Teacher's Enemy Lasy_ROXIE23 Chapter 45 … Anika's POV "Wala naman, may hinahanap lang na tao si Kate," sabi ni Chloe. Tumaas ang kilay ko sa kanilang dalawa. "Tao? Akala ko ba ay may sasabihin kang personal sa akin?" tanong ko ayon sa sinabi ng guwardiya sa akin. "Alam mo kung sino ang tinutukoy namin Anika," sabi ni Kate. "Bakit niyo sa akin hinahanap ang taong hindi ko naman alam kung sino? Sino ba ang taong iyon saka uunahan ko na kayo kung dito niyo mismo hinahanap ang taong 'yun na kahit pangalan man lang ay hindi ko alam," sabi niya. At diretsong nakatingin kay Kate para hindi naman niya masabing nagsisinungaling ako. "Sinungaling," matalim ang matang sabi niya. "Kung gusto mong makasigurado ay maaari mo namang tingnan ang loob ng bahay na ito." Paghahamon ko sa kanya kahit

