Chapter 19 … Anika POV Kumuha na lang ng plato si Rafael at naupo sa mesa. "Good," aniya ko. Nagsandok na ako ng pagkain. Tahimik ang naging pagkain namin dahil wala naman kaming pag-uusapan na interesante. "H-hindi ba natin huhugasan ang mga plato?" tanong nito. Nang inaya ko na siyang bumababa, mag-aalas otso na kasi ng umaga, oras ng aming pagpasok. "Hindi na, hayaan mo na 'yan," aniya ko. At nauna na akong lumabas at tinanaw ang mga Estudyanteng nagsisipasukan sa kani-kanilang building. Kalaunan ay lumabas na si Rafael at doon ko lang narealize na naiwan ko pala ang bag ko na dala niya. Kinuha ko ang bag ko sa kanya. "Buti na lang kinuha mo," aniya ko. Bumaba na kami at pumasok na sa klase namin. "H-hndi ba p-papasok si Chloe?" tanong ni Rafael. Nang makaupo na kami, akal

