I'm preparing myself again para sa pagpunta sa talon. I don't have anymore bikinis, and I am wearing my Calvin Klein ternos, hindi ko naman din nauwi iyong ibinigay sa akin ni Rad noong pumasyal kami sa dagat.
" Aba aba, aalis ka nanaman?" Kunot noong tanong ni Katya sa akin pagpasok nito sa kwarto ko.
Itinaas ko ang kaliwang kilay ko at tinuloy ang paglalagay ng pulang tint sa labi ko.
" Magiisang linggo ka nang naliligo sa talon, at mukhang nawili ka Señorita?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
Nagbuntong hininga ako at ibinaba ang lipstick na hawak ko.
" So what do you want me to do here?" Nakakaloko itong ngumiti sa akin kaya inikot ko ang paningin ko.
" Mukhang napapalapit na kayo ni Rad, Señorita Abella. Gusto ko lang ipaalala sayo na linggo nalang ang binibilang natin ay uuwi na dito si Señorito Esteban." Makahulugan niya akong tinignan kaya umiwas ako ng tingin.
Magsimula kasi noon, ay araw araw na ang pagpunta ko sa talon. Hindi ko maitatanggi ay madalas kapag nagbabad ako ay tinitignan ko lamang siya ng patago. I don't know, I am so comfortable and secured whenever he's around.
" I know Katya, you don't have to remind me. Kaya nga ako mas lalong naglalabas hindi ba? Knowing Mama, hihigpitan nanaman niya ako." Naiinis kong pahayag at kinuha ang maliit na bag sa kama ko.
Nagbuntong hininga ito. " Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mag iingat kayo." Saad nito at niyakap ko siya bilang pasasalamat.
" Babalik ako bago ang alas tres." Saad ko bago lumabas ng kwarto.
I know Katya was being concern, but I can't stop myself I want him to be around. Sabik na sabik ako, mas umuusbong ang kasabikan sa dibdib ko na makita siya.
I'm still sleepy while walking down the stairs, Katya woke me up earlier than before. My body was still aching for a sleep.
" What is it all about?" Wala sa sariling tanong ko habang umuupo sa upuan.
I bit on my wheat bread and looked at Perla who was now walking towards me.
" Hinabilin ni Donya Angelita na gisingin ka ng maaga upang magtungo sa bayan. Natapos na daw ni Cindy ang gown na gagamitin mo para sa party." Tumango tango ako habang nginunguya ang pagkain.
" Kapag katapos mo ay kailangan mo nang magayos upang magtungo doon. Isusukat sa iyo kung may kailangan na adjustment." she added, while I am still out of my mind.
I stopped when I saw Rad patiently waiting for me to come out, my mouth parted and remembered that he was my personal driver.
" Oh mukhang gising kana?" Pabirong bulong sa akin ni Katya ng mapansin ang paghinto ko.
I bit my lower lip and rolled my eyes. I glanced at him when he opened the door and I lost of words when I smell his familiar perfume. Gzzz, it's so addicting. I pulled myself back and regain my conciousness. Masyado akong nawawala sa sarili kapag nakikita ko siya. Though, everyday naman kaming magkasama naninibago pa rin ako.
The ball gown was so elegant and beautiful, it was perfectly made for me. Sobrang linis ng pagkagawa nito, the designed was hand made that added more life on my gown.
Cindy excitedly clapped her hand. " This is one of my best masterpiece, Señorita."
I sweetly smiled on her. " I can see that."
" Mabuti nalang at maaga kang pumarito, your mom want to keep it private before the party." I smiled and nodded my head.
Paglabas ko ng fitting room ay may iilan na akong nakilala na pumapasok sa shop ni Cindy, marahil ay sinusukat na rin nila ang pinagawa nilang gown. Dumaan na rin kami kay Jena, at tapos na ang mask na susuotin ko at ipadadala nalang sa bahay.
" Are we going somewhere today?" I asked while he was silently driving the car.
Maaga pa naman ay wala naman makakapansin kung uuwi kami bago magtanghalian.
" Perla told me to bring you home." Itiniim ko ang mga labi ko at sumulyap sa kanya na nakatingin sa salamin. " You're friends are waiting..." dagdag pa nito.
Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.
" Friends?" Tanong kong muli.
