Chapter 48 Flint Dela vega's POV "Aspien!" sigaw ko ng makapasok ako sa kwarto at makita siyang nakatihaya sa kama habang hubo't hubad. Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumabas sina Red at ang tatay niya kasama ang mga lalaking hindi ko kilala. "Hanggang diyan ka nalang Dela vega," nakangising sabi ng lalaki na sa pagkakaalam ko ito si Jake na matagal ng may gusto kay Aspien. "Anong ginawa niyo kay Aspien!" galit na sigaw ko. Nakita ko kasing nanghihina na nakatingin si Aspien sa akin. "Masyadong pakipot eh kaya tinurukan ko ng drugs para mag behave," natatawang sabi ni Jake na kinahigpit ng hawal ko sa baril. "F-flint," nanghihinang tawag sa akin ni Aspien na mas kinagalit ko. "Paano ba yan Dela vega nag iisa ka lang marami kami," nakangising sabi ng matandang hukluban na

