CHAPTER THREE

1223 Words
"Where's Ms. Agustine?"  Nakakunot noong sabi ni Mrs. Dela Cruz at tiningnan ang kabuuan ng classroom at nagbabakasakaling makikita ang pasaway niyang estudyante. Agad naman siyang nakarinig ng mga bulungan sa paghahanap niyang iyon dahilan para umingay ang buong klase. "Quiet!" Sigaw niya at pinalo ang kaniyang stick sa gilid ng mesa niya dahilan para matahimik ang lahat hanggang sa may tumayo na isa sa mga Estudyante niya. "Ma'am baka nagcutting po," sabi naman ng tumayong Estudyante niya na nagngangalang Jimmy. Lalo namang nagsalubong ang dalawang kilay ng Ginang ng dahil sa narinig at napahampas sa mesa ng wala sa oras dahil kahit kung minsan ay sinungaling ang Estudyante niyang ito ay mas pinaniniwalaan niya pa ito kesa sa scholar ng SJNHS na si Anika Agustine. Dahil mas demonya pa si Anika keysa kay Jimmy "Kahit kailan talaga ang batang iyon," naiinis na sabi ng ginang sa sarili. Habang ang Estudyanteng si Anika naman ay nakalabas na ng kanilang building na walang nakakakita nino man. Ang lupa, langit at mga gusali lamang ang tanging saksi sa katarantaduhan niyang yaon. Kung paano siya nakababa ng mabilis gaya ng Avengers ay hindi nila alam. Napangiti ako at nagpagpag ng dalawang kamay dahil sa mga dumi na kumapit d'un. Sa isang puno kasi ako dumaan kaya nakababa ako sa pangalawang palapag kung nasaan ang classroom namin bago pa man dumating ang Teacher sa classroom namin. Sinukbit ko ang bag sa balikat ko at nagtungo sa isang building ng nasabing lugar kung saan madalang lang ang dumadaan at may nakakaalaam. "Ayos!" nakangising sabi ko Noong matiwasay akong nakapunta sa pinto ng isa sa mga building ng paaralan. "Paniguradong hinahanap na ako ng matandang 'yun," nakangisi ko pang sambit. Habang inaakyat ko naman ang building. Nasa pinakadulo ang building na ito at matagal na mula noong gamitin ng mga walang utak pero talentadong mga Estudyante. Kaya wala nang pumupunta dito dahil sabi nila ay mga nagpakamatay na Estudyante, two years ago dahil nga talento lang ang meron sila. Kilala rin itong tambayan ng mga tarantadong Estudyante pero mula noong dumating ako at nalaman nilang dito ako tumatambay ay nilayuan na nila ang building. Actually kaya ako nag-ala unggoy kanina ay dahil ayoko sa subject dahil Math kanina kaya tumakas na lang ako kesa mabored ako at ayoko ng ganoong pakiramdam saka sino ba naman gusto maramdaman 'yun diba. Feeling ko mamatay na ako kapag nararamdaman ko na ang ganoon. Pagdating sa rooftop ay agad kong itinulak ang bakal na pinto at automatic na sumalubong ang liwanag sa akin. Napatakip pa ako ng mga mata gamit ang braso ko. Noong maka-adjust ako sa liwanag ay automatic agad akong pumunta sa isang pinto. Isang kuwarto na aakalain mong bahay na dahil kumpleto na ang gamit sa labas man o loob. Pagdating sa loob ay agad akong pumunta sa kwarto at humilata sa kama at saka ko dinama ang malamig na pakiramdam ng AC na deremote kaya hindi na ako nahihirapan pa. Matapos kong mailapag ang bag ko kung saan ay agad akong ginupo ng antok. ... "Alam mo Anika, sayang ka e, Matalino ka sa— " "Kaso Boba?" sabi ko at matalim pa sa kutsilyong tiningnan ko siya. "H-Hindi 'yun." "Tumahimik ka na lang, mabuti pa," naiinis na sabi ko. Nasa Coffee Shop kami ngayon at talagang napilitan lang akong isama siya para may tagabuhat ako ng bag ko. Matagal na mula noong makilala ko siya at siya na ang pinakamakulit na nakilala ko. Saka may gagawin pa akong Special project at siya ang gagawa, kung hindi ko gagawin 'yun ay talagang nangakong paparusahan ako ng Tatay ko kaya naiinis na naman ako lalo na kung naiisip ko 'yun. "I-order mo ako ng Ice coffee," ani ko.  