He nodded his head without looking at me. Sino naman ang dadalaw sa akin? Walang nabanggit sa akin si Perla.
Noong malapit na kami sa mansyon ay nakumpirma ko ito, si Katarina at Maria Angelina ay nasa sala namin habang may iilang maid na nakatayo sa gilid nila.
I hissed. " Anong nakain ng mga 'to?" Kunot na kunot ang noo ko.
Bumaba ako sa kotse pagpark ni Rad, hindi ko na siya hinayaan pang pagbuksan ako.
" Bella!" Sabay nilang tawag ng makita akong bumaba sa kotse.
Ngumiti ako ng pilit, at halos maningkit ang mata ko.
" We decided to visit you here, we're sorry. Masyadong biglaan." Saad ni Angeline.
Tumango tango ako. Masyado ngang biglaan, at wrong timing. Napahinto sila ng tumingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko ng sabay pa silang nanlaki ang mga mata.
" What brings you here?" Tanong ko at pinipigilan ang sarili na mainis.
" Who is he?" Nanlalaking matang tanong ni Angeline sa akin.
Kumunot lalo ang noo ko at tumingin sa likod ko ng makita si Rad na papalapit sa amin.
" Ohhh, you looked familiar." Malambing na boses ni Kat.
This time ay hindi ko napigilan ang makaramdam ng inis, I know my friends so well.
" You too." I froze when I heard his hard tone.
I rolled my eyes, at hindi nila napansin iyon dahil ang tingin nila ay nakay Rad.
" He's my driver!" Agap ko, they were blinded by his looks.
Ang inaasahan ko na madissapoint sila ay hindi nangyare. Tumingin ako kay Katarina na lumapit pa kay Rad.
" You really looked familiar, did we met before?" I sighed in disbelief.
" You have a hot driver Bella." Bulong ni Angeline sa akin, and she giggled.
" Oo, madalas akong utusan ni Don Cristobal sa mansyon niyo." Tipid na sagot nito.
" Ohhhhh..." tumango tango ito. " I see, I'm looking forward for your next visit. Para naman maentertain kita, hindi ka naikwento sa akin ni Bella."
" I know you are not interested sa mga driver lang." I said sarcastically, bago pumasok sa loob ng mansyon at iwan sila doon.
" Abella!" Narinig kong habol ng dalawang ito sa akin.
" Why did you said that? He might feeling offended. Hindi ko man lang nalaman pangalan niya." I rolled my eyes again.
" Anong bang ginagawa niyo dito?" Naiinis kong tanong at nagtungo sa veranda kung saan nakaharap sa malawak na dagat.
" But seriously he seems really familiar!" Giit nito at umupo sa upuan.
Angeline sighed. " Can you please stop it Kat, you are being like that everytime we met a hot guys." Angeline laughed.
I shook my head again. " But Bella, he is really cool." dagdag pa ni Angeline.
I know that, even my friends notice him. That mean he was not an ordinary guy, I know my friends too well they were hooked by looks, but being fascinated by power. Titigil din ang mga ito.
" Niyayaya namin si Thalia, kaso masyadong busy." Saad ni Kat at tumingin sa malawak na dagat.
Tumango tango ako.
" We just want to confirm, if totoo ba iyong sinabi ng Mama mo." Kumunot ang noo ko at tumingin kay Angeline nang dahil sa tanong niya.
" Excuse me, Señorita. We will serve your appetizer." Singit ni Perla, at may lumabas na tatlong maid na may hinihilang trolley.
They served us vegetables with dips, cheeses and fruits.
" Anong kailangang kumpirmahin?" Tanong ko noong maiwan na kaming tatlo.
" They were already planning your wedding with Esteban, Bella." Tumango tango ako. Alam ko na iyon ano pang nakakagulat doon?
" And you are going to Spain with Esteban after that?" Nasamid ako sa tanong ni Kat, ano nanaman bang pinaplano ni Mama.
" Sino naman nagsabi niyan?" Kunot noong tanong ko kahit na alam kong si Mama.
" Your mom Bella, last night our parents have a dinner with your parents. Hindi mo ba alam iyon?" Takang tanong ni Angeline.
Wala akong alam sa mga ginagawa nila, I lost of interest, I live like they don't exist. Nasanay na ako na wala sila.
