Chapter 23 … @Lady_ROXIE23✍ *** After 11 years… 3rd Person POV Nagdaan ang labing-isang taon at napakaraming nag-bago sa buhay nila Anika at Rafael. Napakabilis din ng panahon para sa dalawa. Sa labing isang taon na iyon ay hindi na muling nagtagpo ang landas nilang dalawa. Naging isang sikat na doctor si Anika na siyang pangarap ng Ina ni anika para sa kaniya habang namana naman ni Rafael ang kumpanya ng Tatay niya na siyang palago ng palago ngayon. Nakikilala na rin ang pangalan ng mga Ariano sa larangan ng business world dahil sa pagsisikap at pagtitiyaga ni Rafael pero parang hindi sapat kay Rafael ang magpatakbo lang ng kumpanya dahil nagtuturo pa rin siya sa paaralan ng San Juan, kung saan siya nag-aral noong siya ay Senior pa. Natupad din ang pangarap ni Kate na maging sila

