…
"Anong nangyari sa mga pasyente?" tanong ng isang doctor.
"Nabugbog Doc," sabi naman ang lalaki, nagtulungan sila ng kasamahan na ilapag sa sementong daanan ang hospital bed. Habang ganoon na lang ang pagkaseryoso ang mukha ng Doctor noong makita ang babaeng pasyente.
Napag-alaman niyang pamangkin pala niya ang nasangkot sa isang gulo. Lalo pang nagngingitngit sa galit ang loob niya sa ginawang pagpapabaya ng Asawa ng kanyang kapatid.
"Magmadali kayo, dalhin sila sa ER," seryosong sabi niya at nauna na sa nasabing lugar.
Pilit mang sumunod ng babaeng kasama ng pamangkin ay agad itong napigilan ng mga nurses.
'Kapag may mangyaring hindi maganda sa pamangkin ko, ikaw ang mananagot Agustine,' aniya sa kanyang loob habang maingat na tinitingnan ang kanyang pasyente.
At doon niya nalaman na may namauong dugo sa ulo ng kanyang pasyente. Mabuti na lamang at makukuha pa sa gamot kung hindi ay baka mangyari ang nangyari sa kanyang pamangkin na babae pa naman din.
"Ano pong nangyari sa mga kaibigan ko Doc?"
Nanginginig sa takot na tanong ng Babae, napangiti siya. Natutuwa siyang sa wakas, mayroon nang totoong kaibigan ang kanyang pamangkin.
"Maayos ang lagay ni Ms. Agustine, may namuong dugo sa ulo ni Ms. Agustine pero thankful tayo na makukuha pa sa gamot ang pasyente, habang nabugbog lang naman ng matindi ang isang kaibigan mo.
"Hindi naman po siguro nakakamatay ang ganoong kaso?"
"Nakakamatay kung hindi maaagapan pero dahil naagapan naman ay maiiligtas ang kaibigan mo, pakitawag na lang ang mga magulang ni Mr. Ariano,"
"Kay Ms. Agustine po?"
"Ako na ang bahala sa kanya, si Mr. Ariano na lang ang intindihin mo," aniya at bahagyang ngumiti. Nagtataka man ay tumango ang dalaga sa kanya.
…
"Kamusta na siya?"
"Ayos na naman siya Tita, pero sa ngayon ay hindi pa siya nagigising."
"Hay sana ay magising na siya para makapagpasalamat ako sa kabutihan niya."
"Sana nga po."
May mga naririnig akong may nag-uusap dahilan para magising ako. Ginalaw ko ang kamay ko at saka ako nagmulat at agad na bumulaga sa akin ang puting kisame.
"Naku salamat sa diyos at nagising na ang Kaibigan niyo!"
Tila naging bomba ang tinig na iyon sa pandinig ko noong magising ako. "Po?!" Sumabay pa si Chloe kaya napasimangot ako.
"Ang ingay niyo."
Nakasimangot kong sabi at tatayo na sana noong pigilan ako ni Chloe. "Huwag ka munang tumayo, baka mapano ka, tatawag lang kami sa Doctor."
Napabuntong hininga ako noong makita ko ang lumuluha ang mga mata niya. Kailan ba siya titigil sa kaiiyak? Hindi ba siya nauubusan ng tubig sa katawan?
Naiwan ang hindi pamilyar na ginang habang umalis naman si Chloe para tumawag ng Doctor.
"Sino ka?"
Paos kong tanong sa ginang.
"Ah, ako ang Nanay ni Rafael." Kailan man ay wala akong nakilalang Rafael maliban sa Anak ng Katulong namin sa bahay pero maganda at maputi siya para ikumpara kay Ate Baby.
"Wala akong kilalang Rafael kaya baka nagkakamali ho kayo ng pinuntahan," aniya ko.
Napakamot ito sa noo at napangiti ng hilaw. "Anak ko ang iniligtas mo Hija at maraming salamat sa ginawa mong pagliligtas sa kanya."
Bumilog ang labi ko sa sinabi niya at napatango kasabay ng pagdating ni Chloe kasama si Tita Edmlyn.
At gaya ng nakagawian ay nakipagbeso sa akin ang Tita ko, kapatid ng aking Ina. May Asawa na ito at may dalawang Anak na ngunit may malasakit at malapit pa rin ito sa pamilya.
"Salamat naman at 'yan lang ang inabot mo Anika. Paano na lang kung malala pa diyan?" Nagsisimula na namang umingay ang kwarto. Takot ako sa kanya kaya wala akong magawa kung hindi makinig sa kanya.
Para kasi siya si Mama kaya talagang napakalaki ng takot ko sa kanya, parang umuurong ang buntot ko sa kanya.
"Tinulungan ko lang ang Tao," aniya ko.
Napabuntong hininga ito at walang magawa kung hindi tanggapin ang paliwanag ko. Ganyan siya, kapag alam niyang tama o may nagawa akong mabuti ay wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na lang. Mindan din kasi ay ganoon siya kaya hindi na dapat siya magtaka kung ang kanyang pamangkin ay ganoon din kung minsan.
Saka siya rin lang naman din ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban kaya kasalanan niya din pero hindi ko naman kailan 'yun ginamit sa masama.
"Oo na sige, mabuti na lang at makukuha ka sa gamot. Ang gawin mo lang ay magpahinga ng magpahinga," anito.
Tumango lang ako ng tumango sa mga bilin ng aking tiyahin hanggang sa magpaalam na ito sa akin dahil may mga pasyente pa sa kanyang naghihintay.
"Kaano-ano mo 'yun?"
Namimilog ang matang tanong ni Chloe.
"Tita ko at huwag kang mag-iingay sa School kung ayaw mong hindi na kita pansinin," aniya ko.
Napatango lang siya at takot na hindi ko mapansin.
"Ito nga pala si Tita Melinda, Anika. Siya 'yung Mama ni Rafael, 'yung taong tinulungan mo kung hindi mo kilala si Rafel," nakangiting pakilala ni Chloe noong maalala niyang may kasama kami.
"Nagpakilala na siya sa akin," aniya ko.
"Nauuhaw ako." Sinenyas ko ang tubig at nagmadali naman si Chloe para kunin ang mineral bottle at in-adjust ang kama ko kaya napaangat ako.
"A tignan ko lang 'yung Anak ko at baka nagising na." Napatingin kami kay Aling Melinda saka kami sabay na tumango sa kanya habang may pahabol pa si Chloe.
"Sige po Tita! Pupuntahan ko po siya mamaya," nakangiting sabi ni Chloe.
Tumango naman ang Ginang at tumango.
Kinuha ko ang mineral bottle at uminom.
Nauhaw ako at paniguradong ilang araw ako natulog kaya naubos ko ang tubig. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chloe.
..
…
"Anong nangyari sa mga pasyente?" tanong ng isang doctor.
"Nabugbog Doc," sabi naman ang lalaki.
Nagtulungan sila ng kasamahan na ilapag sa sementong daanan ang hospital bed. Habang ganoon na lang ang pagkaseryoso ang mukha ng Doctor noong makita ang babaeng pasyente.
Napag-alaman niyang pamangkin pala niya ang nasangkot sa isang gulo. Lalo pang nagngingitngit sa galit ang loob niya sa ginawang pagpapabaya ng Asawa ng kanyang kapatid.
"Magmadali kayo, dalhin sila sa ER."
Seryosong sabi niya at nauna na sa nasabing lugar.
Pilit mang sumunod ng babaeng kasama ng pamangkin ay agad itong napigilan ng mga nurses.
'Kapag may mangyaring hindi maganda sa pamangkin ko, ikaw ang mananagot Agustine,' aniya sa kanyang loob habang maingat na tinitingnan ang kanyang pasyente.
At doon niya nalaman na may namauong dugo sa ulo ng kanyang pasyente. Mabuti na lamang at makukuha pa sa gamot kung hindi ay baka mangyari ang nangyari sa kanyang pamangkin na babae pa naman din.
"Ano pong nangyari sa mga kaibigan ko Doc?"
Nanginginig sa takot na tanong ng Babae, napangiti siya. Natutuwa siyang sa wakas, mayroon nang totoong kaibigan ang kanyang pamangkin.
"Maayos ang lagay ni Ms. Agustine, may namuong dugo sa ulo ni Ms. Agustine pero thankful tayo na makukuha pa sa gamot ang pasyente, habang nabugbog lang naman ng matindi ang isang kaibigan mo."
"Hindi naman po siguro nakakamatay ang ganoong kaso?"
"Nakakamatay kung hindi maaagapan pero dahil naagapan naman ay maiiligtas ang kaibigan mo, pakitawag na lang ang mga magulang ni Mr. Ariano,"
"Kay Ms. Agustine po?"
"Ako na ang bahala sa kanya, si Mr. Ariano na lang ang intindihin mo."
