Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Chapter 35.1 Third Person Pov~ Dalawang araw na ang lumipas nang malaman ni Rafael ang gaganaping engagement party nila Anika at ng Pinsan ni Rafael na si Blue Ariano. "Sweetie? Tara kakain na tayo." Kumatok si Melinda sa pinto ng kwarto ng kanyang Anak. Walang sumagot kaya napabuntong hininga siya, dalawang araw nang nagkukulong si Rafael sa kwarto nito kaya nag-aalala siyang baka may kung ano nang nangyayari sa Anak niya. Pinasok niya ang susi sa door knob ng pinto ng kwarto ni Rafael at pumasok sa loob matapos niya iyong pihitin papasok. "Sweetie?" tawag niya kay Rafael. Natagpuan niya ang Anak sa lapag ng paanan ng kama nito at doon nakaupo si Rafael, nakasubsob ito sa sariling tuhod nito. "Sweetie, tara na dali at kakain na tayo, alam mo bang

