Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 37 "Kailangan mo pa ba talaga akong ihatid?" tanong ko kay Liam. Pwede na akong makauwi galing sa hospital at kasalukuyan akong nakaupo sa wheelchair at siya ang nagtutulak mula sa likod ko. "Alangan, kita mong may benda pa 'yang ulo mo e, malamang masakit pa rin hanggang ngayon ang likod mo kahit hindi mo sabihin," sabi ni Liam. "Meron naman kasi akong bodyguard, pwede niya akong alalayan 'yan," ani ko naman. "Heh! Magtigil ka nga diyan, heto na ako't lahat, naghahanap ka pa ng iba," mataray na sabi nito pero tinawanan ko lang siya. Hininto nito ang wheelchair na sinasakyan ko nung tumapat na kami sa kotse ko. "Kaya mo ba?" tanong nito. Habang inaalalayan niya akong tumayo, tumango naman ako at unti-unting tumayo mula sa wheelchair. Napapangiw

