabigat nitong tingin sa akin.
" Kahit ano." Matigas nitong tugon.
Nagbuntong hininga ako. Bakit kailangan niya pang sumama kay Kat. Hindi ba niya kayang tumanggi? Pagkatapos ng ilang araw na hindi ko siya nakita hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko.
" Magjuice kana muna." Anito at ibinigay ang juice sa kanya.
" Salamat." Kumakabog ang dibdib ko kapag naririnig ko ang mababang boses niya.
Ang laking epekto nito sa aking sistema.
" Kailan ka ba ulit dadalaw sa mansyon?" Tumaas ang tingin ko sa tanong ni Kat na nakangiti kay Rad.
Madalas ba siyang dumalaw doon? Anong ginagawa nila ni Katarina?
Sumulyap ito sa akin na mabilis ko naman iniwas ang tingin ko. May bumabara sa lalamunan ko at hindi ako mapakali.
" Dadaan kami bukas." May kumirot sa dibdib ko at napakunot ng noo. Bumaba ang mga tingin ko sa aking mga daliri.
" Really?" Masayang tugon ni Kat. " Pwede mo ba akong turuan sumakay sa kabayo?" Dugtong nito na muling pagpukaw ng aking atensiyon at tumingin kay Rad.
Nabigla ako ng seryoso nito akong tinitigan at sinusukat ako sa kanyang matatalim na mga mata.
I bit my lower lip, I want him to say no.
" Sure." Matigas na saad nito.