Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 39 … Anika POV "Pwede bang umalis ka na lang?" tanong ko nang isang araw ay magpaalam siyang aalis at may aasikasuhin lang sa kumpanya nila. "Malay mo hanapin mo ako," nakangusong sabi niya. "May pupuntahan din naman ako kaya okay lang kung umalis ka." Nagkibit balikat ako pagkatapos kong sumagot. "Feeling ka kamo," sabi ko naman. "Eto na aalis na, mag-iingat ka dahil ako mag-iingat ako para hindi ako mawala sayo," sabi niya. Bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko pero hindi ko pinansin 'yun at tumango na lang sa kanya. Pagkatapos niyang umalis ay saka ako naghanda sa pag-alis ko. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula noong halos tumira na si Rafael sa maliit kong bahay at hindi ko alam kung paano namin napagkakasya ang mga sarili nami

