CHAPTER SEVEN

1506 Words
Chapter 7 "S-salamat nga pala," maya-maya ay sambit ni Rafael. Nakaalis na ang Nurse na gumamot sa lalaki kanina. "Anong salamat? May bayad 'yun," nakangising sambit niya  Nag-cross arm siya habang nakatingin sa Binata.  "B-Bayad?" sambit ni Rafael. "Oo, ano ang sa tingin mo ay libre ang lahat ng 'yun? Hindi ka pa nga nakakabayad n'ung una, may panibago na naman. Bakit ba parang ang lapit mo sa disgrasya?" Umiwas ito ng tingin sa kanya. "H-Hindi ko alam." "Tsk, dapat alam mo para maiwasan mo." "P-Pasensya na, nadadamay ka." Parang nagpantig ang tenga niya noong humingi ito ng pasensya pero pinahinahon niya ang sarili dahil kagagaling pa lang nito sa bugbog. Tiningnan niya ito ng matalim at kita niya ang paglunok nito. "Oo na lang, huwag ka na munang pumasok ngayon at sa mga susunod na araw hanggang matapos ang linggong ito lalo na at kagagaling mo lang sa Hospital at heto ka ngayon, nabugbog na naman tsk," naiiling na sabi ni Anika. Pagkatapos ay tumayo na siya dahil naramdaman na niya ang tiyan, talagang nagugutom na siya at baka magwala siya sa gutom. "A-aalis kana?" Katanda bulol-bulol na tanong ni Rafael at muntik nang hindi mabuo ang sasabihin. Napahinto siya noong magsalita si Rafael.  "Oo, alangan namang bantayan pa kita dito, ako babysitter," mataray at sarkastiko na sambit ng dalaga.  Napayuko si Rafael. Bakit nga ba iniisip niyang mag-stay ang Dalaga para bantayan siya. Malaki na siya para magkaroon pa ng babysitter. "S—Sige, a-anong gusto mong gawin ko para mabayaran kita?" tanong ni Rafael hanggat hindi pa umaalis ang Dalaga.  "Wala pa akong maisip, saka na lang 'yun," sambit ni Anika. Walang sabi ay lumabas na ang dalaga sa clinic. Napabuntong hininga siya noong makalabas na ito. 'Kailangang hindi ito mapansin ni mom.' Sa isip niya at nahiga sa puting kamang kinauupuan. Ginawa niyang unan ang braso habang iniisip kung paano niya maitatago ang mga bago niyang pasa. *** "Kapag may mangyaring masama, tumawag ka lang ha? Papasok na ako," sambit ng kanyang Ina. Kinuha nito ang bag sa katabi nitong upuan. "Opo, mag-ingat ka po," nakangiting sabi niya. Pagkatapos ay humalik siya sa pisngi nito. Muli pa itong nagpaalam at inulit-ulit ang habilin nito bago umalis habang agad naman siyang tumayo at sumilip sa bintana ng kanilang bahay para silipin kung umalis na ang kanyang Ina. Noong masigurado na niya na nakaalis na ang mahal niyang Ina ay saka siya nagmamadaling umakyat. Kinuha niya ang plantsadong uniporme sa aparador at agad na sinuot. Noong makapag-ayos na siya ay umalis na siya sa bahay. Kinuha niya ang bike at pinaandar 'yun patungong school. Hindi niya hahayaang maging dahilan ang sugat niya sa mukha ang haharang sa gusto niyang pumasok. Pinarada na niya ang bisikleta niya sa parking lot at sa hindi malamang dahilan ay tila napansin at naging popular siya dahil ang lahat ng madaanan niya ay may mga matang nakasunod sa kanya. Nagtataka siyang nagpalinga-linga hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa isang puno. Hindi siya natigilan dahil may puno kundi ang nakaupo sa mga ugat niyon. Walang iba kundi ang babaing nag-iisang nagligtas sa kanya mula sa magkasunod na kapahamakan. Hindi niya makontrol ang mga paa niya at kusang naglakad ang mga 'yun patungo sa direksyon ng Dalaga. Nagmulat ang mga mata nito at tumingala sa kanya. "Bakit nandito ka?"  Iyon agad ang tanong nito sa kanya. "A-Ayokong umabsent," nag-iwas siya ng tingin. "Tsk," naiiling na sabi nito. "Ang kulit talaga ng bungo mo ano? Gusto mong ako ang sunod na bumugbog sayo at sisiguraduhin kong hindi ka na aabutin ng Hospital." Napayuko siya at umiling. Bumuga siya ng hangin at naglakas ng loob na nagsalita. "Maraming salamat." "Salamat? Mukha kang hindi nagsasabi ng totoo, wala ka man lang effort." "S-Sorry." "Pwede bang huwag kang magsorry? Naririndi ako sa salitang 'yan," naiinis na sabi niya at tinaliman ang tingin sa Binata. "S-Sorry, hindi na mauulit." "Hindi na mauulit pero inulit mo," naiinis na sabi ni Anika. "Gusto mo bang mabayaran ang utang mo sa akin?" Napaangat ang tingin si Rafael at magkasunod na tumango. Utang niya ang buhay niya sa dalaga at gagawin niya ang lahat, mabayaran lang ito. "A-Ano ang gusto mong gawin ko?" Biglang ngumisi si Anika. Inabot nito ang kamay nito kaya napatingin siya palad nito. "Abutin mo, tulungan mo akong makatayo." Utos nito sa kanya. Agad naman siyang tumalima at agad itong tinulungang makatayo. Hindi niya alam pero parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya hanggang sa kumalat 'yun sa kaibuturan niya. Nagpagpag ito ng damit at saka tumingin sa kanya. "Tara na." Aya nito, nagising siya sa pag-iisip. "H-Ha? Saan tayo pupunta?" "Huwag ka nang madada, sumama ka na lang kung gusto mong mabayaran ang utang mo." Tumango siya at sumunod sa dalaga pero parang gusto niyang umatras nang makitang papunta sila sa gate palabas. "A-Anong ginagawa natin?" "Lalabas." "Pero bawal nang lumabas hindi ba? Saka may pasok ako," aniya. Napahinto ito at tumingin sa kanya. "Gusto mo ba talagang mabayaran ang utang mo?" Tumango siya. "Iyon naman pala e, kaya sumunod ka sa akin at huwag ka nang maingay." "Pero—" "Kung talagang gusto mo akong mabayaran ay tumahimik ka."  Hindi na siya nakakontra noong makitang malapit na sila sa gate ng school. Kahit alam niya ang mangyayari ay nagulat pa rin siya noong tumalikod ang guard ng gate ay bigla na lang tumakbo palabas si Anika pero mas nagimbal siya nang hawakan siya nito at hilahin palabas. "Hoy!" Agad na inakyat ng kaba ang dibdib niya noong marinig niyang tinawag sila ng guard habang pumito naman ang isa. Napahawak na rin siya sa kamay ni Anika dahil parang mabubutas ang dibdib niya sa kaba. Habang hawak niya ang kamay nito ay hindi niya mapigilang punahin ang kamay nito, napakalambot ng kamay nito at parang gusto niyang hawakan na lang ito buong maghapon. Pero nawala ang pagnanasang 'yun noong huminto si Anika at agawin ang kamay nito. "Mukhang nasarapan ka a," ngising sabi nito. Napaiwas lang siya ng tingin at inilibot ang tingin niya. Nasa likod pala sila ng School. "Tara na, baka maubusan tayo." Magtatanong na sana siya kung ano ang ibig nitong sabihin noong maglakad na ito at pumasok sa isang malawak na iskinita. Tinakbo niya ang Distansya nila ng Dalaga at naglakad na lang noong maabutan niya ito. Sa Iskinitang 'yun ay napakaraming taong tambay at hindi niya alam kung kakabahan ba siya o hindi para sa kanilang dalawa ni Anika dahil ang lalaki ng katawan ng mga naroon at nakatingin sa kanilang dalawa. "Huwag mo na lang silang pansinin, ganyan lang naman sila." Napatingin siya sa harapan niya kung nasaan si Anika noong magsalita ito. Napahinto siya noong papasok pa ito sa isa pang Iskinita. "S-Sigurado ka bang nasa tamang lugar tayo Anika?" kinakabahang tanong niya. Dahil mas malala ang mga taong naroon dahil may mga nag-iinuman na at ang iba pa ay nagsusugal. Wala naman sigurong may balak gawin ng kasama niya hindi ba? "A-Anika." "Shhh." Napatikom siya at kinakabahang kumapit sa strap ng bag niya. Napahinto siya noong huminto ito. "Nandito na tayo." Muli niyang nilibot ang mga mata niya at saka lang niya napansin na nasa squatter area sila at hindi niya alam na may ganitong lugar pala malapit sa paaralan ng San Juan. Sa tinatapakan nilang lupa ay may kung ano-anong mga tindahan, may alam siyang paninda na nariro pero hindi niya alam ang iba pa. "Iyan, upo na," nakangiting sabi ni Anika. "Hoy natulala ka diyan." Nagising siya noong marahan siyang tapikin ni Anika. Natulala na pala siya mula noong makita niyang ngumiti ang dalaga.  'Ano ba itong nangyayari sa akin?' aniya sa kanyang isip. Ang lahat ng kanyang nararamdaman ngayong araw ay tila bago sa kanya. Naupo na lang siya at hindi sumagot. "Lahat 'ho ng klase ng paninda nyo Tatang." Sinenyas pa ni Anika ang kamay at itinuro  Nagulat siya nang maraming klase ng putahe ang hinain sa mesang kinauupuan nila. "M-Mauubos ba natin 'tong lahat?" napapalunok na sabi niya habang nalulula sa mga pagkain na nakahain sa harapan niya. Sa tingin niya ay sampung klase ng paninda ng Tatang ang nakahain ngayon sa harapan niya. "Kaya natin 'yan at kapag hindi mo naubos ang sa'yo ngayong araw ay hindi mo pa nababayaran ang utang mo," nakangising sabi ni Anika at naupo sa harapan niya. Napalunok siya. "Kain na," sabi nito. Tumango naman siya. 'Kakayanin mo 'to Rafael.' Pampalakas loob niya sa sarili. Ilang sandali pa ay sinimulan na niyang kainin ang kanya habang pinapanood niyang maganang kumain ang kasama niya. Hindi niya alam na sa liit nito ay gan'un ito kalakas kumain. "Ang hina mo namang kumain," pang-aasar nitong sambit sa kanya. Napayuko siya sa hiya. "Hindi ako sanay kumain ng ganito," aniya. Sumubo pa siya at nilunok 'yun bago uminom sa baso niyang may lamang softdrinks. Pati ang inumin ay iba't ibang klase kaya hindi na siya magtataka kung pag-uwi niya sa bahay ay didiretso na siya sa banyo agad dahil sa samu't sari niyang kinain ngayong araw. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD