Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Chapter 46 … "Aalis ka?" tanong ni Rafael. Noong makita niyang nakabihis ako lalo ko pang pinamukha na aalis ako nang magsuot ako ng sling bag na bagay naman sa kulay ng damit na suot ko. "Oo," seryosong sabi ko dahil sa oras na ito ay kailangan kong magseryoso. "Ihatid na kita," aniya. Umiling agad ako sa kanya dahil baka makita pa kami ni Kate na magkasama. Hanggang maaari ay ayokong makita ni Kate na magkasama kami ni Rafael dahil mapupurnada ang plano namin. "May susundo sa akin." Tukoy ko kay Blue. "Sige ihatid na lang kita sa gate," aniya. Napabuntong hininga ako at pumayag na lamang. "Sige, hanggang gate ka lang okay?" Nagliwanag ang mukha nya at agad na tumango-tango. "Good." Nagthumbs up ako sa kanya. Nilagay ko lang ang importanteng gam

