Kabanata 8

3639 Words
Itinuro ko sa kanya ang daan patungo sa isang hindi kilalang shop ng pagawaan ng mask. Sa kabilang bayan ito, ngunit malapit naman sa Valencia. Naiilang akong tumingin sa kanya. Noong huminto ang sasakyan ay mabilis akong lumabas ng kotse. May sumalubong sa aking matandang lalaki na nakareading glass. " Ano ang iyo Hija?" Manghang tanong ng matanda. Ngumiti ako sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob ng shop ng marinig ang pagsara ni Rad sa pinto ng kotse. Gaya ng inaasahan ko, walang gaanong tao dito. Kung mayroon man ay walang pupuntang taga Valencia dito. It was a cheap place. " May gusto po sana akong ipagawa na mask, Lolo." Saad ko. Ngumiti ang matandang lalaki sa akin. " Aba't ngayon lang yata may muling dumalaw mula sa Valencia." Anito na sinulyapan ang kasuotan ko. Napansin ko ang patpatin na lalaki na seryosong dinedeseniyo ang isang basket. Tumuloy si Rad sa loob ng shop at nalilitong tumingin sa akin. " Halika sumunod ka sa akin sa loob." Saad ng matanda. Naramdaman ko ang kamay ni Rad sa siko ko. " What are we doing here?" Nalilitong tanong nito. " Mabilis lang 'to Rad." Madalas itong ikwento sa akin ni Katya, kaya alam ko ang lugar na ito at noon naman ay palagi akong naglalakwatsa. " Then I will come with you." Bulong nito. Hindi na ako kumontra sa gusto niya at hinayaan nalang siya na sumunod sa akin. Pumasok ako sa loob at sumunod si Rad sa akin. Maliit ang silid at medyo makalat ng dahil sa mga gamit pagpinta. " Pasensya kana Hija hindi pa ako nakapaglinis sa loob." Saad ng matanda at inalis ang mga iilang gamit sa malaking mesa. Sumulyap ito sa likuran ko. " Ano nga ulit iyong kailangan mo?" Tanong muli ng matanda. Umupo ako sa upuan na kaharap nito. " Kaya niyo po bang gayahin ito?" Tanong ko sa matanda na ipinakita ang kuha ko sa cellphone. Inayos nito ang kanyang salamin. " Mukhang mamahalin ang materyales na ginamit dito." " Sabihin niyo lang po kung magkano, magbabayad po ako." Saad ko. Tumikhim ang matanda at tumango. " Sige, kaya naman gayahin ang nasa letrato Hija. Sisikapin kong makahanap ng katulad ng materyales nito." Nakahinga ako ng maluwag at ngumiti. " Wala pong problema kahit hindi kamukha ng materyales, basta po kamukha nito. Kayo na pong bahala sa finishing." Maligayang saad ko. Bahagyang natawa ang matanda at tumango. " Ah, oo nga po pala. Maaari po ba akong magpagawa pa ng isa pa?" Kinuha ko ang sketch ng gown sa aking pouch at inilahad sa matanda. " Iyong nababagay po dito." Tumango tango ang matanda. " Sige Hija, walang problema. Kailan mo ito kukunin?" " Iyong mas maaga po sana sa isang buwan kung maaari." Ngumiti ang matanda at tumango. Nagbayad na ako ng kalahati sa dalawang mask na ipinagawa ko, at ibinigay ko ang kopya ng letrato sa cellphone ko. Si Katya na ang bahalang kukuha noon. " Para saan iyon?" Takang tanong ni Rad sa akin paglabas namin ng shop. Ngiti lamang ang tanging sinagot ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse. Gaya ng sabi ko, ako lamang dapat ang nakakaalam, at ayoko ng may iba pang madamay. " Wala, I just wanna support our locals." Saad ko na mukhang hindi kumbinsido. Ngumiti lamang ako sa kanyang nagtatanong na mga mata. Bago magtanghalian ay tapos na ako. " Abella," napahinto ako ng tawagin ako ni Rad ng bumaba ako sa kotse. Walang maid o trabahador ang nandito kaya okay lang. " What is it?" Kuryosong tanong ko. " Hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko kanina." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at naguguluhang tumingin sa kanya. Kahit anong isipin ko ay wala akong natandaan na tanong nito. " Ano iyon?" Seryoso ang mukha nito na tumingin sa akin kaya kumabog ang dibdib ko. " If I can court you," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumingin tingin sa paligid na baka may nakarinig. " Wh-What did you just say?" Kinakabahang tanong ko. " Well, I don't need your approval. I just want to let you know that I am courting you." Seryosong saad nito. I am dumbfounded, at hinahanap ang tamang word para sumagot sa sinabi niya. " Rad, I'm engage." Halos bulong na sagot ko. Pero ang puso ko ay iba ang pinahihiwatig, mabilis ang kabog nito at nalilito ang isipan ko. Hindi ko mahal si Esteban, ngunit alam ko na matatali ako sa kanya. Ayokong masaktan, ngunit pumapabor ang puso ko sa kanya. Ngumisi ito. " I told you, I don't need your approval." Anito. Napaawang ang labi ko at lumulukso sa kaligayahan ang puso ko. " O-Okay," saad ko na nanginginig ang ibabang labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko, at nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Seryoso ba talaga siya? Alam niya ba ang sinasabi niya? " Pumasok ka na." Saad nito. Tumango ako ng mabilis at tinalikuran na siya. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad papasok ng mansyon. Buong araw yata iyon ang laman ng isipan ko, lalo na ay buong magdamag ay wala akong ginawa kundi ang magpahinga. Noong hapon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na silipin siya sa veranda. Ngunit nabigo ako dahil wala naman ito sa lugar kung saan madalas ko siyang nakikita. Nagpasya ako na lumabas ng mansyon, at nagtungo sa rancho. Bigo din ako dahil nakasara ito at maging ang kasama niya na si Alyas ay wala sa loob. Bigo ako na makita muli siya ngayong hapon. " Lumabas ka daw kaninang umaga Bella." Tanong ni Mama habang kumakain kami ng hapunan. I clenched my jaw and I know Perla told my mom already. " Yeah, I just buy some things at the mall and went to Jena." Saad ko habang nginunguya ko ang steam salmon. Tumango tango ito. " Good, at least you decided to go out of your comfort zone, next time you should ask my permission first." Maawtoridad nitong payahag. " I'm not young anymore Ma." Giit ko. Napahinto sa pagkain si Mama at tumingin sa akin. " Bella was right Angelita, she's not getting any younger. Let her be, tutal ay hindi magtatagal ay itatali na rin siya kay Esteban." Singit ni Papa. Nagbuntong hininga si Mama at tuluyan ng ibinaba ang kubyertos at ibinigay sa akin ang buong atensiyon. " That's my point Cristobal, she's getting married. You know your daughter too well, she might runaway again." I snapped on the table and looked at my mom who was now looking at my dad loosing her patience. Our features and all was mix with our parents. They have a foreign blood that was very evident on my face and skin kaya thankful ako na hindi ko lahat nakuha kay Mama, even her behaviour. Swear! My mom was gorgeous but that's all. " What's the point of running away Mama?" I asked sarcastically. Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. " She's right Angelita, starting tonight let Bella do what she wanted as long as she's not going anywhere. She's being good for months, and Rafaella was supposed to be in her condition. She might be still on shock, so let her be." Saad ni Papa. Napangiti ako doon at mas lalong kumunot ang noo ni Mama. " Cristobal!" My mom warned. " Stop it Angelita, nasa harapan tayo ng hapag kainan. Sa tuwing kumakain tayo ay lagi kayong nagtatalo." giit ni Papa. Tinikom ni Mama ang bibig habang umiling ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Ngumisi ako habang kinakain ang huling slice ng salmon. My dad was being quiet about Rafaella's issue, but I know he was also affected. Napatingin ako kay Katya na hindi maipinta ang kanyang mukha at kinakamot ang ulo. I laughed at the back of my head, at least ngayon naramdaman ko na panalo ako sa away na 'to. " Saan kayo pumunta kanina ni Rad?" Tanong ni Katya sa akin pagkatapos kong maligo. " Like I said Katya, pumunta ako sa mall para i check iyong mask na pinagawa ni Mama." Tumaas ang kilay nito at umupo sa sofa ko habang tinitignan akong nagpapatuyo ng buhok sa blower ko. " 'Yon lang?" Takang tanong nito. Napahinto ako sa pagpapatuyo ng buhok. " Malalaman mo din, kapag natapos na." Saad ko at ngumiti. Nanlaki ang mata ni Katya at lumapit sa akin. " Wag mong sabihin, nagpagawa ka ng isa pa?" Bulong na tanong nito kahit na soundproof naman ang kwarto ko. Tumango tango ako habang muling pinatuyo ang buhok ko. Nanlaki lalo ang mata nito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. " Nababaliw ka na ba? Pano kung nalaman ng Mama mo?" Napangiwi ito kaya natawa ako. " Wag kang magalala Katya, alam ko." Huminga ako ng malalim. " Wala ba akong gagawin bukas?" Tanong ko. " Uhm, wala naman." Anito. Ngumisi ako, mayroon nanaman akong pagkakataon na muling pumunta sa talon. Tutal ay hindi naman ako pinagbabawal ni Papa na lumabas. Well, not exactly to go to falls. " Oh please lang Bella, hindi ibig sabihin na okay sa Papa mo na lumabas ka ibig sabihin ay pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo." " Wala naman makakaalam e." Agap ko at nangingiting sinuklay ang mahaba kong buhok. Sinapo nito ang kanyang noo at napailing iling. " Sabi ko na nga ba e, tama ang nasa isip ko. Kilala na kita Bella!" Saad nito. Gusto ko ulit lumangoy sa talon, ang tagal na noong huli kong punta doon. Kaya naman hindi ko ito tinigilan hanggang sa napapayag ko siya. " Kinausap ko na si Rad, Bella." Saad ni Katya paglabas ko ng banyo, kanina ko pa siyang umaga kinukulit na tutungo ako ng talon. " Ano? Ang sabi ko, ako lang." Giit ko sa kanya na kunot ang noo. Inayos ko ang damit ko na kulay itim na summer dress at ang loob nito ay iyong pulang bikini na binili niya. " Ano ka ba? Delikado doon, pano kapag may nangyare sa iyo?" Kinakabahang tanong niya. Inikot ko ang mata ko, ayokong makita si Rad. Ayoko pa, naiisip ko iyong sinabi niya kahapon. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya, alam ko naman ang patungo sa talon. Si Cloud lang ang kailangan ko para makapunta ako ng mabilis. Nagbuntong hininga ito at umiling ng mabilis. " Hindi matatahimik ang katawang lupa ko Bella, kaya sa ayaw mo o sa gusto kasama si Rad. At least alam kong may kasama ka." Pagpipilit nito. Nagbuntong hininga ako bilang pagtanggap ng pagkatalo, I left with no choice, ala una ng hapon ng sekreto akong bumaba sa silid ko. Halos nagpapahinga na ang lahat at alam ni Perla ay nasa silid ako. Hinihintay na ako ni Katya sa labas ng mansyon. Para akong tuod ng makita si Rad na nakasakay kay Cloud na tumingin sa akin. He was wearing a plain white shirt na hapit sa kanyang magandang katawan at maong pants na nakatupi hanggang ilalim ng tuhod. It was a simple outfit but he looked so dazzling hot. Tumikhim si Katya kaya