"Oh bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niyang babae na si Chloe.
Siguro ay napansin nitong humahangos siya, pansin din niyang nagtataas baba ang dibdib niya. "Ah oo, m-may nangyari lang kanina."
Sabi niya habang inaalala ang nangyari kanina.
Inilapag niya ang mga dalahin sa isang bakanteng upuan.
"Iyan na ba ang mga kailangan ko?"
Nakangiting tanong nito. Humiling kasi ang kaibigan na baka pwede siyang maghanap ng libro sa library para sa kakailanganin para sa project ng kaibigan nito.
Tumango siya at tinanggap ang inabot nitong makapal na plastic cup na sa palagay niya ay may lamang Ice coffee.
"Kamusta?"
"Hay, nagmamadali na nga magawa 'yung project niya."
"Bakit kasi kailangan mo pa siyang tulungan?"
"Kasi kawawa naman siya saka isa pa kaibagan ko siya, ako na nga lang itong nagmamalasakit sa kanya."
"E ikaw? Tinuturing ka ba niyang kaibigan?" Sa halos isang buwan niyang nakilala ang kaibigan ay naging palagay na siya dito. Mabait ito at mapagmahal sa kaibigan lalo na sa kaibigan nitong babae. Naniniwala kasi itong magbabago pa ang kaibigan nito.
"Oo naman, saka nga pala, sa kanya ang nandiyan sa tabi mo, ipapakilala ko siya sayo, nagbanyo lang siya. Natapunan kasi siya ng kape."
Nakangiting sabi ni Chloe. Napatango ang ulo niya.
Habang nagkwekwentuhan sila ay biglang umalingaw-ngaw ang tunog ng telepono. Nagkatinginan sila. "Kanino 'yun?"
Tanong niya at tiningnan ang sariling telepono kahit na alam naman niyang hindi sa kanya ang ringtone pero baka napalitan ng kanyang Ina noong minsan nitong hiramin ang telepono niya.
"Sa akin nga."
Sagot ng babae at kinuha ang telepono sa bulsa ng kanyang damit. Tiningnan niya lang ito. May tumatawag pala. Tumango siya noong sinenyasan siya nitong aalis lang saglit kaya tumango siya bilang pagpayag.
Habang naghihintay ay binasa niya muna ang notes nila kanina sa subject nilang Science pero hindi din nagtagal ang pagre-review niya dahil bumalik na na din kaagad ang kanyang kaibigan.
"Ah Rafael, mauna na ako. Naaaksidente kasi ang kaibigan ko, tulungan ko lang." Bakas ang pag-aalala sa mukha ng dalaga kaya tumango na siya.
Agad namang tumalima ang kaibigan niyang babae at inayos na ang gamit. Kimuha na rin nito ang kailangan habang naiwan naman siyang inuubos ang gulaman sa kape.
Paniguradong mahal ang presyo ng nasabing produkto kaya inuubos niya ng mainaman ang Jelly coffee.
Pagkatapos ay saka naman siyang sumunod sa pag-alis ng kaibigan. Wala ang Teacher nila sa Math kaya pumunta na siya sa paradahan ng mga bike. This time ay inalayo na niya ito sa mataong lugar kaya wala nang gaanong nakakakita sa kanyang Estudyante.
Hindi naman sa nahihiya siya sa kalagayan ng estado ng buhay nila kung hindi dahil takot siya sa atensyon.
Pagkakalas ng kadena ay agad niya iyong sinakyan.
Pumasok siya sa isang Iskinita na lagi niyang dinadaanan para mapabilis ang uwi niya at agad na makasama ang Ina pero sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang may humarang na mga malalaking motor sa dapat na dadaanan ng binata.
"May problema po ba tayo?"
Kinakabahang tanong niya sa mga lalaking malalaki ang katawan. Baka isang pitik lang ng mga ito ay baka tumalsik na agad siya. Napalunok siya at naiatras ang sinasakyang bike dahil sa kaba.
"Wala naman Boy, pero sa Boss namin, meron."