" If that so, what's the matter with that?" Walang ganang tanong ko.
I know my mom, she will bragged about everything and she was very satisfied when she knows that she's winning and everything was fallen into the right places. She never told me about that too.
I chewed the small cut of apple.
" Thinking about that, you are so lucky." Saad ni Katarina at nakikita ko ang inis sa mukha nito.
Tipid akong ngumiti, " You want it too, right? Kaya kayo nandito?"
Napahinto sila sa pagkain at tumingin sa akin. I knew it, they are really into it. I wanna help Thalia, but the more the merrier.
Tumikhim si Angeline at tumingin sa akin. " We just want to confirm it to you, if you are really serious Bella."
" Ako na ang magpaplano. " Saad ni Katarina.
" What?! I am the first one who planned to go to Bella. Kaya ako ang magpaplano. " Napangisi ako sa kanila at marahang umiling.
" You really think talaga na magugustuhan ka ni Esteban?" Naiinis na tanong ni Angeline kay Katarina.
" Wow sis, coming from you?" I rolled my eyes at kinain ang strawberry.
Hindi na talaga sila nagbago, sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. Pano ko nga ba naging kaibigan ang mga ito?
" Bella!" Napahinto ako sa paghilot ng sentido ko at tumingin sa kanila na kunot na kunot ang noo.
" Let's plan a secret date with me and Esteban!" Agap ni Katarina.
" What? No Bella, sa amin ang mauna." Halos mahilo ako sa pagpalipat lipat ng tingin sa kanila.
Nagtalo pa sila kung sino ang mauuna, e wala naman akong pakielam kung sabay pa sila. Napailing iling nalang ako.
" Excuse me Señorita, nandito na ang main course." Dumating si Perla at sinerve na ang main course.
Pagalis ni Perla ay nagsimula pa rin nagtalo ang dalawa.
" Can you please stop? Kakain muna tayo." Saad ko.
Even their class was gone just because of Esteban? Seriously, I know he was a big fish if you would marry him. He has everything, pero konting delikadesa naman.
Hindi na sila nagpansinan habang kumakain kami. Halos magsaksakan na nga yata sila sa kanilang mga tingin sa isa't isa. I shook my head, really bakit ko nga sila naging kaibigan.
" Hindi ako sasabay sa iyo!" Anas ni Kat noong nagpasya na silang umuwi.
" I don't even care." Anas ni Angeline at naglakad na patungo sa labas.
Katarina hissed and rolled her eyes. " I-text or magkita nalang tayong dalawa paguwi ni Estaban." Bulong ni Angeline sa akin.
" Wala ho ba kayong dalang sasakyan Señorita Katarina?" Tanong ni Perla ng makita niya si Angeline na papalabas na ng mansyon.
" Magpapasundo nalang ako!" Nagkatinginan kami ni Katya na pababa sa hagdan at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
" Nandito po si Rad, hayaan mo na siya na ang maghatid sa iyo." Napahinto ako sa sinabi ni Perla at kumunot ang noo.
Nakita ko ang pagbabago ng itsura ni Kat. " Are you talking about the personal driver of Bella?"
" Busy si Rad sa rancho, Perla." Pagpipigil ko sa sarili.
" Pwede ko naman siyang pakiusapan, nakakahiya kay Señorita Katarina kung maghihintay pa ito ng matagal." Nakaramdam ako ng inis at tumingin kay Kat na nakangisi.
Really Perla? I hate you.
" I have no problem with that." Saad pa nito.
" Diane, pakitawag si Rad at pakisabi na ihatid si Señorita Katarina." Utos nito sa isang kasambahay.
Humalukipkip ako at umiwas ng tingin. Tumingin ako sa papaalis na kotse ni Angeline, ngayon ay mas nainis pa ako kung bakit sila nagaway.
Hindi nagtagal ay nakita ko si Rad na papalapit, nakauniporme na ito at nakaayos. Kung sasabihan ko ba siya na wag itong ihatid ay makikinig siya?
" Bella, I will text you." Saad ni Kat, hindi ko mapigilan mainis sa kanya lalo na ng binuksan na ni Rad ang pinto ng kotse para sa kanya, as if wala itong kamay para buksan ang pintuan.
