Teacher’s Enemy @Lady_ROXIE23✍ Chapter 29 ... Anika POV “Anika, busy ka ba?” tanong ni Liam. Dahilan para matigil ako sa pagkain habang nagpatuloy lang sa pagkain si Rina. “Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Balak kasi namin ni Rina na pumunta mamayang gabi sa bar kaya baka pwede kang sumama,” sabi niya. Tsk kakabar lang namin n’ung nakaraan ah. “May duty ako mamayang gabi, hindi ako pwede,” sabi ko. Muli akong nagpatuloy sa naudlot kong pagkain. Kasalukuyang breaktime naming tatlo dahilan para magsabay-sabay kaming kumain. “Sayang, itong gabi dapat ang first bounding nating tatlo,” may panghihinayang na sabi ni Liam. “Kagagaling lang natin sa bar noong nakaraan ah,” aniya ko. Napanguso naman ang Bakla. “Noong nakaraan pa ‘yun, iba ang noon sa ngayon,” aniya. Napaira

