"Good morning Mom!"
Nakangiting ani ni Rafael sa kaniyang Ina, wala pa siya sa kusina pero binati na niya ang Ina ng umagang iyon.
"Good morning Sweetie," nakangiting balik bati nang kaniyang Ina.
Hinangkan nito ang pisngi niya matapos niyang makalapit rito.
Dumulog siya sa hapag at ganu'n din ang kaniyang Ina.
"Are you exited?" tanong ni Melinda at tinutukoy ang pagpasok niya sa paaralan na agad naman niyang nakuha.
"Hindi naman po masyado," amin niya.
Hindi siya gaanong exited dahil wala naman siyang kilala roon, ni wala nga siyang kilala sa bago nilang lugar, sa skwelahan pa kaya ng SJNHS.
"Bakit naman? Hindi ka ba masaya sa napili kong school?" nag-aalalang tanong ng Ina kaya agad siyang naalarma.
Kilala niya ang Ina, gagawin nito ang lahat, basta sumaya lang siya.
"Ah, h-hindi po, wala po kasi akong kilala roon. Natural lang naman po iyon hindi po ba?"
Utal na salita niya pero kalaunan ay dumiretso na.
"Akala ko naman ay hindi mo nagustuhan." wika nito na animo'y napanatag na sa kaniyang sinambit.
Ngumiti na lamang siya at tinapos ang kaniyang agahan.
Matapos niyon ay agad na siyang nagpa-alam na gagayak na sa skwelahan.
"Pasok na po ako Mom," nakangiting sabi niya.
"Ay, oo nga pala baka malate ka na, unang araw mo pa naman. Ihatid na kita baka maligaw ka pa."
Pagpriprisinta nito pero agad siyang tumanggi dahil ayaw niya itong mapagod, stress na nga ito dahil sa annulment, papagurin pa ba niya?
"Hindi na po, mapapagod lang po kayo." nakangiting aniya.
At bago siya umalis ay humalik na muna siya sa pisngi nito.
"Sige, mag-iingat ka at maraming tarantado diyan," pagpapaalala nito na kalaunan ay pumayag na hindi siya ihatid.
Bisikleta ang gamit niya patungong school. Luma na iyon pero mapapakinabangan pa naman kahit papaano.
Nang makarating sa nasabing paaralan ay hindi siya makapaniwala nang makita ang kabuuan ng buong school.
Napakalaki pa niyon sa expectation niyang laki ng skwelahan.
Inayos niya ang magulong buhok at salamin sa mata, nang dahil sa pagbibisikleta niya.
Inayos niya rin ang uniporme niya na kay laki sa kaniya pero ayos lang dahil sanay nanaman siya sa ganoong ayos.
"ID mo Boy?"
Ang gwardiya matapos siyang harangin sa gate ng paaralan ng SJNHS.
"Ahm— transper po ako k-kukunin ko pa po ang I-ID ko." Utal na sabi niya dahil siguro hindi siya sanay na makipag-usap sa ibang tao.
Nanay niya lang din ang laging kausap niya.
"Oh, sige pasok, sa susunod kailangan may ID na, ah." Sambit nito at agad naman siyang tumango-tango bilang pagsang-ayon niya sa sinabi ng gwardiya sa kaniya.
Inilibot niya ang paningin sa buong paaralan, kung sa labas ay malaki at maganda na, iba naman dito sa loob.
Mas lalong pinalaki at pinaganda, manghang-mangha ang mga mata niya sa kabuuan ng school, ikwekwento niya ito sa Mommy niya pagkauwi.
Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mga estudyanteng nakatingin sa kaniya.
Nakita niya sa mga mata ng mga nito ang pangungutya at kung ano-ano pa dahilan para napayuko siya.
Bakit ba sila ganoon kung tumingin sa kaniya? Nagbuga siya ng buntong hininga at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
Wala siyang mapapala kung papansinin niya pa ang mga taong iyon saka wala siyang magagawa kung iyon ang tingin sa kaniya ng mga tao rito.
Dumiretso siya sa dean's office, nahirapan pa siya dahil noong una ay hindi niya napansin ang mga instructions na nakadikit noong una.
"Welcome to San Juan National High School Hijo, this is your schedule, about sa ID mo, sa isang araw mo pa siya makukuha dahil nagkaroon ng konting problema," litanya ng dean sa kaniya.
"M-maraming salamat po." Aniya at bahagyang yumuko bilang paggalang.
"Salamat sa pag-intindi Hijo," nakangiting wika nito.
"You may now go, baka ma-late ka pa sa unang klase mo."
Dagdag nito sa sinabi.
Nahihiya siyang tumango bago umalis sa opisina ng dean.
Tulad ng sabi nito ay nagtungo na siya sa unang klase niya, biology ang unang klase niya ayon sa schedule niya, sakto lang ang pagpasok niya sa classroom nila dahil kasunod lang niya ang teacher nila para sa biology.
"I think you are the new student," sabi ng dalagang teacher habang nakangiti pa.
Tumungo lang siya at hindi nagsalita at tulad sa labas ng classroom na ito ay kakaiba rin ang mga tingin ng mga kaklase niya.
"Introduced yourself." Tipid na sambit ng dalagang teacher. Tumango siya at nagtungo sa gitna ng klase.
Nahihiya man ay nilakasan niya ang kaniyang loob.
"Good morning everyone, I-im Rafael A-ariano." Pilit niyang wag mautal pero traydor ang dila niya at talagang nautal siya sa harap ng klase.
Kita niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mga taong nasa classroom, mas lalo pang nadagdagan ang judgement sa mga mata nito. Natatawa rin ang iba dahil sa pagkautal niya.
"And? Come on Rafael," nakangiti na sabi ng dalagang teacher sa kaniya.
Tumungo siya at dinagdagan pa ang sinabi.
"16 years old f-from Saint Katherine High School," sambit niya at kita sa kaniyang pinipilit niyang wag na mautal sa harap ng klase pero bigo siya dahil hindi sa kaniya pumapanig ang tadhana ngayon.
"Wala ka na bang sasabihin pa Rafael?" ang tanong nito at agad naman siyang umiling.
"Okay, I'm Ms. Julian you may now sit Rafael," pakilala ng teacher at nakangiti pa sa kaniya.
Hindi siya umimik at nakayuko lang na naupo sa dulo na kung saan ang maraming bakante.
Sinigurado niya ring wala siyang katabi pagkaupo, tinutok niya agad ang paningin sa harapan matapos ayusin ang bag niya at ilang sandali pa ay nagsimula na ang lecture nila.
Isang oras din ang inabot bago matapos Values class, ganoon din sa sumunod na dalawang subject, nagpakilala siya at nakinig sa lecture nila.
May nagpaquiz pang lecture noong nasa pangatlong subject na niya. At ang nakakagulat pa roon ay siya ang highest score sa lahat, kaya talagang hindi na siya nagtaka noong tingnan siya ng masama ng mga kaklase niya pagkalabas pa lang ng lecture nila.
Buti iyon lang, ayaw niyang lumabas ng kuwartong iyon na bugbog sarado, sino ba naman ang gusto hindi ba.
May isa pang subject na kailangan niya pang pasukan at lunch time na nila.
"So this is Rafael Ariano, your new classmate, inaasahan kong magiging mabait kayo sa kaniya and please no bullying," seryosong sambit ng lalaking lecture nila matapos niyang magpakilala sa harapan. Siguro nasa mid 20s ito.
Pero ito ang pinaka-mukhang matured sa lahat ng teacher.
"Yes Sir!"
Sang-ayon ng mga kaklase niya pero kahit ganoon hinding-hindi mawawala ang judgement sa mga mata nito kahit na sumang-ayon na ang mga ito sa 'no bullying' rule.
"Good," seryosong sabi nito.
"You may now sit Mr. Ariano." Sabi nito kaya tumango siya at dumiretso sa likod ng kuwartong iyon pero this time may katabi na siya dahil wala nang ibang bakante na wala siyang katabi.
Sakto lang sa mga estudyante ang bangko sa kwartong iyon.
"Psst."
Narinig niyang sambit sa kaniya ng katabing babae sa kalagitnaan ng pakikinig niya sa lecture.
"Psst Rafael!"
Sigaw subalit mahinang tawag sa kaniya nito ng hindi siya kumibo, sinamahan pa nito ng mahinang paniniko kaya naagaw na nito ang atensiyon niya mula sa lecture.
"B-bakit?"
Mahinang sambit niya at inayos ang salaming nawala sa pagkakaayos noong siniko siya ng katabing babae.
"Wala kang kasabay mamaya sa lunch diba? Pwede bang sabay tayo?" tanong nito, nilingon niya ito.
"H-hindi kita kilala."
Katwiran niya at kita naman ang pagkunot noo ng babae.
"Oo nga no, sorry haha."
Patawa nitong sambit habang napapakamot pa sa ulo.
"Call me Chloe."
Matamis ang ngiting sabi nito at naglahad ng kamay sa kaniya, pinunasan na muna niya ang kamay bago tinanggap ang kamay nito.
Baka may dumi sa kamay niya at maipasa niya iyon sa babae.
Sa tingin niya ay hindi na niya kailangang magpakilala pa dahil bukod sa nagpakilala na siya sa iba't-ibang room ay panigurado namang hindi lang dito niya naging kaklase ang dalaga saka tinawag na naman siya nito sa pangalan kanina.
"So ano? Sabay tayo? Wala kasi iyong isang Friend ko."
Nakasimangot na wika nito matapos sambitin ng kaibigan.
"Kilala mo na ako so wala nang dahilan para tumanggi ka."
Agap nito, wala siyang nagawa at tumango na lang.
Tumingin siyang muli sa harapan at agad siyang kinabahan ng masalubong ang masamang tingin ng kanilang lecture.
Nagpapalit-palit ito ng tingin sa kanila ng babaeng katabi na inosente namang tinitingnan ang lecture nila bago salubong ang kilay na bumalik sa discussion nito.
Para siyang nabunutan ng tinik dahil doon. Akala niya mapapagalitan siya dahil sa pakikipag-usap sa katabing babae.
Natapos ang subject.
“Tara na!”
Abot hanggang langit ang ngiting anyaya ng babaeng si Chloe sa kaniya. Tumayo na siya at kinuha ang bag niya at isinabit iyon sa balikat niya.
Sa canteen.
“Ako na ang m-mag-o-order.”
Pagpapaprisinta niya ng makahanap ng bakanteng mesa.
“Aww, ang gentleman mo naman Rafael.” Natutuwa na pagpuri sa kaniya ng babae at tumingin sa kung saan at nang sundan niya iyon ay ang teacher pala nila iyon sa huling sub nila bago ang lunch break, nag-iwas siya ng tingin ng masalubong na naman niya ang nakamamatay na tingin nito. Napalunok siya.
Ano ba ang problema ng teacher niyang iyon? Wala naman siyang ginawang masama hindi diba?
“Caldereta with one extra rice then juice na lang for drink.” Sabi nito habang kinakalikot ang wallet nito.
“Ako na rin ang magbabayad.” Buti at diretsong salita niya ng makitang naglalabas ng pera ang babae kahit na mas mukhang may laman pa ang wallet nito kesa sa kaniya, nakakahiya naman kung hindi niya ito ililibre.
Babae ito at lalaki siya na dapat na gumagastos kesa sa babae.
She looked at him with amusement.