Lumipat ang tingin ni Rad sa akin, umiwas ako ng tingin at nakaramdam ng inis sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ng ganito.
" Bye Bella!" Nangingiti itong nagpaalam sa akin, habang hindi pa ito nakakapasok sa loob ay pumasok na ako sa mansyon.
" Oh bat parang nalugi ka sa itsura mo?" Salubong sa akin ni Katya.
Hindi ko siya pinansin at umakyat na patungo sa kwarto. Tumuloy ako sa bathroom upang maligo. Kalahating oras ang layo ng bahay nila Kat sa amin, ano naman kaya paguusapan nila? Iniisip ko palang na kasama niya si Kat ay sumisikip ang dibdib ko.
Hindi ako mapakali habang naliligo, ang isipan ko ay lumilipad sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko ay sasabog ako ano mang oras.
Padabog kong sinara ang pinto pagtapos ko maligo.
" Ano ba nakakagulat ka naman! Ano ba problema mo?" Kunot na kunot na noo ni Katya ang sumalubong sa akin habang ito ay naakupo sa sofa at nanonood ng tv.
I sighed in frustration, nagtungo ako sa walk in closet ko. Magswiswimming ako sa talon, kailangan kong malibang kung hindi ay hindi ako patatahimikin ng utak ko kakaisip.
" Nagseselos ka ba?" Napahinto ako sa pagpili ng loose dress at tumingin kay Katya na nasa hamba ng pintuan at nakapangewang.
" Ano?!" Nainis na tanong ko. " Bat naman ako magseselos sa kanilang dalawa?"
Natawa ito sa sinabi ko. " Wala akong sinabi kung sino, pero mukhang nagseselos ka nga."
I am not jealous, I could not just stop thinking about them.
" Oh saan ka pupunta? Wala pa si Rad ha?" Litong tanong nito.
I grabbed my purse and ready to go. " Gotta go!" Tipid kong sabi.
" Bella!" Katya warned when I'm about to open the door.
" I can go on my own Katya, I'm not a kid. Okay?" Tinaasan ko siya ng kilay, she rolled her eyes and shook her head while I opened the door.
I started to run silently on the stairs while carefully hiding myself on our huge pots. I sighed in relief when they didn't caught me. I heard my door closed and I know Katya was going to nag at me.
I sighed and hurriedly went to the garden, and run to the rancho. Habol habol ko ang hininga ko ng napahinto ako sa rancho namin. Nasa labas si Alyas habang pinapakin si Cloud.
" Alyas!" Maagap kong tawag sa kanya. Nataranta ito kaya nabitawan nito ang damong hawak niya.
Natawa ako sa kanya at napailing. Naalala ko nanaman si Katya at baka maabutan pa ako noon.
Itinaas ko ang loose dress ko dahil nakamaong short naman ako. Mabilis akong sumakay kay Cloud na ikinagulat ni Alyas.
" Señorita?!" Nagaalalang tumingin sa akin si Alyas. Hindi pa kasi ito nakagear, tanging tali lang nito ang meron but I don't need it anymore.
" Bella!" Narinig ko ang matinis na boses ni Katya na tumatakbo papalapit sa amin.
" Swear Katya I will be back!" Sigaw ko sa kanya bago pinatakbo si Cloud.
Natawa ako at nailing ng maalala na ganito din kami noon, sa tuwing tatakas ako. Dumaan ako sa kagubatan kung saan wala ang mga trabahador namin. Habol ko pa din ang hininga ko ng makita ng tuluyan ang talon. Bumaba ako kay Cloud at sinuklay ang malambot nitong buhok.
" Ang galing mo dun Cloud!" Saad ko habang patuloy ang pagsuklay sa kanya.
Panandalian kong nawala ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Paghubad ko ng damit ko ay dali dali akong lumangoy sa tubig, ang lamig ng tubig ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan. Still, my mind didn't stop thinking about him with Katarina. I slapped my right hand to the water, and I am going crazy thinking that they were alone for half an hour.
Halos ilang minuto din bago ko inabala ang sarili ko sa paglangoy sa talon, lumapit ako kung saan bumabagsak ang tubig at hinayaan ko ang likod ko na dumampi ang pagbagsak ng tubig dito noong nagsawa na ako ay lumangoy naman ako malapit sa mga malalaking tipak ng bato. Then I started to swim deep and let myself rest again.
