"Ate Melai san nyo po yan dadalhin?" tanong nya sa katulong ng masalubong itong may mga dalang lumang libro at magazines na galing sa library nila.
"Pinapatapon o ipapamigay na po ng mommy nyo, hindi naman daw po nagagamit. Sakto po nanghihingi ang mga basurero."
"Ganun po ba, sandali lang po, meron din po ata sa kwarto ko kukunin ko lang."
"Tulungan ko na po kayo."
"Huwag na po ate, kaya ko na po, baka po may gagawin pa kayo."
"Sige po señorita, nasa baba lang po ako, tawagan nyo lang po ako pag kailangan nyo ng tulong."
Nang makapasok sya sa kwarto ay agad nyang inipon ang mga lumang magazines na di na nya kailan pa. Natigilan sya ng mabuksan ang drawer kung nasan nakalagay ang mga bagay na importante sa kanya. Her precious magazines kung saan naka feature si Blaze at iba pang mga interviews nito.
"Ang gwapo talaga ng babe ko, kailan kaya kita makikita ulit ng personal. Siguro inaantay mo talaga ako kaya di ka pa nag aasawa noh? Hihi... Malapit na nga pala ang birthday mo, Sayang di parin tayo magkakasama, pero wag kang mag alala, ipaghahanda ko ang araw na yun gaya ng birthday ko." Natatawa niyang saad habang yakap ang magazine kung saan cover si blaze.
"Nababaliw na ata ako, pati ito kinakausap ko."
Hindi nya mapigilang alalahanin ang araw na una nya itong makaharap.
High school sya nung unang nyang makita si Blaze. Kahit home schooled kasi sya ay may mga activity sya outdoor at kung saan umaattend sya ng mga seminars at isa nga doon ang business seminar na isa si Blaze sa special guest speaker. Unang kita palang nya dito ay nagka crush na sya, ang galing kasi nitong magsalita at napaka talino. Bawat salita nito ay pinapakinggan nya , titig na titig sya sa gwapong mukha nito habang nagsasalita, pati kilos at galaw nito ay di nakalampas sa paningin nya. Nang matapos itong magsalita ay nanghinayang pa sya ng magpaalam ito at aalis na.
Nasa hallway sya habang hinihintay ang sundo nya ng biglang nahulog ang isa sa mga librong hawak nya, binigyan ksi sya ng teacher nya ng reference book para sa susunod nilang lessons. Hirap nya itong inaabot ng biglang may dumaan, tumigil ito sa tapat nya sabay pulot sa libro nya.
"I got it." Saad ng baritonong boses ng lalaki.
Halos pigilan nya ang paghinga ng makita ang mukha ng tumulong sa kanya. Napaka gwapo nito sa malapitan at ang bango pa.
"Thank you." Nahihiya nyang saad dito habang inaayos ang suot na salamin.
"Kasama ka sa nag seminar kanina right?"
"Yes, Your good. I like your speech."
"Thanks! You need help with that? And dami kasi ng dala mo."
"No, ok lang ako."
"You sure?"
"Yes. Thanks again."
"You’re welcome." Saad nito at naglakad na palayo.
Nanghinayang sya ng umalis nga ito. Bakit ba kasi nagpa kipot pa sya, tutulungan na nga eh. Kainis naman.
Nang makarating ito sa tapat ng sasakyang nag aantay dito ay muli itong tumingin sa kanya at nginitian sya bago sumakay sa loob. Ramdam nya na nag init ang mukha nya at di nya napigilan ang ngumiti ng maalala ang ginawa ni Blaze. His really a nice guy.
In that instance he became her crush. Her first ever and only crush.
Nang maka uwi ng bahay ay agad syang nag research ng tungkol dito. Kahit bata palang ito ay marami na itong na achive pagdating sa negosyo. Galing sa isang prominenteng pamilya at nakapag tapos ng pag aaral sa ibang bansa with flying colors. He's a partime ramp and commercial model.
Simula noon ay lagi na syang updated sa mga nangyayari dito kahit sa magazines at internet lang. Kahit ng mag aral sya ng college sa abroad ay lagi nya paring inaabangan ang mga kaganapan sa buhay nito. His always on spotlight kahit hindi naman ito artista. Nang malaman ni Xue ang pagka gusto nya dito ay tinawanan lang sya nito at sinabing ang weird nya daw talaga, pati sa taste nya sa lalaki dahil matanda na daw ang nagustuhan nya. Isinumbong pa sya nito sa mommy nya na sinuportahan naman sya at sinabing okey lang naman daw yun dahil crush lang at humahanga lang sya sa isang successful na tao. Pero wag daw nya masyado seryosohin dahil bata pa sya.
Nang lumipas ang mga taon ay si Blaze lang talaga ang tanging tao na hinangaan nya, sabi nga ni xue na baka na inlove na sya dito kahit pa nga di naman nya ito nakasama ng personal. I know it’s far from the truth but his really a special guy to her kahit pa hindi naman sila magkakilala ng personal. Mabuti nalang at hindi sya yung tipong stalker na sinusundan ito. Shes just a silent fan admiring him from a distance. Still updated sa buhay nito pati love life. Alam nya ang mga babaeng na link dito, mapa artista, model, beauty queen at marami pang iba.
Matapos iligpit ang mga gamit ay bumaba na sya para ibigay kay manang ang mga naipong gamit na di na kailangan.
"Maraming salamat señorita, mga bago pa ang iba dito ah."
"Hindi ko na po kasi yan ginagamit."
"Iha, bat hindi ka pa naka ready, aalis na tayo maya maya." Gulat na saad ng mommy nya ng makitang naka pantulog pa sya.
"Oh my god mommy, nakalimutan ko, ngayon nga po pala ang punta natin sa orphanage."
"Masyado ka atang naging abala at napuyat kagabi kakabasa na namn sa mga libro mo kaya nakalimutan mo na, mabuti nalang at di natin kasabay ang daddy mo, baka mauna pa tayo sa kanya at may meeting daw sya, susunod nalang daw sya. Sige na mag handa ka na. Aantayin nalang kita sa sala."
"Sige po mommy."
Taon taon ay nagpapa party sa Little Angel's Orphange ang pamilya nila, Simula kasi ng maging maayos ang negosyo nila at magkapera ang daddy nya ay naging aktibo na ito sa mga charity events na tumutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga batang ulila, hanggang sa nagpatayo na ito mismo ng sariling orphanage kung saan kumukupkop ng mga batang lansangan. Laki kasi sa hirap ang daddy at mommy nya kaya alam ng mga ito ang hirap ng buhay ng mga nasa lansangan. Galing sa mayamang pamilya ang lolo nya sa father side pero dahil na inlove ito at nagpakasal sa mahirap na chinese ay tinakwil ito ng pamilya. Dahil dun ay nasanay sa hirap at simpleng buhay lang ang mga ito, kung kelan nakaka luwag luwag na ang buhay nila, bigla naman may nangyaring trahedya na ikinamatay ng mga ito dahilan para maging ulila ang daddy nya. Ngayon ang death anniversary ng mga magulang ng daddy nya na sya ring anniversary ng orphanage.
Nang makarating sila ay sya ding pagdating ng daddy nya, agad silang sinalubong ng mga madre na syang namamahala doon.
Bata pa lang sya ay madalas na syang isama ng mga magulang tuwing pumupunta doon, she plays with the kids and even taking care of them specially the babies. Masaya syang kasama ang mga bata dahil wala naman syang kapatid. Nung una tinanong pa nya ang mga magulang kung pwede ba nyang iuwi ang mga bata, pero ayun sa daddy nya, mas ok na yung inaalagaan nila ang mga ito sa bahay ampunan kesa mag ampon pa sila dahil magiging unfair lang daw sa ibang bata dun kung pipili lang sila.
Nagsisimula na ang party ng dumating sila, masayang nanonood ng magic show ang mga bata, may mga pa games pa at madaming pagkain.
