"Ate, aalis lang ako para mag grocery. Dun nalang din kami magkikita ni tyang para sabay na kaming bumalik dito. May kailangan ka pa bang ipapabili?" "Wala na inday. Mag ingat kayo." "Opo ate, saglit lang po kami at babalik din agad para may kasama ka na dito. Gusto nyo po ba ipag handa ko na kayo ng meryenda bago ako umalis?" "Hindi na, ako nalng ang bababa. Salamat. Okey lang naman kami ni Blake dito. Kakatulog nya lang, baka kahit maka balik na kayo ay tulog padin ito." Pala tulog kasi ang anak nila. Napaka bait nito na iiyak lang kapag gutom at naiirita na sa diaper na may dumi. Ilang minuto ng makaalis si inday ay nagpasya syang bumaba muna para maghanda ng fruits & veggy shake, dahil medyo hindi maganda ang pakiramdam nya ay gusto nyang uminom ng healthy drinks. Tiningnan nya mu

