Chapter 49 Aspien Lewis' POV Pagkatapos ng libing ni Red hindi na makausap namin ang mga asawa namin. Naiintindihan ko sila kasi kapatid na ang turing nila kay Red pero sobra na ito. Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin lang kena Flint na nag inuman dito sa bahay. Yong mga anak namin binilin muna namin sa mga magulang namin. Hindi nila gugustuhing makita ang mga ama nila ng ganito. Naawa din ako kay Aubrey at Marie. Pareho silang buntis at hindi dapat sila ma-stress pero anong ginagawa ng mga asawa nila. Dahil sa hindi na ako makatiis pabagsak ko na binitawan ang hawak kong phone. Pupuntahan ko na sana sila ng hawakan ni Aspen ang braso ko habang umiiling iling— pinapahiwatig niya na huwag ko nalang puntahan sina Flint. Winaksi ko ang kamay niya bago sila tingnan lahat na nak