nabalik ako sa aking ulirat. " Gaya ng payo ko Rad, pakibalik ang pasaway na Señorita bago tayo mahuli." Anito at nakakalokong ngumiti sa akin. I rolled my eyes, bakit kailangan niya pang sabihin iyon kay Rad? Namula ang pisngi ko ng sumulyap si Rad sa akin at ngumisi. " No problem!" Tipid na sagot nito. " Oh e, ito nga pala ang miryenda niyo. Nangangagat iyan kapag gutom." Dagdag nito na inabot kay Rad ang maliit na basket. " I know!" Rad laughed. Nanliit ang mata ko sa sinabi ni Katya, seriously Katya? Tumawa ito sa akin bago ako alalayan sa pagakyat kay Rad. " Magiingat kayo." Anito bago tumalikod na. Tahimik ako nakaupo habang tinatanaw ang dagat mula dito mariin ang hawak ko sa basket at doon dinadala ang sobrang emosyon na nararamdaman, nanigas ako ng maramdaman ang matigas na dibdib nito sa aking braso dahil sa paggalaw ni Cloud. Napalunok ako at parang nanunuyo ang lalamunan ko. Pinapaalala ko sa sarili na hindi ako lilingon sa kanya, dahil sobrang lapit ng mukha nito sa akin. I took a deep breathe at pinapanalangin na sana ay nasa talon na kami. Humigpit ang hawak nito sa tali dahilan upang mayakap niya ang maliit na bewang ko at mapalapit lalo ang braso ko sa dibdib nito. Nabigla ako sa kanyang ginawa kaya hindi ko mapigilang sulyapan ito, seryoso ang tingin niya sa dinaraanan at sobrang lapit ng mukha nito kaya kaagad ko ding inilayo ang aking paningin. " You smell so good." Bulong nito sa aking kaliwang tenga na nakaharap sa kanya. Nanginig ang buong katawan ko at may naramdamang kiliti. Tumikhim ako at hindi alam ang sasabihin. Hindi pa rin mawala ang sinabi niya sa akin kahapon, I felt so awkward. Nahihiya ako sa kanya, habang parang wala iyon sa kanya. Kung hindi niya sana sinabi iyon, hindi ako makakaramdam ng ganito. Dapat nga ay siya ang mahiya sa aming dalawa, pero bakit ako ang nakakaramdam ng hiya! Seryoso kaya talaga siya? Tahimik ako buong minuto na papunta sa talon. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang ingay ng pagbagsak ng tubig pababa, mabuti nalang ay malapit na kami sa talon. Huminto ito sa isang malaking puno kung saan niya itatali si Cloud Maingat niya akong ibinaba sa kabayo, pagbaba ko ay mabilis akong naglakad patungo sa maliit na kubo. Napahinto ako ng may makita akong likod ng isang lalaki na walang saplot pang itaas, kinabahan ako bigla dahil baka isa ito sa aming trabahador. Mabilis akong bumalik kung nasaan si Rad, halos madapa ako sa kakamadali ko. Tumaas ang kilay nito habang ako ay kabado. " Mukhang may tao sa talon, bumalik na tayo baka isumbong pa ako kay Mama." Kinakabahang sabi ko at akmang maglalakad ako patungo kay Cloud ng hinawakan niya ako sa aking siko. " Wag kang magalala, hindi magsusumbong si Alyas." Napahinto ako sa kanyang sinabi at kunot noong tumingin sa kanya. Dahil nakatalikod ang lalaki ay hindi ko ito namukhaan. Sumulyap ako sa talon kung nasaan ito at nakita ko si Alyas na papalapit na sa amin. Hinila ako ni Rad palapit sa kanya, habang ang kamay nito ay nasa likod ng bewang ko at ang aking mukha ay nakaharap sa dibdib nito, bumilis bigla ang t***k ng dibdib ko sa ginawa niya. " Boss, okay na ho-" " Magsuot ka nga ng damit!" Anas nito. " Pasensya na po!" Narinig kong sagot ni Alyas. " Ano ba okay lang naman!" Giit ko at akmang aalis sa pagyakap nito ng mas lalo nito akong inilapit sa kanya. Naamoy ko ang pabango nito, at para ako nitong hinihele. I heard him hissed. " Make it fast! At pwede ka ng umalis." Sigaw nito. Kumunot ang noo ko at nagbuntong hininga. " Opo boss!" Narinig kong sigaw nito pabalik. " He can stay." Saad ko ngunit hindi naman niya ako pinansin. Mas okay ng nandito si Alyas para naman hindi ko maramdaman ang pagkailang sa kanya. Inalis na nito ang kamay niya sa likod ko at nakita ko si Alyas na nakasuot na ng manipis na long sleeve na kulay pula. " Mauuna na ho ako, Señorita." Nangingiting pahayag nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero bago pa ako magsalita ay naunahan na ako ni Rad. " Alis na sabi!" Naaasar na sabi nito. " Opo!" Ani Alyas at naglakad na palayo. Napanguso ako sa inasta nito. Hinila ako ni Rad patungo sa talon. Kinuha nito ang hawak kong basket. Kumunot ang noo ko ng makaamoy ng barbecue at parang may usok na nanggagaling malapit sa maliit ng kubo kung nasaan nakatayo kanina si Alyas. Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata. " Oh my gosh!" Hindi mapigilang tili ko tumingin sa kanya na nakangiti. " Did Alyas do this?" Namamanghang tanong ko kay Rad. Kumunot ang noo nito at matalim na tumingin sa akin. " A- What?!" Tanong nito. Mabilis akong tumungo sa may barbecue grill. Never ko pang triny na magihaw dito. " Inutusan ko siyang dalhin dito!" Anas nito. " Talaga?" Nangingiti kong kinuha ang isang stick ng barbecue. He pouted at me, gzz why he's doing that heat kinuha ang hawak kong stick. " Ano ba!" Anas ko na kinukuha sa kanya ang barbecue. " Ang sabi ko, ako ang nakaisip nito!" Tumango tango ako at pinipilit na kunin sa kanya ito. Hinawakan nito amg palapulsuhan ko kaya napahinto ako. " I'm dead serious Abella!" He warned. Nagbuntong hininga ako. " Oo na, salamat." Nahihiya kong sagot at hindi makatingin sa kanya, uminit ang pisngi ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Ngumisi ito at ibinalik sa akin ang stick ng barbecue. " You're blushing." Tukso nito sa akin bago tuluyang pumasok sa maliit na kubo. Napaawang ang labi ko, at hindi nakapagsalita sa sinabi niya. I bit my lower lip in so much shame, kinagat ko ang masarap at malambot na barbecue habang naglakad patungo sa talon para iwasan siya. Sobra na iyong kahihiyan na nararamdaman ko, at hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya. Sa huling kagat ko sa barbecue ay hinubad ko na ang dress na suot ko, sumulyap ako sa kubo at hindi na siya lumabas dito. Minadali kong itinupi ito at ipinatong sa malaking bato bago tuluyang lumangoy sa malamig na tubig. Sumasarap ang pakiramdam ko sa tuwing lumalangoy ako, nakakalimutan ko din ang lahat ng problema ko. Paghaon ko sa tubig ay napansin ko si Rad na nakakunot noong iniihaw ang barbecue habang walang saplot na pang itaas, nakaharap ito sa akin at hindi niya pa ako napapansin na nakatanaw sa kanya. Nagbago ang pintig ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinititigan ang magandang hubog ng katawan nito, mabilis akong umiling para maialis ang nasa isipan ko. Nanlaki ang mata ko ng lumipat ang tingin nito sa akin, mabilis kong inilubog ang sarili ko sa tubig. Inaliw ko ang sarili ko sa paglangoy sa malamig na tubig. " Bella!" Narinig kong tawag nito sa akin kaya umahon ako. " We have to eat first!" Balik na sigaw nito ng mapansin ko na mukhang tapos na siya sa pagihaw. " Okay!" Sagot ko at tuluyang umahon na sa tubig. I wanted to dress up pero ayokong mabasa ang damit ko sa sobrang excited ko na pumunta sa talon ay nakalimutan kong nagdala ng extra. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng hiya ngayon. I walked towards the kubo and saw grilled dishes. Tahimik kaming kumain at hindi ko rin naman alam ang sasabihin sa kanya. " Thank you. " Iyon lamang ang nasambit ko bago ako tumayo at lumabas ng maliit na kubo dahil masyado ng masikip ang kubo para sa aming dalawa. Hinawakan ko ang tyan ko at mukhang naparami yata akong nakain. I need to control myself in eating too much, dahil baka sa araw na susuotin ko na ang gown ko ay hindi magkasya. Patay ako kay Mama kapag nagkataon. Umupo ako malapit sa talon at ibinabad ang paa sa tubig. " Madalas ka bang pumarito noon?" Tanong ni Rad na nanggaling sa likuran ko. Hindi ako humarap sa kanya at pinanood ko lang ang pagbagsak ng tubig. Tumango ako ng marahan. " I love this place, kaso nakakatawa lang isipin na maaaring ito na ang huling punta ko dito." " Let's come here tomorrow then?" Napahinto ako sa tanong niya at umupo rin sa inuupuan ko na may layo na isang metro. Sumulyap ako sa kanya na gaya ko ay namamangha sa pagbagsak ng tubig. I smiled at him. Umiwas ako ng tingin, its funny that I felt calm everytime he's around. He make me feel secured. " I don't think so.." nagdadalawang isip na saad ko. Swerte na ako ngayon at nakatakas ako, hindi ko pa masasabing safe hanggat hindi pa ako nakakauwi. Nagulat ako ng bigla itong tumalon sa tubig. Natawa nalang ako at hinintay siyang umahon. Ngunit magiilang segundo na ay hindi pa ito umaahon. If you're not a professional free diver and wasn't train to swim without an oxygen delikado ang magtagal sa ilalim ng tubig. Kinabahan ako bigla ng hindi ito umaahon. Mabilis ako tumalon sa tubig upang hanapin siya. Nang mahanap ko na ito at dali dali akong lumangoy pa ibaba at hilahin siya pataas ng tubig ng dahan dahan. Kabadong kabado ako dahil nakapikit ito at hindi gumagalaw ng makita ko. " Rad!" Tawag ko sa kanya paghaon ko sa tubig at akmang lalangoy ako patungo sa mga bato ay naramdaman ko ang pagpalupot ng kamay nito sa bewang ko. Napaawang ang labi ko at tumingin sa mapupungay niyang mga mata. Nakangisi ito at mukhang naligayahan sa nakita. Kumunot ang noo ko ng masilayan ang multo ng ngiti sa labi niya. Nahampas ko siya ng tubig. " Ano ba Rad!" Humalakhak ito at mas lalong k hinapit ang kamay niya sa bewang ko. " Hindi nakakatawa iyon!" Suway ko. Kunot ang noo kong tumingin sa kanya na ngayon ay naging seryoso. Napakurap ako ng mapagtanto ang lapit namin sa isa't isa. Nagkaron ako ng pagkakataon upang masilayan siya ng mas malapitan. I heard his heavy breathing and I am lost of words. I felt his fingers on my back that making me feel hot, kahit ang lamig ng tubig. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi alam ang gagawin na agad ko naman pinagsisihan dahil lumipat doon ang tingin niya. He licked his lower lip and he turn his eyes on me again. " Uh- Rad..." Saad ko pagbabasag ng katahimikan, but it goes in a husky tone. Pumungay ang mata nito. " Hmm?" He asked making me felt awkward. Mas inilapit nito ang katawan ko sa kanya at naramdaman ang matigas na katawan nito. Bumilis bigla ang t***k ng dibdib ko. Napapikit ako ng palapit ng palapit ang mukha nito sa akin, is he going to kiss me? I felt his breathing in my left ear. " You're making me insane, Bella." I froze when I felt something poking on my belly. Mabilis nitong inilayo ang katawan niya sa akin. " Let's go home, baka hindi ko pa mapigilan." Saad nito, habang ako ay naguguluhan at kunot noong tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD