Teacher's Enemy @Lady_ROXIE23✍ Chapter 28 … "Hindi pa po ba bumababa si Rafael?" tanong ni Kate sa Ina ni Rafael pagkababa niya galing sa kanyang kwarto. Nagtataka siya dahil wala sa mesa si Rafael, nauuna kasi itong nagigising kaysa sa kanya, kadalasan pagbaba niya ay naaabutan pa niya itong nag-aalmusal kaya nagtataka siya kung bakit wala si Rafael ngayon. Hindi naman maaaring pumasok na ito dahil masyado pang maaga para pumasok ito sa trabaho. "Hindi pa bumababa Kate, tawagin mo na nga at malalate na 'yun." Utos ng Ina ni Rafael na si Melinda kaya agad siyang tumalima. "Sige po Ma," aniya. Agad siyang tumayo at muling umakyat ng pangalawang palapag at nagtungo sa kwarto ng kanyang nobyo. Pagpasok niya sa loob ay nagulat siya nang hanggang ngayon ay tulog pa rin ang Binata, ito

