CHAPTER ONE
3rd Person POV
"Sino ang babaeng 'yan?"
"I don't know."
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre bagong basura! Ang tanga niyo talaga."
"Eww! Tama ka diyan, tignan mo siya! Ang pangit niya!"
"Gross!"
Rinig na rinig mo ang bulungan sa bawat sulok ng hallway habang siya ay naglalakad, maraming nakatingin sa kanya, ganito ba talaga ang tamang pagsalubong sa mga bagong estudyante?
Hindi niya napigilan na mapairap sa hangin, kung pangit ang ugali niya ay sa tingin niya ay mas pangit pa ang mga ugali ng mga estudyanteng ito.
Sa tingin niya din ay bibigyan niya ng mabuting leksyon ang mga nasa paligid niya dahil sa masasamang ugali na mayroon ang mga ito.
Ang plano pa naman ay iba pero mukhang maiiba dahil sa masayang pagsalubong nila sa kanya.
Hindi na tuloy siya mapakali, excited na siya, ano kaya ang pwede niyang gawin?
Nasa gitna na siya ng paaralan noong makita niya ang mapa, nagkaroon siya ng ideya na libutin na muna ang buong school ng San Juan bago siya pumasok sa klase since hindi pa niya kabisado ang kabuuan niyon.
Ang pangunahing pinili niyang alamin ay ang cafeteria dahil malamang na maghahanap siya ng makakain kapag nagutom siya at sakto namang hindi pa siya kumakain ng umagahan.
Paano ba naman ay nandoon ang magaling niyang ama. Siya na ang humahanap ng paraan para umiwas kapag alam niyang parating ito, kung ano-ano nalang kasi ang napupuna kaya hindi nila tuloy maiwasan na mag-away. Kung mag-away pa naman sila ay para silang entablado at may labanan na nagaganap.
Masama daw ang pagsagot ng anak sa ama pero kahit na sino ay hindi matatanggap ang ginawa ng ama niya.
Baka nga grabe pa ang gawin ng anak sa kanyang ama kung ibang tao ang makakaranas ng dinanas niya sa kanyang ama.
Hindi na rin siya nahirapan pang hanapin ang cafeteria dahil bawat hallway ay may karatula na nakapaskil.
Agad siyang bumili ng orange juice at isang tuna sandwich, buti naman at nandoon ang paborito niyang pagkain.
Naupo siya sa pinakamalapit na mesa sa entrada para madali siyang makakalabas pagkatapos niyang kumain, napalaki din kasi ng cafeteria, akala mong basketball court sa laki,
Maayos naman siyang kumain na mag-isa, not until.
May isang babaeng lumapit sa mesa niya, umarko ang kilay niya noong mapansin ito.
"Maaari ba akong maki-share ng lamesa?" tanong sa kanya nito.
Huli na din ang lahat para pumayag pa siya dahil nakalapag na ang tray nito sa lamesa niya, hindi na lang siya kumibo.
Ang mahalaga ay makakain siya, ito na ang bahala kung matagalan nito ang katahimikan niya, hindi siya iyong tipong palakaibigan kaya madalang kung siya ay magsalita kapag hindi kilala ang kinakausap.
"Anong pangalan mo?" tanong ng babae.
Napatigil siya sa pagnguya ng pagkain pero hindi naman siya sumagot, kahit nga tignan ito ay kinatamaran niya pa.
"Bago ka lang dito sa San Juan hindi ba?"
Gusto niyang sumagot sa pamamagitan ng pamimilosopo pero hindi na din niya ginawa, masasayang lang ang laway niya, lalo na at hindi naman ito worth-it pagkaabalahan pa.
Ganoon lamang siya hanggang matapos siya sa kanyang binili pero hindi niya alam kung saan ba humuhugot ng lakas ang babae at panay ang salita kahit na hindi siya sumagot, hindi ba nito nararamdaman na wala siyang pakialam sa kung ano man ang sinasabi nito? Alam din naman siguro nito ang salitang silence? Edukada ito at nakatungtong ng high-school, sa panahon ngayon ay kahit na sino ay alam 'yon.
Tumayo siya ng tahimik noong maubos ang juice niya, hindi niya din alam ang salitang self-service at hinayaan lang sa lamesa ang kalat niya, ang katwiran niya pa ay nandito siya para matuto ng kaalaman, hindi kasama doon ang paglilinis ng sariling kalat.
"Hey! Teka lang naman!" sigaw ng madaldal na babae.
Partida ay halos tumakbo na ito habang inaayos ang bag nito. Mas mahaba ang biyas ni Anika kaya noong binilisan niya pa ang paglalakad ay hindi na nito nasabayan ang dalaga.
Nagpunta na lamang siya sa unang klase niya kahit na late na siya, sino ba siya? Edi si Anika, ang dakilang bulakbol, hindi na niya mabilang kung ilang paaralan na ang gustong patalsikin siya pero dahil may pera ay hindi siya kayang patalsikin, siya na lang din ang lumilipat dahil sa naboboringan siya sa mga school na pinasukan niya noon.
On the other side
"Let's separate Melinda! I'm getting tired of this relationship!"
Mula sa kwarto ni Rafael ay maririnig mo ang sigawan ng mga magulang ni Rafael sa ibaba.
Wala sa sariling napayuko ang binatang si Rafael sa kanyang sariling tuhod, kumuyom ng kusa ang mga kamao niya noong makarinig ng panibagong salita mula sa mga magulang.
"You are not the only one who Is tired, hayaan mo at ako na ang magfi-file ng annulment para matapos na!" Narinig niya ang kanyang ina.
Napatakip siya sa kanyang tainga gamit ang kanyang mga kamay.
Sa mga panahon na dumaan habang siya ay lumalaki ay hindi niya alam na may kakaibang init na pala ang namamagitan sa mga magulang niya. Hindi man lang niya namalayan na may away na pala sa pagitan ng pareho niyang magulang, inaakala niyang napaka perpekto ng kanyang mga magulang dahil iyon ang ipinakikita nila sa kanya.
Nag-aaway naman ang mga ito pero ngayon niya lang nasaksihan ang ganitong away sa pagitan ng dalawa.
Narinig niya ang bawat kalabog sa baba ng kanyang kwarto, iba't ibang ingay ang maririnig mo, sigawan, kalabugan at kung ano pa, hindi sapat ang mga kamay niya bilang pangtakip sa dalawa niyang tainga. Walang takas at pilit na sinasalubong ng kanyang tainga ang mga ingay na parang sadyang pinaririnig iyon sa kanya.
Habang tumatagal ay papalapit ng papalapit ang mga magulang niyang nag-aaway sa lugar niya.
"Sa akin ang anak ko Melinda, wala siyang magandang kinabukasan sayo!"
"No! Sa akin si Rafael! Hindi man ako kasing yaman niyo ay kaya ko namang buhayin ang anak ko ng mag-isa!"
"Wag kang hibang! Sa akin sasama si Rafael!"
"Hindi! Sa akin siya, umabot man sa korte alam kong sa akin sasama si Rafael. Tumabi ka diyan!" tumatangis na sambit ng kanyang Ina.
Hindi na niya mapigilan at lakas loob na tumayo, ayaw na niya. Kahit hindi nila sabihin sa kaniya ay alam niyang may malaking mali talaga.
Pinunasan niya ang kanyang luha at kahit nanginginig ang mga kamay ay pinalakas niya ang kaniyang loob at binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto.
Nagulantang siya noong masaksihan niya kung paano sampalin ng malakas ng kanyang ama ang ina niya. "Tumigil ka!" Ang ama.
Dahil bilang babae laban sa lalaki ay natumba ang kanyang ina.
Hindi niya napigilan ang sarili at natagpuan na lamang niya ang sariling sinuntok ang Daddy niya.
"Rafael!" gulantang na bulalas ng mommy niya.
Humahangos siyang lumapit sa ina at agad itong niyakap patagilid, pinoprotektahan sa pwede pang gawin ng kanyang ama.
"Are you okay mommy?" puno ng pag-aalang tanong niya.
Wala itong sinabi pero kinuha nito ang pisngi niya at bigla na lamang lumuha.
"Wala kang respeto na bata ka! Iyan ba ang itinuturo ng mommy mo sa'yo?!" Galit na galit ang kanyang ama na parang aatakihin pa pero para siyang taingang kawali at namalayan na masama na pala ang tingin niya dito.
Paano nitong nagagawang saktan ang kanyang pinakamamahal na ina? Akala niya ba mahal nito ang mommy niya pero kasinungalingan lang pala iyon dahil hindi pala.
"Tumigil ka na Arnado!"
Umiiyak na sigaw ng kanyang ina habang pinipigilan naman niya ang kaniyang ina na kumakawala mula sa kanyang bisig.
