Chapter 22 … Anika POV "Nakapagpasya ka na ba?" tanong ni Eliot na siyang kararating lang. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni Daniel na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising magmula kahapon. Kailangan na talaga nito ng heart transplant pero mahirap para sa akin dahil natatakot ako sa maaaring mangyari, malay mo magfail ang operasyon. Nawala na nga si Mommy ay mawawala pa si Daniel. Alam kong hindi naging mabuting Ama si Daniel pero paniguradong malulungkot si Mommy kapag may masamang nangyari kay Daniel. "Hindi ko alam ang gagawin ko Eliot, napakahirap magdesisyon, malay mo may masamang mangyari sa gitna ng operasyon," pag-amin ko at wala sa sariling napayuko na lang. Hindi naman ganoon kalakihan ang kasalanang nagawa ko pero bakit pakiramdam ko ay napakalaki dahil pinapahirapa

