Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 38 … Anika POV "Anika." May isang malambing na tinig akong naririnig at marahang hinahaplos ang mga hibla ng buhok ko. Gusto ko ang pakiramdam na 'yun kaya tinagilid ko pa ang ulo ko para mapalawak ang gagalawan nito. "Uhhm?" ani ko naman at walang ideya kung bakit may gumigising sa akin. "Anika, gumising ka na," sabi na naman ng isang malambing na boses at doon ko lang narealize na may ibang tao sa loob ng kwarto ko. Agad akong napabalikwas pero pinagsisihan ko 'yun dahil muli na namang kumirot ang likod ko. Napangiwi na lang ako. "Anika, bakit ka tumayo?" nag-aalalang sabi ng isang pamilyar na boses. Agad akong lumingon sa kanya at hindi nga ako nagkamaling nandito siya. "Bakit nandito ka pa? Akala ko ba ay uuwi ka?" tanong ko. Dahil mula

