"Nahanap mo na ba yung gusto mo?" Tanong sa kanya ni Andrew ng magkita sila sa bar pagkagaling nya sa mall. "Yeah, mabuti nalang at meron sila dito. I can’t wait to go home." "Nice man, masaya kami para sayo." Saad ni James. "You're so whip brother." Pang aasar ni Ruther na kumakain na naman. "Kung gusto mo, mauna ka ng bumalik sa Pinas." Saad ni James "Hindi na, dalawang araw nalang din naman, tapusin na natin to at sabay sabay na tayong umuwi." "Akalain mo yun, akala ko pansamantala lang gaya nga nung napag usapan nyo na pag nanganak na sya eh aalis nadin sila sa poder mo." Natatawang saad ni Fritz "Sira ulo ka talaga." Asik ni Ruther na hinampas si Fritz. "Bakit, yun naman talaga ang totoo diba?" "A lot has change." "Wow! Cheers for that brother." Dalawang araw na sya sa Sing

