…
"Umalis ka na."
Nakakunot noo ang kaibigan ni Chloe matapos sabihin 'yun.
"Pero kagagaling mo lang sa Hospital, baka mapano ka dito," nag-aalala niya namang sambit.
Napabuntong hininga ang dalaga at walang magawa kung hindi ang sumunod sa gusto ng kaibigan.
No choice siya, iniwan niya ito pero sinigurado niya munang may kakainin ito habang wala siya since nagising naman siya ng maaga. Dahil na rin siguro, medyo nanibago siyang masarap ang tulog niya kagabi.
Bumaba na siya ng rooftop at maraming nakatitig sa kanya noong may mga nakakita sa kanyang lumabas mula sa abandonadong building pero hindi na lang niya alam kapag nakita nila ang bahay sa taas. Ang lahat ng pangamba mo ay mawawala sa isang pitik lang.
Since nakakain na siya sa rooftop at napaaga siya sa pagpasok ay napagpasyahan na lang niya munang dumiretso sa library. Akala niya ay siya ang mauuna ngayong araw since maaga naman siya ngayon maliban sa librarian.
Natagpuan niya sa isang sulok si Rafael noong pagpasok niya ng Library. Nag-aalala niya itong tinabihan. "Pumasok ka agad? Baka mapano ka niyan," nag-aalala niyang sambit.
"Hindi, ayos na ako," sabi nito pero kung maayos na ang lagay nito pero bakit may nakikita pa siyang mga gasa na nagsisilbing proteksyon sa sugat nito?
"E anong tawag sa mga 'yan? Meron ka pa ngang gasa at ilang sugat. Sigurado ka bang ayos ka lang?"
"Oa lang si Mama kaya nilagay niya 'yan, ayos na talaga ako."
Anito at patuloy sa pagbabasa.
"Oo na, suko na ako sa inyong dalawa ni Anika, bakit hindi na lang kayo ang magsama? Since parehas naman kayong matigas ang ulo?" naiinis na sambit niya.
Napapailing na lang siya sa kakulitan ng dalawang kaibigan.
Kumuha na lang siya ng libro, mabuti nalang at may romance book sa Library nila, hindi naman kasi ibig sabihin na nagbabasa siya ng mga libro ay ang ibig sabihin na ay mga pinag-aaralan sa school ang binabasa niya.
Mag tanga lang talaga ang nagsasabing nerd siya kaya naggayahan tuloy ang mga gaya-gaya. Ano naman ba kasi ang magagawa niya kung talagang kinahihiligan niya ang mga libro pero tungkol naman 'yun sa mga hindi pangbatang kwento.
Mana lang siya sa kanyang Ina.
…
Heto siya at inaaral ang mga lecture nila noong mga nakaraang absent siya, ayaw niyang mahuli sa klase kaya mamaya ay pag-aaralan niya ang mga hindi niya naaral noong mga nakaraan habang nasa Hospital siya.
Noong hudyat na tapos na ang free time nila ay kaagad na niyang iniligpit ang mga gamit nila. Bumaling siya sa kaibigang babae at napabuntong hininga siya noong hindi man lang ito nagising nung nagpatunog na ng Bell.
"Chloe… Chloe… Chloe."
Paulit-ulit niyang sinambit ang pangalan nito, ganoon din sa pagyugyog sa balikat nito para magising ito, hindi naman siya nabigo at agad na nagising ang dalaga sa ginawa niyang paggising sa dalaga.
"Hmm?"
Patanong nitong sagot. "Malalate na tayo Chloe," aniya.
Agad namang naalarma ang dalaga sa sinabi nya at sinimulan nang ayusin ang mga gamit. Para mapabilis ang proseso ay tinulungan na niya ito. Siya na ang nagbalik ng libro at wala nang pakialam kung mali man ang napaglagyan niya.
"Tara na."
Aya nito, tumango siya at sumunod sa dalaga, pagkalabas nila sa Library ay agad siya nitong tinanong. "Dapat bago magbell mo ako ginising," anito.
Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Ang himbing kasi ng tulog mo."
Napailing ito at hinila na siya sa pangalawang palapag na kung nasaan ang room nila.
Si Sir Blue ang Teacher nila ngayon kaya muli na naman siyang kinabahan noong masamang tingin na naman ang natanggap niya mula sa kanilang guro. Kung bakit tila mainit ang dugo sa kanya ng kanilang Teacher ay hindi niya alam.
"Ms. Reyes, Mr. Ariano, you're late!" Tila kulog sa kanya ang boses nito kaya tila gusto niyang mapatalon at umatras at the same time.
"Sorry, late po kami Sir, kagagaling lang po kasi sa Ospital ni Mr. Ariano." Humingi ng paumanhin si Chloe.
Hindi niya alam pero tila may kakaiba sa tingin ni Chloe kaya napalunok si Sir Blue ng wala sa oras. Hindi na lamang niya pinansin ang nakita niya 'yun.
"Alright pumasok na kayo!" Tila kailangan pang magkunwaring galit ni Teacher nila pero noong bumaling sa kanya ay parang nagkatoto ang galit nito. Hindi niya maiwasang pagpawisan ng malagkit.
Pinunasan niya ng baong tuwalya ang pawis niya.
Bumaling na siya sa harapan at nakahiga siya ng maluwag noong nagsimula nang magturo ang Teacher nila.
Naging maayos ang daloy ng buong session ng subject nila at ganoon din sa mga sunod na subject, hanggang sa dumaan ang lunch time.
"Pinapatawag ako ng Teacher natin Rafael, ayos lang ba kung mag-isa kang kakain ngayon?" tanong ni Chloe.
Pagkalabas nila sa room nila. "Ayos lang," aniya.
Pero nagulat siya noong pagkasabi niya niyon ay kumaripas na ng takbo ang kaibigan niya. Hindi na lang niya pinansin ang napansin niya noong oras na 'yun.
Papunta na sana siya sa cafeteria para kainin ang baon niya pero sa kasamaang palad ay may humarang sa kanyang babae. "Rafael right?" tanong ng babae.
May panguya-nguya pa ito ng bubble gum.
Napakamot siya sa noo dahil hindi naman niya ito kilala. "A oo, ako nga," aniya, kabastusan naman kung hindi niya ito papansinin, kabastusan ang bagay na 'yun para sa kanya dahil una sa lahat, pinalaki siyang mabuti ng kanyang Ina. At ayaw na ayaw niya ring kumukwestyon ang pagpapalaki sa kanya ng Nanay niya.
"Pwede bang sumabay ng lunch?"
Lalo siyang nagtaka dahil una rin sa lahat, hindi niya kilala ang babae.
"Sorry po pero hindi kita kilala para sumabay sa akin ng Lunch?"
"Ano ba, huwag kang KJ, inaaya lang naman kita e, may masama ba d'un? May magagalit ba?"
Inis sa mukha nito ang bumalatay at kita ng mga mata niya kung paano nito pinaikot ang bilog nitong mata.
Napabuntong hininga siya. "Sige na nga."
Kumamot siya sa ulo matapos sabihin 'yun. Hindi naman kasi niya kilala ang babae.
"So nasaan 'yung kaibigan mong si Chloe?"
Tanong nito habang sila ay kumakain.
"Pinatawag ng Teacher."
Aniya matapos lunukin ang kinain.
"Sinong Teacher naman?"
"Hindi ko alam."
Kibit-balikat niyang sabi at bigla na lang itong umirap.
"Bakit naman hindi mo alam? Paano pa at naging magkaibigan kayo?"
"Nagmamadali siya kaya hindi ko na naitanong."
Bumuntong hininga siya dahil hindi na siya halos makakain dahil sa mga walang katuturan nitong tanong na hindi naman niya alam ang sagot.
"Ano ba 'yan, wala ka bang alam kay Chloe?" inis nitong sabi
Tumango lang siya kaya lalo itong nainis. Padabog itong tumayo pero hindi na niya ito pinansin. Inubos na lang niya ang kinakain at saka na siya tumayo pero hindi niya inaasahang pagtayo niya ay may hahablot sa likod ng kwelyo niya.
"Arayyyy!"
Daing niya noong tumama siya sa kung saan, this time ay nawala na ang paningin niya dahil ang salamin lang ang nagbibigay niyon sa kanya.
Nang akma naman siyang tatayo para pulutin ang bago niyang salamin ay naramdaman niyang may umapak naman sa dibdib niya dahilan para hindi siya makabangon mula sa pagkakahilata sa lapag.
"Ughhh, a-aray! Bakit ba?!"
Nahihirapang sambit niya at napadaing pa ng mas dumiin ang pagkakaapak nito sa dibdib niya. Paniguradong sobrang dumi na ng damit niya at panigurado ring mahihirapan siya sa pagtanggal ng dumi d'un.
"Bakit? Tinatanong pa ba yan? Pangit ka na nga naglakas loob ka pang lumapit kay Cristine!"
Bulyaw naman ng lalaking nakaapak sa dibdib niya.
"Kawawa naman siya."
"Bagay lang sa kanya 'yan."
"Dapat kasi hindi na siya lumapit kay Cristine."
"Ano ba kayo? Alam niyo namang bago lang siya dito."
"Kaya hindi niya alam ang patakaran ni Papa?"
"Oo ang bobo mo naman!"
Ang maririnig mong bulong bulungan ng mga Estudyanteng nakapalibot sa kanila.
"S-siya ang lumapit, h-hindi ako" nahihirapang sambit niya.
At napadaing nanaman ng mas dumiin pa ang pagkakaapak nito sa dibdib niya. Sumisikip na ang dibdib niya at nahihirapan na din siyang huminga.
"Sinasabi mo bang may gusto sayo si Cristine?! Ang kapal naman din ng mukha mo e, no!" bulyaw nito ng marinig ang paliwanag niya.
"Ayon n-nga ang t-totoo," utal na sambit niya.
At halos hindi na siya makahinga. Hindi rin niya makita ang paligid dahil napakalabo ng paningin niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng mawala ng biglaan ang paang iyon sa dibdib niya.
Humawak siya sa dibdib at hinihingal na naupo at sumandal sa locker.
