Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 36 Third Person Pov~ Ano bang nagawang kasalanan ni Anika sayo Rina? At nagawa mo ang bagay na 'yun?! Ano ka ba killer?" anas ni Liam kay Rina. Nakayuko si Rina sa kanyang harapan. "Masyado kasi siyang malandi." At parang gustong pumutok ng mga ugat niya sa narinig niyang pahayag mula kay Rina. "Ano kamo?! Malandi? Ano ba ang pinagsasabi mo Rina? Kaibigan natin si Anika at wala siyang masamang ginagawa sa atin kaya ano ang pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yun kay Anika?" hindi makapaniwalang sabi ni Liam habang nanatiling seryoso lang si Rina na akala mo'y walang ginawang kasalanan. Para itong hindi guilty sa ginawa nito at sinabi laban kay Anika. "Oo, tama naman ako diba? Malandi siya, alam mo bang may inaahas syang Lalaki ngayon? Kaya sabih

