Chapter 20 … 3rd POV Walang pasok ngayon sa opisina dahil naglunsad ang kanyang Amo ng day off para sa ilang empleyado at isa na nga si Melinda ang nakasama sa day off. Naabala sa paghuhugas ng pinggan si Melinda noong narinig niyang tumunog ang doorbell nila. Hinugasan niya ang kanyang kamay at pinunasan ng tuyong damit bago iwan ang kanyang ginagawa. Nagmadali na siya noong ilang ulit pang tumunog ang doorbell. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Kate ngunit sa unang pagkakataon ay may kasama itong lalaki pero parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. "Kate, ikaw pala," aniya habang nakangiti. "Akala ko po walang tao," sabi ni Kate. "Halika at pumasok kayo, mabuti nalang at may nailuto ako," aniya. Pumasok naman ang dalaga kasama ang lalaking mukhang matanda sa kan