Aniya at bahagyang ngumiti. Nagtataka man ay tumango ang dalaga sa kanya.
…
"Kamusta na siya?"
"Ayos na naman siya Tita, pero sa ngayon ay hindi pa siya nagigising."
"Hay sana ay magising na siya para makapagpasalamat ako sa kabutihan niya."
"Sana nga po."
May mga naririnig akong may nag-uusap dahilan para magising ako. Ginalaw ko ang kamay ko at saka ako nagmulat at agad na bumulaga sa akin ang puting kisame.
"Naku salamat sa diyos at nagising na ang Kaibigan niyo!"
Tila naging bomba ang tinig na iyon sa pandinig ko noong magising ako. "Po?!" Sumabay pa si Chloe kaya napasimangot ako.
"Ang ingay niyo."
Nakasimangot kong sabi at tatayo na sana noong pigilan ako ni Chloe. "Huwag ka munang tumayo, baka mapano ka, tatawag lang kami sa Doctor."
Napabuntong hininga ako noong makita ko ang lumuluha ang mga mata niya. Kailan ba siya titigil sa kaiiyak? Hindi ba siya nauubusan ng tubig sa katawan?
Naiwan ang hindi pamilyar na ginang habang umalis naman si Chloe para tumawag ng Doctor.
"Sino ka?"
Paos kong tanong sa ginang.
"Ah, ako ang Nanay ni Rafael." Kailan man ay wala akong nakilalang Rafael maliban sa Anak ng Katulong namin sa bahay pero maganda at maputi siya para ikumpara kay Ate Baby.
"Wala akong kilalang Rafael kaya baka nagkakamali ho kayo ng pinuntahan," aniya ko.
Napakamot ito sa noo at napangiti ng hilaw. "Anak ko ang iniligtas mo Hija at maraming salamat sa ginawa mong pagliligtas sa kanya."
Bumilog ang labi ko sa sinabi niya at napatango kasabay ng pagdating ni Chloe kasama si Tita Edmlyn.
At gaya ng nakagawian ay nakipagbeso sa akin ang Tita ko, kapatid ng aking Ina. May Asawa na ito at may dalawang Anak na ngunit may malasakit at malapit pa rin ito sa pamilya.
"Salamat naman at 'yan lang ang inabot mo Anika. Paano na lang kung malala pa diyan?" Nagsisimula na namang umingay ang kwarto. Takot ako sa kanya kaya wala akong magawa kung hindi makinig sa kanya.
Para kasi siya si Mama kaya talagang napakalaki ng takot ko sa kanya, parang umuurong ang buntot ko sa kanya.
"Tinulungan ko lang ang Tao," aniya ko.
Napabuntong hininga ito at walang magawa kung hindi tanggapin ang paliwanag ko. Ganyan siya, kapag alam niyang tama o may nagawa akong mabuti ay wala siyang magagawa kung hindi tanggapin na lang. Mindan din kasi ay ganoon siya kaya hindi na dapat siya magtaka kung ang kanyang pamangkin ay ganoon din kung minsan.
Saka siya rin lang naman din ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban kaya kasalanan niya din pero hindi ko naman kailan 'yun ginamit sa masama.
"Oo na sige, mabuti na lang at makukuha ka sa gamot. Ang gawin mo lang ay magpahinga ng magpahinga," anito.
Tumango lang ako ng tumango sa mga bilin ng aking tiyahin hanggang sa magpaalam na ito sa akin dahil may mga pasyente pa sa kanyang naghihintay.
"Kaano-ano mo 'yun?"
Namimilog ang matang tanong ni Chloe.
"Tita ko at huwag kang mag-iingay sa School kung ayaw mong hindi na kita pansinin," aniya ko.
Napatango lang siya at takot na hindi ko mapansin.
"Ito nga pala si Tita Melinda, Anika. Siya 'yung Mama ni Rafael, 'yung taong tinulungan mo kung hindi mo kilala si Rafel."
Nakangiting pakilala ni Chloe noong maalala niyang may kasama kami.
"Nagpakilala na siya sa akin," aniya ko.
"Nauuhaw ako." Sinenyas ko ang tubig at nagmadali naman si Chloe para kunin ang mineral bottle at in-adjust ang kama ko kaya napaangat ako.
"A tignan ko lang 'yung Anak ko at baka nagising na." Napatingin kami kay Aling Melinda saka kami sabay na tumango sa kanya habang may pahabol pa si Chloe.
"Sige po Tita! Pupuntahan ko po siya mamaya," nakangiting sabi ni Chloe.
Tumango naman ang Ginang at tumango.
Kinuha ko ang mineral bottle at uminom.
Nauhaw ako at paniguradong ilang araw ako natulog kaya naubos ko ang tubig. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Chloe.
…
"Where is Anika?"
Striktong tanong ni Daniel sa isa sa mga katulong nila pagdating niya sa kanilang bahay, nagkatinginan ang lahat ng mga katulong sa tanong niya kaya doon pa lang ay naghinala na siyang hindi pa umuuwi ang nag-iisang Anak niya at isang babae pa.
"Hindi pa po umuuwi Sir."
Nakayukong sabi ng tinanong niya tungkol sa kanyang Anak.
Napabuntong hininga siya at napatango. Inayos niya ang suit niya at umakyat na sa kanyang opisina. Paniguradong nasa School pa ang Anak niyang babae. May bahay kasi 'yun doon.
Pumayag siyang ipagawa 'yun dahil baka nga naman magkaroon ng project at gabihin dahilan para hindi na makauwi sa kanila ang kanyang Anak.
Naupo ang ginoo sa swivel chair niya at pagbukas pa lang ng drawer niya ay bumungad ang isang envelope sa kanya. Muli siyang napabuntong hininga at itinago 'yun sa pinakadulo.
Paniguradong lalong hindi na uuwi ang Anak niya kapag nalaman nito ang totoo.
Handa na siyang pumirma ng mga kailangang pirmahan noong tumunog ang telepono niya. Napatingin muna siya sa ginagagawa at pinasadahan lang ng isang pirma ang papeles bago niya sagutin ang telepono.
"May kailangan ka?"
Tanong niya noong makita ang kapatid ng kanyang namayapang
Asawa na kahit kailan ay hindi niya minahal kahit na anong pilitin niya pa.
"May ginagawa ka ba?"
"Alam mong marami akong ginagawa Edmlyn."
Aniya habang binabasa ang papeles na nasa harapan niya at pinirmahan noong makumbinsi siya sa nakasulat.
"Mas importante pa sa Anak mo?" Napakunot ang noo niya sa kaniyang narinig.
"Ano ang ibig mong sabihin? May nangyari bang masama sa Anak ko na hindi ko alam?" Naalarma siya at nabitawan ang ballpen na hawak niya, aligaga niya iyong pinulot at agad na tiningnan kung nasira ba.
Nakahinga siya ng maluwag noong makitang ayos pa 'yun at gumagana pa. Ang tagal niyang iningatan 'yun dahil regalo pa 'yun ng kanyang Anak bago pa man mamatay ang kanyang Asawa at bago pa lumayo ang loob ng Anak niya sa kanya.
"Alam mong napakabait ng Anak mo kaya nandito siya sa Hospital at handa nang umalis kaya baka gusto mo lang naman sunduin."
Tumalon ang puso niya sa kaba sa kanyang nalaman, agad niyang binaba ang telepono at muling tumayo. Bumaba siya agad at agad na tinawag ang katulong na tinanong niya kanina.
"Ilang araw nang nawawala ang Anak ko?"
"Hindi na namin mabilang Sir, basta noong umalis ho kayo, hindi na umuwi ang Anak niyo Sir." Nakayuko pa rin ang katulong, wala siyang magawa kung hindi mainis at singhalan ang katulong.
"Mga walang kwenta!"
"Ilabas ang sasakyan! Tawagin niyo si Eric!"
Tukoy niya sa kanyang personal driver. Tulog na ang natukoy na driver pero sa oras na ito ay wala siyang pakielam basta't makarating lang siya sa nasabing Hospital.
Agad na lumabas sa isang maliit na bahay ang driver at agad na hinanda ang sasakyan. Sumakay siya sa sasakyan at hindi na nag-abala pang magsalita ang Driver dahil alam niya na kung saan sila pupunta.
Malapit lang ang pinagawa nitong bahay kaya rinig na rinig niya ang sigaw nito kaya nga agad siyang nag-ayos para hindi siya mawalan ng trabaho saka hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho ngayon dahil manganganak na ang inasawa niyang minor.
Dahil maluwag ang kalye ay agad silang nakarating sa Hospital na kanyang pagmamay-ari.
Bumaba na siya sa sasakyan at hindi na hinayaang pagbuksan pa siya ng pinto ng kanyang personal driver.
Agad na nagsiyukuan ang mga empleyadong makakasalubong niya pero hindi niya na magawang batiin pa. Nakangiti ang kapatid ng kanyang Asawa noong makita siya.