Nawala siya sa pagkutkot ng kuko niya at nabaling sa akin.  "Kailan ka pa nahilig sa Ice coffee," aniya na akala mo ay kilala na niya ako ng matagal. "Pampawala ng init ng ulo okay?"  "A okay," aniya at kinuha lang ang wallet sa bag ko. Oo pinagkakatiwalaan ko siya saka barya lang naman ang laman niyon kumpara sa pera sa banko. Mayamaya lang ay dumating na si Chloe dala ang gusto ko pero nakakapagtakhang may dala pa siya samantalang may iniinom pa siyang Milk tea.  "Bakit dalawa? Baka magtae ka na niyan." “s**t!”  Bulalas ko matapos hindi ko sinasadyang masagi ang kape dahilan para matapon ‘yon sa damit ko. Mabuti na lang malamig ‘yon, kung mainit lang ‘yon ay baka umuusok na ako ngayon.  “Okay ka lang ba Anika?” tanong ni Chloe.  Kaya agad kong sinamaan ng tingin si Chloe.  “Mukhang ayos ba ako?! Tapusin mo na nga ang ginagawa mo, ang daldal mo!”  Naiinis na sigaw ko sa babae. Napabuntong hininga ito sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya. Naagaw na nga namin ang atensyon ng lahat pero wala akong pakielam.  “Mayroon ka bang pamalit?” malumanay na tanong niya sa akin sa kabila ng pagsigaw ko sa kaniya. Talaga nga namang tunay na kaibigan si Chloe at hindi plastic tulad ng iba.  “Wala ka na do’n.”  Masungit na pangbabara ko sa kaniya at inis na tumayo mula sa bangkong inupuan ko.  ‘Nakakainis! Bakit ba umorder pa kasi ako ng ice coffee!’ Hiyaw ko sa aking isip habang nilalakad ko ang hallway patungong banyo.  Nang mayroong nakakainis na pangyayaring naganap. Kaya lalo pang nadagdagan ang inis na kumukulo sa kalamnam ko ng may biglang may bumunggo sa akin. Na kahit ako ay hindi ko namalayan na may sumalubong pala sa akin.  “ARAYYYYY!!! s**t!” Sigaw ko ng may kung anong bumaksasak sa paanan ko. Napakabigat niyon at ang katigasan niyon ang bumaksak sa paanan ko.  “S-sorry hindi ko sinasadya,” sambit ng lalaking nakabanggaan ko na mismong may pakanang pagbaksak ng kung ano sa isang paa ko.  “A-ano?” nakangiwing sambit ko dahil sa sakit habang hindi naman makapaniwalang tingin ang iginawad ko sa kaniya.  ‘Matapos akong mabaksakan ng mabigat na libro tapos sorry lang?!’ nais ko iyong isinatinig ngunit hindi ko na ginawa.  “S-sorry,” pag-uulit niya kaya lalo pa akong naiinis sa paghingi niya ulit ng tawad.  “Inulit pa!” inis na usal ko.  “Sorry talaga hindi ko s-sinasadya, n-nagmamadali kasi ako,” utal pa rin na sabi noong lalaki.  “Nakakainis ka! Buwiset! Alam mo bang sobrang sakit no’n?!” inis na sabi ko sa kaniya at halos masakal ko na siya sa sobrang buwisit.  At wala namang ginawa ang lalaki kung hindi ang yumuko lang, hindi man lang ako tulungan.  “Tulungan mo ako!” Inis na bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko pa sabihin, hindi niya pa ako tutulungan.  “Sorry t-talaga.” Sambit nito at tinulungan akong makatayo ng maayos.  “A-aray ang sakit!”  Namimilipit sa sakit na sabi ko habang nakatingin sa kawawang paa ko.  Noong mukhang may naalala ang lalaki.  “Ay o-oo nga pala! May gagawin pa pala ako, s-sorry next time na lang.”  Sabi ng lalaki matapos ako paupuin sa isa sa mga bench sa tabi-tabi ng hallway. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko noong tumakbo siya!  “Wait what?! Hey tulungan mo ako animal ka!” Sigaw ko matapos akong pabayaan sa bangkuan at saka kumairipas ng takbo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD