Failed Seduction 04

1789 Words
"You didn't order me a drink?" I asked while putting my bag on the reserved seats. Tumawag si Enzo sakto pagkatapos ng klase ko. Nasa malapit siyang kilalang coffee shop at nagyaya na doon nalang kami magkita. May kapalitan siya ng ngiti nang pumasok ako at matanaw siya. Hindi na ako magugulat mamaya kung magmamadali itong umalis pagkahatid sa akin para makipagkita sa malapit na hotel kung aabot sila. "I thought you just want a cheesecake?" He asked, pointing his finger at the cake on our table. "Of course I need a drink too, you stupid," I said along with a frown on my face. Natawa siya at napailing. Tatayo sana siya para ikuha ako ng inumin kaya't hinawakan ko siya sa balikat para awatin. "Ako na," sabay talikod para maka-order ng sariling inumin. Nakapila ako nang maramdaman na mayroon sumunod na pumila sa likod ko. Hindi ko iyon pinansin at nakahalukipkip lang, tamad na nakatayo at hinihintay ang pagkakataon ko. I yawned and massage my nape. Nakakapagod mag-aral, nakaupo, nakayuko o kung hindi naman ay diretso ang tingin sa harapan para makinig sa guro. Kung hindi ko mahal ang ginagawa ko, siguro sumuko na ako sa pag-aaral at bibitawan nalang ang pangarap kong maging isang engineer. "You looked tired," I almost jump when I heard someone whisper near me. Inikot ko ang katawan at tinignan ang nagsalita. My lips parted and my eyes wide in fraction when I get to face to face with Cole. Mabilis nagkabuhol buhol ang t***k ng puso ko. Umabot iyon sa utak ko at hindi na nito alam kung paano magre-react sa harapan niya. Mahina siyang natawa at bumaba ang tingin sa nakaawang kong labi, mabilis kong naisara iyon dahil sa hiya. Ang bag ng gitara niya ay nakasabit sa kaliwang braso. His eyes were full of amazement. He's clean, pure and decent. Kahit ang pagkakagupit sa buhok ay malinis, walang kulay ang buhok at lalo namang walang hikaw ang tenga. I pouted when I remember Enzo, they are really opposite and I more love Cole for being modest. "Ahm.. mauna ka na!" Kinakabahan na alok ko, nakaturo ang kamay ko sa harapan ng pila para pasingitin siya. Lumakas ang tawa niya, nakatingin sa kamay kong nakalahad sa harapan. Umiling siya at binasa ng dila ang labi bago ako nilingon. Suminghap ako at pinamulahan. Pakiramdam ko'y naging tanga ako sa parte na iyon. Bakit ko iaalok sa kanya na mauna kung siya ang lalaki? Kung si Enzo ito ay siguro nagkukumahog itong mauna, but he's not Enzo and he's the gentleman Cole. "I'm fine behind you, Eia," he smiled. Lalong nag-init ang makabilang pisngi ko. Hindi nawala ang ngiti niya at titig sa akin. Alam kong napansin niya ang kaba at pamumula ko. Some of our schoolmates teasing me about liking him, hindi ko lang alam kung nakarating ba sa kanya ang balita na may gusto ako sa kanya. "It's your turn," he said then looked at the front. Nang makitang hinihintay na sa cashier ang order ko ay tumalikod ako sa kanya at pumikit ng mariin. I wanted to knock my head hard for making myself looked stupid. Sa harap pa talaga ni Cole, Eia Felicity?! Alam ko na kakaiba ako mag-ayos at manamit, but I always made sure I move and talk with class, kaya lang napipilipit ang dila ko kapag malapit itong si Cole. "Can I get your number?" He asked behind me. Pakiramdam ko'y mapapaluhod ako rito dahil sa panlalambot ng mga tuhod ko. Nagbuga muna ako ng malalim na paghinga bago siya muling hinarap. "Sure," I smiled then held out my hand to get his phone. Kinuha niya iyon sa bulsa at mabilis na inabot sa akin. "I'll call you sometime so we can talk about the flowers," he explained. I pouted and nodded, still typing my number on his phone. 'Kahit hindi about sa flowers Cole, kahit about sa atin?' I bit my lips to stop myself to voice it out. Lumaki ang ngiti ko kaya't lalo kong kinagat ang ibabang labi para pigilan iyon pagka-abot ko ng phone niya sa kanya. Bahagya ko siyang tiningala dahil mas matangkad siya sa akin. Umawang ang labi ko nang magtagal ang titigan namin. Seryoso ang mga mata niya at parang may gusto pang sabihin dahil sa nakita kong pag-awang ng labi niya. Hindi niya nga lang naituloy ang sasabihin dahil sa pag-singit ng kung sino sa gitna namin. Nalukot ang mukha ko nang bumalandra ang kulay berdeng buhok ni Enzo. Nawala sa paningin ko si Cole dahil sinakop ng malaking katawan ni Enzo ang pagitan namin. "You have been called for your order," Enzo to Cole. Sumilip si Cole at tinignan ang cashier na naghihintay sa kanya. Ngumiti ako ng muling magtama ang tingin namin, na mabilis naputol dahil sa paghila sa akin ni Enzo para makaalis doon. Tahimik ako kahit nang makabalik kami sa upuan. Si Enzo na rin ang kumuha ng order ko at ako nama'y nilantakan na ang cheesecake habang palingon lingon sa pwesto nila Cole. Kasama nito ang mga kaibigan niya, nagkakasiyahan sila, natatawa siya sa mga pinag-uusapan nila ngunit hindi maiwasang mapalingon sa direksyon kung nasaan ako. "Eyes on our table, Eia Felicity!" Iritado kong hinarap si Enzo. Nagpipigil na ipakita sa mukha ang irita dahil nakatingin si Cole. "What's your problem?" My voice was lace with warning but my face expression stays calm. "You looked like a nerd who's head over heels with her crush," he smirked and shook his head in dismay. It was as if I am giving him dissapointment by obviously showing how much I like Cole. Sa totoo lang, napansin ko rin. Nakakahiya na minsan pero hindi ko mapigilan na pamulahan at mataranta kapag nasa harapan na si Cole. I tried to refrained myself from looking at Cole's direction. He might be turned off and feel awkward in my obvious glances on him. Normal lang naman kaming mag-usap tuwing nasa hardin at hindi pumasok sa isip ko na magugustuhan niya rin ako. Subalit sa tuwing nakikita ko ang magagandang katangian niya'y lalo akong nahuhulog at pumapasok sa isip na paano kaya siya maging boyfriend kapag naging kami. I will be soon sixteen years old and my father wants to hold a big party for my birthday. Kakailanganin ko ng magiging escort para roon. My parents and Tita, Enzo's mother has decided Enzo to be my escort. Pero kung magiging kami, o kung magiging malapit kami ni Cole bago iyon ay aalukin ko siya na maging escort ko. Maiintindihan naman iyon ni Enzo, because he's also not fond of formal parties. Mas gugustuhin pa nga niyon na maghanap ng babae na mahihila niya sa dilim kaysa maging escort ko. "I have an idea!" I said slowly but excitedly. "What idea?" He asked as he narrowed his eyes on me. Wala naman talaga akong plano na gawin ito pero wala naman masama kung susubukan ko. At kanino ba ako dapat kumonsulta? It should be to Enzo, the expert in flirting. "Teach me how to seduce him!" I bit my lower lip to stop myself from smiling when I saw him parted his lips in shock. I'm too young for relationship, kung sakali na magustuhan niya ako pabalik at magsimulang manligaw, hindi ko naman siya kaagad sasagutin. I'll use him as a motivation to study hard kaya't sigurado ako na hindi ko mapapabayaan ang pag-aaral ko. We can also meet to study because we both studious, pareho rin kaming mahilig sa hardin kaya't ngayon palang nakakasiguro ako na magiging magkasundo kami kung sakali. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malakas na halakhak ni Enzo. Napatingin sa amin ang ilan sa mga costumer na nasa coffee shop kasama na ang grupo nila Cole. Tumikhim ako at umayos ng upo, ako ang nahihiya dahil sa ingay ni Enzo. Inilapat niya ang dalawang daliri sa mga labi para pigilan ang malakas na tawa. Naroon pa rin ang ngisi ngunit mabuti na iyon, at least tumahimik siya. Itinukod niya ang siko sa lamesa at umakmang may ibubulong sa akin. "With your braces, thicked glasses and those clothes?" Mula sa salamin ko'y ibinaba niya ang tingin sa aking damit. Napangiwi siya at muling natawa. Hindi ko na napigilan na umirap at humalukipkip kahit maaring nakatingin pa rin si Cole. Masama ang iginawad kong tingin kay Enzo. Naiinis sa paraan ng pagtawa niya. Pakiramdam ko sa reaksiyon niya'y hindi ako magugustuhan ni Cole dahil sa ayos ko. "What's wrong with me? Do you think he won't like me because of these?" "Your braces were distracting when you talk, sa tuwing nag-uusap tayo diyan ako napapatingin, nakaka-distract kasi ang kulay itim na goma!" Habang nagsasalita siya'y tinatawanan niya ako. Mariin kong naitikom ang labi. Sa tuwing nag-uusap ba kami ni Cole nadi-distract din siya sa braces ko? Napalabi ako at parang ayoko nalang ibuka ang bibig dahil sa sinabi ni Enzo. Kahit naman kasi maloko ito alam kong honest siya lalo sa pang-aasar sa akin at kapag may panget na nakikita'y nagiging laitero. "Your thicked eye glasses too! Hindi ko nga makita ng maayos ang mga mata mo dahil sa sobrang kapal ng salamin mo!" Inangat niya ang isang kamay at balak nanaman alisin ang salamin ko, hinampas ko iyon bago pa niya maabot at tuluyang tanggalin. Natatawa niyang inabot ang kanyamg inumin, nakangisi siyang sumipsip roon at pinagmamasdan ang damit ko. Pagkatapos niyang uminom ay itinuloy niya ang pagsasalita o panlalait sa akin. "And the way you dress is old-fashioned! Baka nga hindi malibugan kahit sinong lalaki sayo-" "You two were different. I don't think Cole's looking base on women's appearance," "Kahit magka-iba kami ng tipo sa babae pareho parin kaming lalaki. Imposibleng hindi pa iyan naakit sa magagandang babae at sexy! Wag ka na umasa at mukha namang hindi pumapatol sa manang 'yan!" "Gago ka, Enzo!" Binato ko sa kanya ang tinidor dahil nagiging bastos nanaman ang bunganga. Natawa siya at ibinalik ang tinidor sa platito ko. Sinaway rin ako sa huling sinabi ko na mura. Naunang umalis ang grupo nila Cole. Bago kami umalis ay sinabi ni Enzo na biro lang iyon, na sineryoso ko lalo nang pumasok ako kinabukasan at makitang may kausap si Cole na babae. She's wearing small and fitted uniforms. She's wearing make ups too. Maganda ang pagkakakulay sa labi at pisngi. Walang braces at salamin, maganda manamit. She's Alona, she's a model if I'm not mistaken. Balita rin na mayroon itong gusto kay Cole. Because of what Enzo said I suddenly feel ashamed of my outer appearance. Kahit para sa kanya ay biro lang iyon para asarin ako, nakaramdam pa rin ako ng kaonting insecurities para sa sarili ko lalo noong malampasan ko silang dalawa na hindi napapansin ni Cole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD