CHAPTER 1

2308 Words
"Mocha frappe and a freshly bake muffins for Ms. Jia." masayang saad ng waitress bago ilapag ang order nya. Nasa isang cafeteria siya na madalas nyang puntahan bago sya pumasok sa opisina. Kilala na sya ng mga tao doon kaya sobra kung pagsilbihan sya. Naging close narin nya ang may ari nito na si Bria na halos kasing edad nya lang. "Thank you marie. wow! Amoy palang nakaka busog na ah." "You’re welcome, ma’am ganda." "Ang sarap nito ah." Saad nya ng matikman ang muffin. "Bagong menu po yan ni ma’am Bria. Inspired daw po yan sa binigay nyong muffins samin last week. Masarap din naman po kayo mag bake eh, lalo na yung mga pagkain niluluto nyo. Dapat po magpatayo nadin kayo ng sariling restaurant." "Salamat naman at nagugustuhan nyo ang mga luto ko. Nasabi nya nga sakin na magsi serve nadin kayo ng ganyan. Masyado na akong busy sa banko at di ko na ata kaya pa ang mag asikaso ng sarili kong business." Bata palang ay hilig na nya ang magluto luto ng kung ano ano na nakikita nya sa tv at mga magazines. Madalas syang turuan ng mommy nya ng mga specialty nito na turo pa ng lola nya na mga paborito ng daddy nya. Bonding na din kasi nila ang baking at cooking. Kahit may mga katulong sila ay hinahayaan syang gumawa ng mga domestic chores ng mga magulang dahil nadin sa curious sya sa mga pinag gagawa ng katulong na nagamit niya ng manirahan syang mag isa sa abroad. Minsan ay nagdadala sya ng mga pagkaing niluto nya para sa mga ka trabaho at binibigyan na din nya ang mga crew sa cafe dahil naging mabuti ang mga ito sa kanya. "Ang aga nyo po ngayon ma’am ah." "Oo nga eh, may meeting kasi kami mamaya kaya kailangan kong maghanda para sa report ko. Nasan nga pala ang lady boss nyo?" "Hindi po sya makakapunta ngayon, dadating daw po galing sa america ang kuya nya." "Ganun ba, how I wish may kapatid din ako." "Pag madaming kapatid magulo, maingay at magastos." Nakangiting sagot ni Marie. "Talaga? Ilan ba mga kapatid mo? "Labing dalawa po kaming magkakapatid, masipag kasi ang tatay at nanay ko." natatawa nitong saad. "Wow! Ang saya nun." "Opo, kahit mahirap lang kami ang importante magkakasama kami." "Ikaw ba ang panganay?" "Pangatlo po. Yung dalawang kuya ko may mga asawa na kaya parang ako nadin ang panganay ngayon." "Ang bait mong anak at kapatid." "Matatanda nadin po kasi ang mga magulang namin kaya kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko." "Nakakatuwa ka naman, basta kung may kailangan ka at pwede ako tumulong, magsabi ka lang." "Salamat po maam, napakabait nyo po ni maam Bria." "Mabait kadin kasi. Sige mauna na ko." saad nya at tumayo na para umalis dala ang take out nya. "Have a great day ma’am. Ingat po kayo." "Thanks!" sagot nya at kumaway na dito. Today is their quarterly report kung saan ka meeting nila ang daddy nya at iba pang stocks holder ng banko. This is her first year working in their family's business. Nang grumaduate kasi sya ay pina uwi na sya ng Pilipinas pero mas ginusto ng mga magulang nya na sa bahay lang sya, hindi naman daw nya kailangan magtrabaho, kaya puro online courses ang ginawa nya then she enrolled in baking and cooking classes na sobrang nagustuhan nya. Then after few months na pangungulit nya sa daddy nya ay pinayagan nadin syang magtrabaho pero sa business nila, Wala naman syang choice dahil sya lang naman daw ang mag mamana nito kaya dapat ay alam nya kung paano ang pagpapatakbo ng banko. Ang trabaho na nya ngayon ay dating posisyon ng mommy nya. She's so busy bago pa magsimula ang meeting, kahit medyo kinabahan sa kanyang mga report dahil sa mga tanong sa kanya ay nagawa naman nya ng maayos at kita nya ang tuwa ng mga tao sa harap nya.     ********************************************** "Congratulations sweety pie, I’m so proud of you. You’re so great earlier at the board meeting." "Thanks daddy. Sobrang kinabahan nga po ako dahil first time kong mag report sa inyong lahat." "Well, I don’t see any pressure and nervous in you while doing your report." "Manang mana ka talaga sakin baby." Masayang saad ng mommy nya. They are having their family dinner at home. "Masaya ako at madali mong natutunan ang mga ginagawa ng mommy mo noon." "Syempre ang galing kayang mag turo ni mommy, and ofcourse you too dad, and besides alam kong madami pa akong dapat matutunan, im just starting to familiarize everything." "Para sayo din naman itong lahat anak, im glad you’re so smart at napalaki ka naming maayos ng mommy mo." "Honey, let’s stop this topic, baka mamaya mag drama na naman tayo." putol ng mommy Rosalee nya sa iba pang sasabihin ng daddy nya. "Okey okey, as if I didn’t say anything." Nakangiting saad ni Daddy Jin. "Sya nga pala iha, nandito kanina ang pinsan mong si Xue at hinatid ang pasalubong nya sayo." "Thanks mom, kaya pala tumawag sya kanina pero nasa meeting pa kasi ako, I’ll call her later." "Naka uwi na pala sya. Hindi parin nagbabago yang pinsan mong yan, kung saan saan nalang nagpupunta, kaya sumasakit ang ulo ng uncle Zhen mo dahil sa kunsimisyon sa kanya." "Dad, she’s a travel vlogger that’s why she keeps on traveling and she’s good at it." "She prepares that than helping her dad in they're business. Hindi na sya naawa sa mga magulang nya, puro sakit sa ulo nalang ang dala nya. Mabuti nalang at di ka natulad sa pinsan mong iyon, you always make us proud, respect us and you obey us." "Xue is in the right age to do what she likes hon, sa wala talaga syang amor sa business nila, malay natin dadating din ang araw na mag mature sya." "Look at Jia, she’s younger than her but she’s mature enough to know her priorities. She never did something that can make us mad." "They are not the same hon." "I’m glad that our daughter is not like her." "Dad, please don’t be mean to her, she’s your niece and my best friend. Wala syang ginagawang masama. She’s living her dream." "Hay, ewan ko nga ba sa mga kabataan ngayon, masyadong matitigas ang ulo, masyadong mapusok at kung ano ang gusto yun ang gagawin, hindi na nakikinig sa mga magulang." Nagtinginan sila ng mommy nya sa sinabi ng daddy nya. Knowing his dad, baka saan na naman umabot ang usapan nila. "Hon, bukas nga pala yung check-up mo, tumawag sakin kanina ang secretary ni Doc, anong oras ba tayo aalis?" Tanong ng mommy nya na alam nyang pag iiba nito sa topic nila. Her mom is the sweetest and a very kind person. She’s the only one who can tame her dad when his mad. Parang isang leon ang daddy nya at tupa naman ang mommy nya. Opposites attracts ika nga. "Shobie! I’d been calling for you since i came back to our beloved country." Masayang saad ni Xue ng sagutin ang tawag nya. "Achie, sorry, I just saw your missed calls pag uwi ko na ng bahay, na low batt kasi ako, may meeting din ako almost all day na busy kaya di ko na napansin yung phone ko. Thanks for the presents." "I’m glad you like it, nakita ba ni tita?" "Sira ka talaga, buti nalang di ugali ni mommy na i check mga gamit ko." Ang mga pasalubong kasi nito ay puro sexy clothes at makeup. "hahaha! Pag nalaman ba ni tita magagalit sya?" "I’m not sure." "Only bófù will get mad I know for sure." Her parents are so old fashioned and religious kaya hindi sya pwedeng mag suot ng mga revealing clothes, ayaw na ayaw ng daddy nya lalo pag pinag titinginan sya ng mga lalaki. When she was studying in US, madalas syang dalawin ni Xue since magkalapit lang naman sila. she’s three years older than her. Parehas silang nag iisang anak kaya parang magkapatid na ang turing nila sa isat isa. Ito ang nag turo sa kanya kung pano mag makeup at mag suot ng mga usong damit na hindi daw pang manang. She learned a lot living abroad. "Kamusta naman ang travel mo sa bangkok?" "It so nice and relaxing, let’s go back there, you will love it im sure." "I saw your pics and i can say maganda nga." "Then let’s plan our next get away then." Excited na saad nito. "Sure! Pero unahin muna natin sa Bali." "Okey. can’t wait for summer." "Me too." "Did dad call you?" "Nope, but he talks to my dad and relay his anger on you. You did not tell them that you’re going to Bangkok. of course bófù get mad. I thought they knew." "I told them, but they told me not to go. You know how much important that trip is." "Kaya pala." "You know what he told me? He said na ipapakasal nya daw ako sa anak ng kaibigan nya pag di pa daw ako nag tino. as if!" "He said that? What if gawin nya nga?" "I'll run away. They can’t force me to marry someone i dont love, and besides marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at wala pa sa plano ko ang pag aasawa. Im enjoying my freedom." "Kaya magpaka tino ka na para hindi ka magsisi pag bigla kang ipakasal sa di mo kilala." "Yeah right. Eh ikaw baka ganun din mangyari sayo?" "Of course not! Sinusunod ko naman sila daddy, im working in our company." "What if they will force you to marry someone you dont know? Knowing our fathers." "I dont know, hindi naman siguro gagawin nila daddy sakin yun. I've been good to them." "Eh wala ka pa ngang nagiging boyfriend, so may chance na ipagkasundo ka nalang nila para makapag asawa ka." "Grabe ka sakin, eh ikaw din naman walang boyfriend eh." "Shobie, don’t tell me till now ang pinapangarap mo parin ay yung ultimate crush mo na si Blaze Santillan." "My one and only love." "Gosh! High school ka palang gusto mo na yun, Ang tanda na nun diba." "Hey! Anong matanda, his only ten years older than me." "Just the same, parang tito mo na sya." "Hindi kaya! And besides age doesn’t matter no, at take note, wala sa itsura nya na 32 na sya." "Yeah, at playboy pa." "Kasalanan ba nyang hinahabol sya ng mga babae." "Oo kasi pinapatulan naman nya." "Hindi kaya. Wala namang nababalita na official girlfriend nya." "But lots of flings, bed partner, FUBU. Oh by the way, I saw her latest, the model yung Cara ba yun, grabe so maarte ah di naman kagandahan at peke naman ang boobs." "Haters ka, huwag mo nga siraan ang babe ko. Tsaka di naman daw sila nung Cara." "Sus! Ewan ko sayo, sa dami ng gwapo at machong lalaki sa mundo bakit ba kasi yun ang nagustuhan mo?" "Because he is the best for me. My perfect dream guy." "Yeah right. Sabi mo eh. Support ko nalang yang kagagahan mo." "Looks who’s talking, let me remind you that you still like that guy who snatch your first kiss." "Of course not!" "You sound so defensive. I know you better than anyone else." "Well, I saw him again at the airport. Good thing he did not saw me." "Oh my, you’re stalking him?" "No, that’s just coincidence. I am not like you." "Hey, I’m not stalking him, I’m just checking him online or in magazines." "That’s the same." "Whatever! So, what happened?" "Nothing, before he saw me, my cab arrived. I immediately get inside, and besides he can’t recognize me coz I’m more beautiful and sexy than before." "Hahahaha! Your crazy..... What if you saw each other again and he stills remember you? What will you do?" "I will kiss him again to take back what he did to me." "Your hopeless. As if you can do that." "I can. You know I’ve changed." "We'll see. Baka matameme ka na naman sa harap nya or worse, be the stupid as you always be." "Wow! Napaka supportive mo talaga shobie." "I’m just stating the possible results." "Sya nga pala, you remember Sam?" "Yung classmate/best friend mo nung college na nag invite sakin sa US sa party nya?" "Yes, that’s her. Uuwi sya ng Pilipinas and shes inviting us to her birthday. Dito daw nya gaganapin." "I’m not sure kung makakapunta ako, mukhang di ako papayagan ni daddy lalo na kung late night party yun." "Gosh! Ano ka baby pa?" "You know him. Lalo na at hindi nya mga kilala ang andun." "Ako naman kasama mo." "Exactly! He knows what you are capable of doing." "Oo nga pala....... Basta matagal pa naman yun eh, malay mo maka hanap tayo ng paraan. Game ka ba?" "Yeah, I miss the feeling. Antagal nadin nung last time na nakapag bar ako. Ikaw din yung kasama ko." "Ang boring ng life mo shobie." "You know my parents. They just want me to be safe." "You’re in the right age, you can decide for yourself." "How I wish that’s just easy to do." "Got to go shobie, Mom is calling me, I think it’s about dad's verdict." "Okey, Goodluck." "I really need that." Xue is right. They are both in legal age, pero di sila pinayagan ng mga magulang na umalis ng bahay at mamuhay ng mag isa sa condo. Masuwerte na sila nung pinayagan sila na mag aral sa abroad. She’s not as tough as Xue. Marami syang gustong gawin na di nya kayang sabihin sa mga magulang dahil sigurado syang di sya papayagan ng mga ito, that’s why she let them decide for her as a good daughter do.  Nang matapos siyang mag muni muni ay nag half bath sya at naghanda ng matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD