❀⊱Kimie's POV⊰❀ Mahigit dalawang linggo na ang lumipas mula nang sumama ako kay Zayd at Kayden. Hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit, pero ramdam ko na hindi ako mahahanap ni Rouge habang kasama ko sila at ang pinsan ko na si Rasselle. Siguro, may kutob lang ako, o baka dahil nakita ko yung pagkabahala ni Rouge nang malaman niyang ang pinsan ni Zayd ay si Kayden. Hindi ko alam, pero sa puso ko, parang 'yun na ang nagsabi sa akin na ligtas ako ngayon. Na walang makakaalam kung nasaan ako, na walang tao na pwedeng makalapit sa akin, basta kasama ko sila Zayd at Kayden. Nandito kami ngayon sa Ilocos Norte, sa isang resort na pag-aari ni Zayd, at sa totoo lang, tahimik ang lugar na ito, kung minsan ay napapakalma nito ang sugatan kong puso. Walang masyadong tao dito, kaya nakakatulong sa