Napamulat ang mata ko kahit na nasa ilalim pa ako ng tubig noong may naramdaman na may lumukso sa talon. Hindi ko ito makita marahil ay nasa kabilang banda ito ng talon, dahan dahan ako sa pagangat upang hindi nito mapansin ang presensya ko, kinakabahan na sinino ito.
Napahinto ako ng makita ang nagaalalang si Rad na nasa gitna ng talon. My mouth parted and my heart was started to beat fast. When he saw me, his eyes became dark, and he swam the distance between us.
" Rad..." My voice broke and he moved closer to me as he clasped his left arm round my waist.
His breathing really hard.
" Bakit hindi mo ako hinintay?" His voice was too low, enough just to filled my ears.
I can't find a right word to answer him. I was confused at the same time, nervous?
" I-I..." my lower lip was shaking and lost of words. Umiwas ako ng tingin at lumayo sa kanya ng kaunti. " You are with Katarina." I can't help myself but to roll my eyes when I remembered why I am here.
I heard him chuckled, I can't even look him straight into his eyes. I felt his right arm in my cheeks. Uminit ang pisngi ko at hindi maiwasang tumingin sa kanya. Lumapit muli ito sa akin, we are still in the water but my body was burning because of his touch.
" Are you jealous, Señorita?" His voice was husky, and made me dizzy.
" Wh-Why would I?" I bit my lower lip and can't even think properly, he pulled me closer to him.
His adam's apple bobbled up and I saw desire in his eyes while staring at my shaking lips. Lahat na yata ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa mukha ko.
Akmang magsasalita palang ako ng inilapat nito ang malambot at mainit na labi sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. His eyes was closed, while I am so shocked on what he did.
Gumalaw ang halik nito at hindi ko alam ang gagawin ko. He stopped and smiled playfully.
" Did I just stole the first kiss of Señorita Abella?" He chuckled.
Inalis ko ang kamay nito sa aking pisngi at nahihiyang umiwas ng tingin. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ng dahil sa ginawa niya. At oo first kiss ko iyon, halata ba? I hissed and shook my head, feeling ashamed on what we just did.
Akmang lalangoy ako palayo sa kanya ng hilahin nito ako pabalik sa hubad na katawan nito. Nanlaki ang mata ko ng muli nito akong hinagkan, sa pagkakataong ito mas malalim at mapupusok. His left hand was on the back of my head, and his right arm was on my waist, pinning me. My body was trembling, I wanna stop what we are doing but my body and mind was against it. I grabbed his wet hair and response on his wild kisses, my other hand was resting on hard chest..
I moaned between our kisses, and stop to gasped for some air. Tulad ko ay malalim at habol nito ang paghinga niya. Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala kami sa mga batuhan.
" Are you jealous?" Tanong nanaman nito na may namumuong ngiti sa kanyang mga labi.
Namula ang pisngi ko sa tanong nito. Lumunok ako upang ibsan ang panunuyo ng lalamunan sa kaba.
" I-I just hate it, thinking you with other girls." Mahinang sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.
" So tayo na?" Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya, na nakangisi sa akin.
" WHAT?! I never said that." Agap ko, na mas kinakabahan ngayon. Mas naging seryoso ang mata nito.
Inayos nito ang takas na buhok ko, marahan nitong inilagay sa likod ng aking tenga.
" No, I mean tayo na." Kumunot ang kilay ko sa sinabi niya. " I stole your first kiss and my responsibility is to take care of it."
Hindi ko alam kung naririnig niya ang kabog ng dibdib ko, bakit ba napapasunod niya ako sa gusto niya. Bakit pa siya magtatanong, kung siya din ang magdedesisyon sa huli?
" Rad," I murmured. Too much butterflies playing on my stomach making me insane.
His eyes became sharp, " I hate it too...." malalim na boses na saad nito.
" W-What?" Naguguluhang tanong ko.
" Thinking my woman, with another man." Napalunok ako sa sinabi niya at pinipigilang ngumiti. How can he be so serious and sweet at the same time?
" You don't want to have a wicked boyfriend, don't you?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, while he was freaking serious.