Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Chapter 47 ...… Anika POV Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay sumalubong agad ang matalim na mata ni Rafael. Hindi ko muna siya pinansin at dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Paglabas ko naman ay naabutan kong nakaupo si Rafael sa kama at nakasandal sa headboard. Nagsuklay ako pagkatapos ay naupo ako sa paanan ng kama. "Explain." Ang unang salita na lumabas sa labi niya. "Anong explain?" "Bakit siya ang kasama mo kanina?" seryosong tanong niya. "May pinuntahan nga kami," sabi ko naman. "Saan kayo pumunta?" "Bridal boutique shop." Pag-amin ko. "Bridal boutique shop? Really?" tila hindi makapaniwalang sabi niya. Napasabunot pa siya ng buhok. Iyan pa lang ang nasasabi ko sa kanya pero ganyan na ang reaksyon niya, paano pa kaya kung sabihin