Nakangising aso na sabi ng tila Leader ng anim na lalaki. Lalo siyang kinabahan at pinagpawisan ng malamig.
Inalala niya ang lahat, wala naman siyang naaalalang nakagawa siya ng pagkakamali pero parang wala naman.
"Wala akong kasalanan, m-maawa po kayo sa akin."
Utal at halos maiyak na sabi niya. Sabihin na nilang mahina siya pero wala siyang magagawa dahil 'yun siya.
Isa-isang nagsilapitan matapos makababa ng mga lalaki sa kanilang mga big bike kaya lalo siyang tinubuuan ng takot sa kanyang dibdib.
Napalunok siya sa tuwing magpapatunog kamao ang mga lalaki.
"Mag-usap ho tayo ng matino mga Sir, maawa po kayo sa akin."
Sabi ng Binata habang nanakit na ang lalamunan dahil sa pagpigil sa pag-iyak.
"Woah! Ang Baby umiiyak!"
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng nasa gilid. Hanggang sa maramdaman niyang wala na pala siyang maatrasan, tumama na ang gulong sa pader.
Wala nang nagawa ang Binata kung hindi bumaba sa bike niya at mas mabuti na ang lumaban kesa sa hindi.
"Ayyt! Lalaban! Patirahin natin, kawawa naman!"
Lalo pang natawa ang anim sa sinabi ng kalbong nakaleather jacket. Ang lahat kasi ay nakasando lamang.
"Sige, sige, pero baka hindi tumama!" Pang-iinis pa ng iba at tumawa. Naiyak siya sa mga sinabi ng mga lalaki.
"Oh! Sapak na Boy at mamaya ay kami na ang magdidiwang, maylechon kaya dapat lang na mag-exercise kami," naglalaway na sabi ng Leader at binalandra ang walang kaitsura-itsurang mukha!
Kumapit na siya sa patalim at ibinigay ang buong lakas sa pagsuntok gaya ng bida sa Hero Academia. Isang anime series na paborito niyang panoorin at isa nga si Deku sa paborito niyang karakter sa anime.
Pero iyon din pala ang mitsa para magsilapitan ang mga lalaki. Nanlaki ang mata niya at napaluhod noong tumama ang kamao ng isa sa mga lalaki sa kanyang sikmura.
"Lumalaban nga, patayuin siya!"
Nakangising sabi ng Leader na para bang walang kwenta ang naging pagsuntok niya kanina, nakangisi rin din siyang pinatayo ng mga lalaki at kahit hindi pa siya makahinga sa pagsuntok ng isa sa mga kasamahan ng mga lalaki.
Nai-imagine niya tuloy na siya si Deku na mahina at nasuntok ng isang Villain.
Wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang bawat suntok ng mga Villain at marinig ang bawat pang-aasar at tawanan ng mga lalaki.
Pero bago pa siya mawalan ng malay ay nasisiguro niyang may dumating para iligtas ang isang mahinang tulad niya.
…
Anika POV
"Sigurado ka bang ayos ka lang Anika?" nag-aalala na tanong ni Chloe.
"Chloe alam mo, hindi ka nakakatulong, alam mong hindi ako okay diba?"
Naiinis na sabi ko habang nabwibwisit dahil ang sakit ng paa ko.
"S-sorry, inaaalala lang naman kita, e."
Nakalabing sabi niya at may paluha effect pa siyang nalalaman kaya lalo lang akong naiinis sa kanya. Nandito kami sa rooftop at wala akong magagawa kung hindi ipaalam sa kanya ang lugar na ito.
Saka tiwala naman akong hindi niya magagawang ipagsabi ang lugar na ito.
"Uuwi na ako," inis na sabi ko.
Dahil hindi ko hahayaang magreyna-reynahan ang impakta sa amin. Balita kong umuwi na ito sa amin kaya lalo akong nagngingitngit sa galit para sa aking Ama.
Dahil hinayaan niyang pugaran ng impakta ang mismong bahay ng sarili kong Ina.
"Ha? Wala ka bang uniform dito? Baka pwedeng dito ka muna magpalipas ng gabi?"
Tanong niya at walang anong naghalughog ng mga gamit sa kwarto ko pero wala akong pakielam.
"Uuwi na nga ako, huwag kang makulit, umuwi ka na rin," aniya ko.
Tumayo ako pero naging alerto ang dalaga at agad akong inalalayan. "Hindi ako balbado."
Iniis na sabi ko pero wala akong ginawang aksyon para pabitawin siya.
"Sige na nga pero kaya mo bang magbike? Ihahatid na kita."
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Nagtitiwala ako sayo, ipapahatid kita sa Driver namin mamaya."
Seryosong sabi ko at hindi na ako nagtaka noong tila abot hanggang langit ang kanyang ngiti.
Inalalayan niya ako hanggang sa pagbaba, mabuti na lang at pinalagyan ko ng angkasan ang likod ng bike ko. May silbi din pala 'to. Inilagay namin sa basket ang mga bag namin. Hindi rin siya nahirapan dahil iniwan niya pala ang bag niya sa kwarto ko sa taas.
May balak pa atang bumalik pero dahil tila alalay ko siya ay papayagan ko siya.
Nagsimula na siyang magpedal.
"Parang ibang direksyon ata 'to?"
Tanong ko noong dumaan kami sa isang Iskinita.
"Magtiwala ka lang, dito dumadaan ang isang Friend ko, mabilis daw at safe."
Sabi niya. Napatango lang ako kahit alam kong hindi niya nakikita at halata na delikado ang daan.
Ngayon ko lang ito nalaman.
Makakalabas na sana kami sa Iskinita noong may mamataan kaming may binubugbog. Tila nag-init ang bunbunan ko noong makitang napakarami nila pero isa lang ang binubugbog nila.
Inis akong bumaba sa bike.
"Teka Anika, hindi mo pa kaya."
Nag-aalalang sabi ni Chloe pero tila bingi ang tenga ko at minasahe ang ilong ko.
"Hoy! Kayo!"
Sigaw sa mga lalaki na kalalaki ng mga katawan pero tila wala ang pang-ibaba dahil sa nangbubugbog sila na walang kalaban-laban.
Natigilan ang lahat at napatingin sa akin, napatikwas ang kilay ng walang buhok kahit sa kanyang kilay.
"Hoy ka din! Anong kailangan mo! Alam mo bang nagsasaya pa kami?!" tanong nito.
"Alam niyo bang mali ang ginagawa niyo?"
"Anika please, umalis na tayo baka madamay pa tayo." Chloe.
Hindi ko siya pinansin at masamang masama ang tingin na inibigay sa mga lalaki.
"Makulit din ang isang 'to ano? Bakit hindi ka makinig sa kaibigan mo?" tanong ng Leader.
Tumingin ako sa lalaki at tila nakilala ko siya dahil sa uniporme ng school namin. "E kaibigan din namin ang isang 'yan kaya lumayas na kayo kung ayaw niyong masapak," aniya ko naman.
"Hoy Miss! Ikaw ang umalis at baka ikaw ang masampulan namin!"
Hindi ko siya pinansin at nanatili ang masamang tingin sa Leader nila. " Parang trip ata ako ni Miss, hindi maalis ang tingin, o."
Nakangising sabi Leader at nag-angat angat pa ng kilay. Ngumisi ako at sinenyas ang kamay na tila pinalalapit siya. At naghiyawan naman ang mga kasamahan niya habang napatawa naman ang Leader at napakagat pa ng labi na akala mong pinagpala sa mukha.
"Anika, ano ba ang ginagawa mo?"
Naiiyak na sabi ni Chloe pero itinaas ko ang kamay ko na tila pinatatahimik siya pero napahagulgol lang si Chloe.
Nakangiting aso ang demonyong lumapit sa akin. Kita ko pa ang dugo sa kamao nito kaya pinatamis ko ang ngiti sa aking labi.
Lalo namang napangisi ang Demonyo sa aking harap.
"Mike nga pala Miss."
"Narinig mo siguro ang pangalan ko?"