Her parents made sure that the kids are well taken care off, marami na sa mga batang galing dun ang naampon na at mayroon ng bagong pamilya.
Nang mapansin ng mga bata ang pagdating nila ay agad na nagsitayuan ang mga ito at bumati sa kanila.
Tuwang tuwa ang mga magulang nya lalo na sa mga hinandang special prod number ng mga bata. They sing, dance and doing drama scenes.
Pagkatapos ng program ay binigay na nila ang mga hinandang regalo para sa mga bata at nagpicturan pa bago sila nakauwi.
****************************
"HI Jia." masayang bati sa kanya ni Bria ng ilapag ang order nya na frapp.
"Hi, bat ikaw pa naghatid nyan, tinawag no nalang sana ako, lagi nyong hinahatid ang order ko, e self-service naman dito."
"Ok lang yun. VIP ka naman dito eh."
"Nakakahiya, baka gayahin ako ng iba."
"Haha! Huwag na silang umasa."
"Thanks."
"Sya nga pala, pwede ba humingi ng favor?"
"Let me hear it first, kung kaya ko naman, no problem."
"Yiiieee! Ang bait mo talaga, sana sister nalang kita. Close na naman tayo diba?"
"Mabait ka din naman, tsaka oo naman close na tayo. Ayaw mo ba?"
"Syempre gustong gusto ko. Ikaw pa ba. Aahhh, tungkol nga pala sa favor, pwede ba kong umorder nung carrot cake na ginawa mo dati, ang sarap kasi nun at nagustuhan ng parents ko. Triny ko naman na gayahin pero iba talaga yung gawa mo. Dadahin ko sana para sa anniv ng parents ko, may family lunch kasi kami."
"Yun lang ba, sure, ok na ok sakin, tsaka ano ka ba, huwag mo ng bayaran, gift ko nalang yun sa parents mo."
"Talaga? Nakakahiya naman."
"It’s okey, really."
"Thank you so much. Alam mo bang lahat ng binibigay mo na pagkain sakin inuuwi ko at shini share ko sa kanila. Gustong gusto nga nila lahat eh, ang sarap daw."
"Masaya akong malaman na nagustuhan nila. Kelan mo ba kailangan."
"This coming saturday sana."
"Sige, bigay mo nalang sakin ang address nyo para ipadala ko nalang."
"O kaya, ipa kuha ko nalang sa driver namin?"
"Sige, bahala na kung ano mas convinient."
"Yey! Thank you so much." Masayang saad nito sabay yakap sa kanya.
"You’re welcome."
"Sya nga pala, okey lang ba kung magtanong ako ng personal?"
"Sige, ano ba yun?" Natatawa niyang saad dito.
"May boyfriend ka na ba?"
"Wala pa. No boyfriend since birth."
"Ows?" gulat na saad nito.
"Yeah!"
"Parehas pala tayo."
"Really?"
"Yeah, mahigpit kasi ang kuya ko."
"Bat mo nga pala naitanong?"
"Gusto mo bang makipag blind date?"
"Naku, hindi ako mahilig sa ganyan. Natatakot ako eh."
"Sayang naman, Nandito na kasi ang kuya ko galing US, Sa tingin ko bagay kayo, di ka naman lugi dun kasi gwapo yun, yun nga lang medyo bugnutin pero di ka naman maghihirap kasi mayaman yun sa dami ng business."
"Haha! Alam ba ng kuya mo na sini set mo sya sa blind date?"
"Hindi, pero kasi matanda na sya, wala pa syang pinapakilala sa bahay na babae, naiinip na sila mom and dad na mag asawa na sya, lalo naman ako, para maging busy na sya sa iba at di na ako lagi ang binabantayan nya. sobra na nga sya sa marrying age, yung mga girls naman na naiisue sa kanya di namin gusto, pero ikaw, sure akong botong boto sayo ang parents namin."
"Sira, baka wala pa talaga sa plano ng kuya mo. Malay mo naman may girlfriend na yun di mo lang alam."
"Hmp! Ewan ko dun. Kung ako papipiliin, ikaw ang best para sa kuya ko, maganda, mabait, magaling mag luto at siguradong magugustuhan nila mom and dad."
"Ang tanong magugustuhan ba ko ng kuya mo?"
Tinitigan sya nitong maigi bago nagsalita.
"Oo naman. Sure na sure ako."
"Hahaha!!! Binobola mo naman ako. Pero hindi talaga ako pwede."
"May nanliligaw ba sayo ngayon?"
"Wala naman. Actually, hindi ko pa nga na try ang makipag date. Yung aayain ka in a romantic dinner o kahit stroll lang."
"What! Seriously?"
"Oo nga."
"Sa ganda mong yan wala bang nagkaka gusto sayo? Mga bulag ba ang mga lalaki?"
"Meron namang nagpaparamdam, i mean for me kasi ang ligaw is when the guy goes to your house to introduce his self to your family, hindi yung sabi lang pero di naman ginagawa. Medyo strict kasi ang parents ko. May mga nag iinvite naman sakin ng date kaya lang hindi ko naman feel."
"Parehas pala tayo. Ganun din ang parents ko, pero mas grabe ang kuya ko. Kaya nga gusto kong mag asawa na sya para di na ako yung lagi nyang binabantayan."
"Atleast may kapatid ka. Ang lungkot kaya maging only child."
"Sabagay. Kahit ganun ang kuya ko, alam ko naman na mahal na mahal nya ko at mahal na mahal ko din naman sya kahit his annoying sometimes."
"I envy you."
"May nagugustuhan ka na ba?"
"Yes, as in super gustong gusto, kaya lang di naman ako gusto, di nga ako kilala eh."
"Huh? Ang gulo nun, one sided feeling?"
"Parang ganun."
"His loss!"
"Ganun talaga, hindi lahat ng gusto natin, gusto din tayo."
"Sabagay. Tama ka dyan."
"Ganun ka din ba?"
"Medyo."
"What I know is, kahit anong mangyari may nakalaan talaga satin kahit ano pa mangyari."
"Yeah right. Sana nga lang yun din yung gusto natin............ Basta ah, pag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. Good catch ang kuya ko."
"Huwag kang mag alala, tatandaan ko yan."
"Sure, yan ah."
"Oo." natatawang sagot ni Jia.
"Thanks, alam mo ba na ikaw lang ang tinuturing kong bestfriend. Wala naman kasi akong mga kaibigan. I mean mga super close friends, nagkamali na kasi ako dati kaya medyo naging aloof na ko."
Nagsimula silang maging close ng umuwi sya galing sa US, Madalas kasi ay pumupunta sya sa office ng daddy nya para dalhan ito ng pagkain. Agad na nagustuhan nya ang ambience ng cafe nito ng una syang pumasok sa cafe na pag aari nito na nasa malapit lang ng building nila. Ito kasi ang nag take ng orders nya. Shes very pretty with a beautiful smile. Simula nun ay lagi na syang tumatambay dun habang hinihintay ang mommy at daddy nya na nagtatrabaho lang sa malapit. Lumapit ito sa kanya at nagpa kilala. she’s very friendly and witty. Madalas na pag andun sya ay nakikipag kwentuhan ito sa kanya.
"Thanks, masaya akong malaman yan, ganun ka din naman sakin, wala din naman ako masyadong mga kaibigan maliban sa pinsan ko at sa best friend nito. If you like, i will introduce you to them, para apat na tayong magkakaibigan?"
"Sure! I like that."
"Sasabihan nalang kita kung kelan yun."
"I’m excited na to have new friends."
"Naku, huwag kang masyadong umasa sa dalawang yun, mga baliw yun."
"Hahahaha! Still im looking forward meeting them."
"O sya, sa susunod na ulit tayo mag chikahan, aalis na ko, may trabaho pa ko at ikaw din. Boss ka pa naman dito."
"Hahahaha! Okey. Enjoy your day."
"You too."