“Ang bait mo naman, thank you,” nakangiting sabi nito sa kaniya.
Tumango lang siya at lumakad na patungong counter para umorder. Inorder niya ang sinabi ni Chloe habang inihaw na manok with chapsuy at juice naman para sa inumin niya.
“430 ang pesos lahat.”
Ang tindera sa canteen 'yon kaya literal na nalaglag ang panga niya, kaya pala ang laki ng pinabaon ng Mommy niya sa kaniya kanina dahil mahal pala ang paninda sa loob ng SJNHS.
Nanginginig ang kamay niyang inabot ang 500 pesos sa tindera na agad naman nitong tinanggap, sinuklian siya nito ng 70 pesos. Agad niyang kinuha ang tray at bumalik na sa upuan kanina.
“Are you okay Rafael?”
Nag-aalalang tanong ni Chloe na napansin ata ang panginginig niya kaya agad siyang umiling bilang pagtanggi.
“A-ayos lang ako.”
Sabi niya at mas minabuting wag nang idaldal kung gaano kamahal ang paninda sa counter.
Sisimutin talaga niya ang pagkain sa pinggan dahil ang mahal mahal niyon, doble ata ang presyo nito sa karaniwang paninda sa karinderya tapos ang konti pa ng serving, paano pa siya mabubusog nito?
Eh, sa karinderya ngang madalas niyang kinakainan, madami na ang mabibili mo sa isang daan, sa halos five hundred pesos pa kayang ibinayad niya sa counter?
Lihim siyang napabuntong hininga.
“So bakit ka lumipat dito?” Ang tanong ni Chloe habang kumakain sila.
“Ha?” Siya naman ng hindi niya makuha ang ibig sabihin nito, natawa naman ito at inilatag ang hawak na kobyertos.
“I mean bakit ka lumipat dito sa SJNHS.” Sambit nito at sumimsim ng juice.
“A-ah, family p-problem.” Iwas ang tinging tugon niya.
“Oh sorry rafael, I didn't—”
“Hindi, a-ayos lang.” Tumatangong sabi niya at nilunok ang sinubo na kanin at ulam at sinabayan iyon ng juice na inumin pagkalunok.
“Hindi ayos iyon, sorry madaldal ako, but sana maayos na ang problem niyo.” Sabi nito at tumango lang siya at hindi na nag-abala pang sumagot.
Pero sana nga maayos na ang gusot sa pamilya nila tulad ng sinabi nito na mukhang hindi na maaayos dahil disidido na talaga ang Mommy niyang magfile ng annulment.
“A-ano naman ang sunod mong sub?” pag-iiba ng usapan ni Chloe.
Napatingin naman siya sa screen ng telepono niya. “Values” Tipid niyang salita at tinapos ang kinakain sa pinggan.
“Oh sayang hindi tayo magkasama.” May panghihinayang na wika nito pero wala siyang naging komento at nagpunas ng bibig gamit ang tissue.
“A-alam mo ba kung nasaan iyong l-library?”
Nahihiya na tanong niya noong natapos na din ito sa pagkain.
“Library? Mag-aaral ka?” nakakunot ang noong tanong nito kaya naman tumango siya.
Wala pa namang klase, may trenta minutos pa kaya magliliblary muna siya saka para na rin makahabol siya dahil late na siya sa lecture buhat noong maghiwalay ang mga magulang niya.
“Hatid na lang kita baka maligaw ka pa.”
Pagpapaprisinta nito at kinuha ang bag at isinukbit sa likod, ganu'n din ang kaniya at inilagay sa isang banyera ang pinggang pinagkainan.
Tumango siya at sumunod sa likod nito.
Pagkalabas ng kantina ay sandali pa silang naglakad sa isang maiksing hallway at lumiko pa, lumakad uli sila hanggang sa mababasa na ang salitang library.
“Maraming s-salamat.” Pasasalamat niya ng matapatan nila ang labas ng liblary.