"Oo naman, kay ganda sa aking tenga na tila isang musika."
Banat ng lalaki at para naman akong kinilig at kunwari pa akong nahiya kaya lalong nagsaya ang mga hangal.
"Mapanganib ano?"
Tanong ko gaya ng pagkakasabi niya niya na may tonong kalye.
"At ako ay nagtataka kung bakit ang isang tulad mo ay nasa ganitong lugar gaya nito."
Sabi niya at tila hinuhubaran na ako sa utak niya kaya nag-init ang bunbunan ko dahilan para masampulan ko siya ng kamao ko.
Walang sabi ko siyang sinuntok sa mukha at gustong gawing liha ang mukha niya sa gaspang na pati ang magaspang na bato ay hindi nalalayo sa balat niya.
"Anak nang!"
"Hindi ako pumapatol sa mga pangit na tulad niyo!"
Sabi ko 'yun at sunod-sunod ang ginawang pagsuntok sa mukha nito at binalewala kung magaspang, hindi na ako magtataka kung magkagasgas ang kamao ko sa gaspang ng mukha nito.
Naalarma ang mga kasamahan ng Demonyo at sumugod na pero dahil nakapag-aral ako ay tumatalsik ang sino mang lalapit sa akin.
"Ahhh!"
"Waahhhhh!"
"Ikulong niyo, mga bobo!"
"Boghshhh!"
"Aray!"
"Yung kamay ko!!!!"
"Boghshhh!"
Hinihingal kong inawat ang sarili.
Napangisi ako noong wala man lang akong kagalos-galos.
Pero hindi ko inasahang may pumalo sa ulo ko. Hindi ako nakatiis at dinama ang sakit ng pagpalo sa akin. Narinig ko ang pagsigaw at pag-iyak ni Chloe pero tila nablangko ang isip ko. Ang huli ko na lang namataan ang mga pulis na nagsisitakbuhan dala ang kanilang mga baril.
THIRD PERSON POV
Dinakip ang lahat ng mga pulis ang limang lalaki maliban sa isang kasamang nakatakas na siyang nakapalo ng malaking kahoy sa ulo ng dalagang si Anika. Nangingig na dinaluhan ni Chloe ang walang malay na kaibigan. Sinisisi niya ang sarili sa lahat ng nangyari dahil kung hindi siya sana dumaan dito ay hindi mapapahamak ang kaibigan niya.
Nanginig ang kamay niya at natatakot na hawakan si Anika dahil baka magkaroon pa ng problema.
"Tumawag po kayo ng Ambulansya please!"
Lumuluhang sabi niya babang patuloy na nanginginig at hindi naman siya binigo ng isang pulis at agad na tumawag ng ambulansya sa mapalapit na hospital.
"Ano bang nangyari Miss?" usisa ng isang pulis.
Tumingin siya sa Pulis na lumapit at ikinuwento niya ang lahat ng naaalala niya.
"Ihahatid ko lang po ang k-kaibigan ko Sir, akala ko po mapapabilis ang pag-uwi namin dahil may injury po siya sa paa pero hindi naman po namin alam na may ganto. I-Iniligtas niya po 'yung lalaki at nangyari na ito sa kanya." Nagpatuloy lang siya sa pagsasanay sa nangyari kahit na halos hindi na maintindihan ang ibang detalye hanggang sa dumating na sa wakas ang ambulansya.
Kinuha ang dalawa at lalo siyang binambo ng takot noong makilalang kaibigan din pala niya ang isang nabugbog.
"Maraming salamat sa detalye Miss. Dadalhin na namin ang mga suspect para magkahustisya ang mga kaibigan mo." Tumango lang siya at sumakay na sa isa sa mga ambulansya.
Habang ang dalawang bike naman ay iniwan na muna sa nasabing Iskinita. Walang may pakielam kung may mawala man sa dalawa.
Madaling nakarating sa Agustine Hospital ang dalawang pasyente dahil na rin sa ambulansya ang sinakyan nila ay tumatabi ang lahat ng madaanan na kahit ang mga nag-aaway na mag-asawa ay napapatabi.