Teacher's Enemy @Lady_ROXIE23✍ Chapter 27 ... Anika's POV Pagdating ko sa coffee shop na pagkikitaan namin ng Kaibigan ng Unggoy at mukhang napaaga ata ako dahil wala pa sila. Umupo na muna ako sa bakanteng mesa para maghintay. Tinignan ko ang orasan sa bisig ko at nalaman kong maaga pala ako ng thirty minutes sa kanila pero ayos na 'yun kaysa malate ako tulad ng dati na lagi akong late. At sinasabi ko sa inyo na hindi magandang ugali ang pagiging late. Habang naghihintay ako sa taong kikitain ko ay umorder muna ako ng hot chocolate na siyang isa sa mga naging paborito ko habang nasa ibang bansa ako, basta may chocolate, paborito ko. Lumipas ang ilang minuto nang dumating si Lucas. "Ang aga mo," sabi nito pero hindi ko siya pinansin at inirapan lang siya, pinagpatuloy ko ang paun