"Magandang gabi Daniel."
Nakangiting sabi niya. Tumango lamang siya at agad hinanap ang kanyang Anak.
"Nasaan si Anika?" tanong niya.
"Nasa loob."
Tukoy naman nito sa isa sa mga private room. Binuksan niya ang seguruda ng nasabing kwarto at doon niya natagpuan ang nakasimangot niyang Anak habang sinusubuan ng isang babae.
"Anika," seryoso niyang sabi.
Napabaling sa kanya ang dalawa.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ni Anika habang nagtatakhang nakatingin sa kanya ang ka-edad nitong babae. Siguro ay kaklase nito 'yun.
"Nabalitaan ko ang nangyari, kamusta ka na?"
Sa oras na ito ay tila walang problema sa kanilang dalawa. Mag-amang mag-ama ang dating nilang dalawa.
Natawa ito ngunit walang buhay. "Mabuti ay may oras ka pa? Nandito ka, ngayong pauwi na ako? Ang galing mo talaga, wala akong masabi," nakangisi nitong sabi.
Hindi man niya nagustuhan ang naging turan nito ay napabuntong hininga lamang siya. "Dahil ngayon ko lang nalaman Anika."
"Dahil ngayon ka lang kamo may oras."
"Hindi totoo 'yan."
"Anika ano ba, lahat na lang ba ng pupunta dito susungitan mo?"
"Tumigil ka."
"Oo na."
"Lumabas ka na dito, magbibihis ako," sabi ni Anika.
Tumango siya at sandali pang sumulyap sa kaibigan nito bago siya lumabas ng kwarto.
…
Anika POV
"Tito mo ba siya?"
Tanong ni Chloe noong mapag-isa kaming dalawa.
"Hindi."
"Ninong? Aba mukhang mayaman, edi tiba-tiba ka niyan tuwing pasko."
"Hindi rin, ang daldal mo."
"E ano?"
"Tatay ko siya."
"Ha? Bakit hindi mo siya kamukha, diba ang Tatay ang laging kamukha ng Anak?"
"Alam mo, wala bang nakapagsabi sayo o alam mo bang ang daldal mo? Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kamukha kasi may Nanay pa ako, bawal bang maging kamukha ang Nanay?"
Inis kong sabi. Bumilog naman ang labi niya kaya napairap ako.
Pumasok na ako sa banyo at nagbihis na dahil ngayon na ang labas ko ng Hospital.
Paglabas ko ay wala na si Chloe sa kwarto pero hindi rin nagtagal ay bumalik na ito, nagpunta pala sa kabilang kwarto na siyang si Rafael ang umuukupa.
Doon ko nalaman na si Rafael ang nakabunggo sa akin bago pa mangyari ang bugbugang nangyari dahilan para umusbong ang galit ko sa kanya. Siya ang may kasalanan ng lahat pero mukha namang mabait ang Ina niya ay pinalagpas ko muna ang lahat.
"Ayos na? Uuwi na?"
Tanong ni Chloe pagkabalik niya. Sinabi niya kung saan siya nanggaling at tumango lang naman ako bilang tugon.
Kinuha niya ang gamit ko na nasa ibabaw ng kama ko habang tagasunod lang ako sa kanya.
Lumabas kami ng building at sumalubong pa si Tita bago pa kami makaalis. "Huwag ka nang babalik dito ha?" aniya.
Tumango lang ako. Alam ko na ang sinasabi niya, lahat naman ng pasyente sinasabihan niya niyan. Tulad nga ng dati hindi pwedeng walang beso-beso thingy. Ganoon din siya kay Chloe na tuwang-tuwa lang.
Isang kotseng itim ang tumigil sa harap namin.
"Sakay na Anika." Nakangiting mukha ng aking Ama ang sumalubong sa amin ni Chloe kaya lalong umasim ang timpla ng mukha ko.
Wala kaming magagawa kung hindi sumakay. "Ayokong umuwi sa bahay, doon tayo sa School dumiretso," malamig na sabi ko.
Napafacepalm si Chloe habang napabuntong hininga ang Ama ko. "Sige, kung ayaw mo pang umuwi sa bahay natin," aniya.
Tumango ako at tumunganga sa labas ng kotse.
Pagdating namin sa School ay agad na akong pinagpahiga sa bahay d'un. Magkatabi kami ni Chloe dahil wala naman siyang matutulugan kung hindi sa tabi ko lang dahil iisa lang naman ang kwarto dito.
...