"Ito ang pakatandaan mo Rafael! Kapag sumama ka diyan sa ina mo, sumusumpa akong wala kang matatanggap mula sa akin ni singkong duling!"
Nagngangalit na duro nito sa kaniya dahilan para mapasikip ang yakap niya sa inang si Melinda.
Sumikip din ang dibdib niya. Hindi dahil sa wala siyang makukuhang mana, kung hindi alam niyang maghihiwalay na ang mga magulang niya.
Padabog na umalis ang kaniyang ama, naramdaman siguro nitong hindi siya sasama rito.
"Why did you do that Rafael? Hindi mo dapat ginawa 'yun." Parang nanghihina ang kanyang ina, buti na lang nakasuporta siya.
Kasabay din siya sa ginawa nitong pag-upo sa sahig.
"Pero sinaktan ka po niya." may hinanakit na wika niya, kita niya ang gulantang sa mga mata nito.
"Kahit na anak. Kahit na anong gawin niya sa atin ay hindi dapat nawawala ang respeto mo sa kanya." Umiiling ito habang patuloy pa rin ang pagtangis.
Para siyang pinapatay dahil sa mga luhang tumutulo mula sa mga mata nito.
Mula ngayon ipinangako niyang a-alagaan ito at protektahan sa abot ng kanyang makakaya.
Hindi na niya hahayaan pang may manakit pa sa kanyang ina kahit na siya mismo.
Ilang buwan ang nakalipas ay nakahanap ang kanyang ina sa maynila ng pwede nilang tirhan, napag-usapan nilang dalawa na titigil muna siya sa pag-aaral ngunit sa taong iyon lang, susubukan muna na nilang mag-adjust sa maynila hanggang sa makaya na nilang mamuhay sa maynila.
Hindi din naman sa kanya kawalan iyon, ang mahalaga ay wala nang mananakit sa kanyang ina, hindi man niya alam ang pinagmulan ng away ng kanyang mga magulang ay mananatili niyang pro-protektahan ang kanyang ina.
Tinignan na muna niya ang kanyang sarili sa salamin bago nagtungo sa kusina, lumabo na ang kanyang mata kaya kailangan na din niyang magsalamin, agad silang nagpagawa noong nakaraan.
Nahihiya nga siya sa kanyang ina dahil naging pabigat pa ang paglabo ng kanyang mata, ayon dito ay talagang lahi daw iyon ng kanyang ama.
"Good morning sweetie." Malambing siyang sinalubong ng ina.
Ngumiti siya. "Good morning mom."
"Ano po ang almusal natin?"
"May champorado akong ginawa, pakilagay nga ito doon."
Kinuha niya ang inutos ng kanyang ina pero bumalik din sa lababo para magprisintang kumuha ng mga pinggan.
Isinalansan niya iyon ng maayos, ng sa palagay niya nang maayos na ang pagkakaayos niyon ay binalingan naman niya ang gatas sa ref.
"Salamat, tara na at kumain." Dumulog na silang mag-ina, dahil wala pang masyadong ipon ang ina ay maliit lang ang lamesa nila, malayong-malayo sa kinalakihan niya pero ayos lang iyon.
Habang kumakain ay bigla na lamang nagtanong si Melinda kung saan niya gustong mag-aral.
Bumuntong hininga siya at ngumiti, malapit na din pala ang pasukan. "Kung saan po tayo makakamura ay doon na lang po ako." Sumimsim siya ng gatas
Kung maaari nga ay doon siya sa public school mag-aral, wala namang sigurong magiging problema basta ang mahalaga ay makapag-aral siya.
"Kahit na tayo na lang dalawa ay hindi ko gustong ipagkait sa'yo ang karapatan mo, hahanap tayo ng magandang paaralan, makapag-aral ka lang ay maayos na ako."
"Pagbubutihan ko pong makapagtapos mommy at kung maaari akong kumuha ng scholarship ay gagawin ko para makatulong ako."
Napapangiti na lang ang kanyang ina. "Pagpasensyahan mo na ang mommy mo kung dinaranas mo ang ganitong buhay, hayaan mo kapag nakakuha na talaga ako ng magandang trabaho ay lilipat tayo sa mas magandang bahay."
Hindi na din siya sumagot at pinagpatuloy na ang pagkain, sa abot ng kanyang makakaya ay talagang kukuha siya ng scholarship.
...