Chapter 11 … Anika POV "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Rafael. "Magkaklase tayo," ani nito. "Nasaan si Chloe?" takang tanong ko noong wala akong makitang Chloe na kahit anino ay wala. "Pinatawag ni Sir Blue," sabi nito. Tumango ako at tumingin sa harapan, nagsisimula na palang magdisscuss ang Teacher namin. Hanggang sa pinakuha kami ng papel pero wala ako niyon dahil ngayon lang naman ako pumasok sa klaseng ito. Bumaling ako kay Rafael noong makita kong ang kapal ng papel niya. "Pahingi, wala ako niyan," sabi ko. Binigyan naman niya ako pero wala akong ipinangsusulat kaya tumingin ako sa kanya. "Ballpen?" Binigyan naman niya ako. Tumango lang ako at nagsagot na. "Ms. Agustine, thank you very much for your cooperation," ani ng kasalukuyang teacher namin. Kinuha ko ang p