Nang pakiramdam ay nakahinga na siya ng maluwag ay hinanap niya ang kanyang salamin at nang makita iyon ay nakahinga siya ng maluwag pero agad ding mapangiwi ng maaninag niyang isa lang ang nakikita niya dahil wala nang salamin ang isang bilog ng salamin niya!
Ipinikit niya ang isang mata at napapangiti ng may makita na siya kahit papaano. Tumingin siya sa paligid at napatulala sa nakitang eksena.
"Sa susunod huwag kang masyadong matapang ha?! naiintindihan mo ba?!"
***
Anika POV
Kumalam ang tiyan ko noong oras na magising ako. Hindi ko nagustuhan ang pagkain sa ref kaya naisipan kong lumabas para maghanap ng pagkaing makapagpapainit sa tiyan ko.
Pumasok ako sa Cafeteria at walang pakialam kung pinagtitinginan ako dahil lang sa hindi ako naka-uniform. Basta wala akong pakialam sa sasabihin nila. Basta ang mahalaga ay makakain ako, tapos!
Muntik nang masagi si Anika ng biglang may nagtatakbuhang estudyante ang sumulpot kung saan.
"Ano ba 'yan hindi ba kayo marunong magdahan-dahan?!"
Sigaw niya sa mga Estudyanteng muntik nang makabangga sa kaniya.
"S-sorry A-Anika," sabi ng isa sa mga Estudyanteng muntik nang makabangga sa kaniya.
Bigla na lang kumaripas ng takbo ang mga Estudyante. At agad namang nag-init ang bunbunan niya ng marinig ang salitang sorry at isa pa anong karapatan ng Estudyanteng iyon para takbuhan siya?!
"Nakakainis! Humanda kayo sa akin!" sambit niya
Naiinis siyang tumakbo kasunod ng mga Estudyanteng tinakbuhan siya.
Pero napahinto siya ng maaninag ang kabilang hallway dahilan para hindi na niya masundan ang mga Estudyante kanina. May mga nagkukumpulang mga Estudyante sa locker area at iyon ang nakaagaw ng pansin niya.
Sa buong pananatili niya sa San Juan ay ngayon lang siya nacurious. Wala naman siyang pakialam kung may nagpapatayan na sa harapan o paligid man niya pero parang iba ang isang ito e. Parang may humihila sa kaniya palapit sa mga taong iyon.
Napagpasyahan na lang niyang lumapit sa isa sa mga Estudyanteng nand'un at agad na nagtanong kung ano ang nangyayari.
"Anong mayroon?" tanong niya.
Kinalabit niya ang taong pinagtanungan niya.
Napapitlag ang Estudyante at handa na sana siyang suntukin dahil sa gulat noong makita siya nito. Nastock sa ere ang kamay nito at kita ang gulat na bumalatay sa mukha nito.
Sandali pa itong napatulala bago nakapagsalita.
"A-Anika," sambit nito.
"Ano ang nangyayari?"
Hindi niya pinansin ang pagkatulala nito at tinanong ulit ang tanong niya kanina.
"Si A-Ariano kasi—"
"Ano na namang nangyari sa kanya? Tsk kagagaling niya lang sa Hospital a?"
"Nilapitan siya ni Cristine kanina tapos bigla na lang dumating si Nike at alam naman ng lahat na Bata ni Nike si Cristine."
Napailing na lang siya.
"Tabi."
Agad namang tumabi ang Estudyanteng 'yun at sumigaw na nandito siya, napalingon ang lahat sa kanya at agad na napatabi.
At nang makarating sa harapan ay doon niya nakita ang mga pangyayari.
Walang sabing lumapit siya kay Nike at kahit malaki ang pangangatawan nito ay nagawa pa rin niyang hiklatin ang damit nito at agad na nagpaulan ng isang suntok sa sikmura nito. Hindi nito 'yun inaasahan at napaluhod.
Napasinghap naman ang lahat ng nanonood.
May nakakakita na sa kanilang mga Teacher pero halatang walang balak ang mga itong umawat sa kanila.
At namalayan na lang niyang kasalukuyan na pala niyang inaapakan ang dibdib na kanina lang ay ang lalaking nakaapak sa dibdib ni Rafael.
"Sa susunod wag kang masyadong matapang naiintindihan mo ba?" mahinahon pero may diin niyang sabi.
Diniinan pa niya ang pagkakaapak noong hindi ito sumagot. Ang lalaking tinapakan niya na Nike ang pangalan ay Anak ng Dean kaya napakalakas ng loob nitong mam-bully. Ayaw pa naman niya sa lahat ay isang bully.
"Aughhh!"
Hiyaw nito at tumango tango. Bugbog sarado na ang mukha nito.
Bumaling siya kay Rafael na nakaupo habang nakasandal sa locker.
Napailing na lang siya sa kalampahan nito.
Wala sa sariling hinatak niya ito sa palapulsuhan at dinala sa kung saan.
At namalayan na lang niyang nasa clinic na pala sila. Nakaupo siya sa isang sofa habang kaharap naman niya si Rafael at ang Nurse na gumagamot kay Rafael.
...