Chapter Ten Sumapit ang araw ng lunes at maaari na siyang pumasok sa school. Nakahinga na siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangang maglihim sa kanyang pinakamamahal na Ina. "Sweetie ihahatid kita sa school at susunduin kita mamaya okay? Ayoko nang mangyari na naman ang nangyari sa'yo noong nakaraan," ani ng kanyang Ina at may bahid ng pag-alala. "Pero—" "Wala nang pero-pero Rafael Ariano, gusto mo bang maospital ka na naman at hindi na makapasok? And this time, malamang baka hindi ka na buhayin. Gusto mo 'yun?" Napabuntong hininga na lang siya, kailan ba siya nanalo sa kanyang Ina? Ayaw niyang mahirapan ito sa pagpapalaki sa kanya dahil ayaw niyang balang araw ay bigla na lang siya nitong pagsawaan. "Opo," aniya. Tinapos nila ang pagkain nila at nag-toothbrush muna ang mag-in

