Failed Seduction 05

1979 Words
Tahimik lang akong nagbubungkal ng lupa. Nakasuot ako ng gloves at mayroong hawak na trowel, hindi nililingon si Cole kahit kanina pa siya lumalapit sa akin. Hindi nagsasalita pero pansin kong parang gusto niyang lingunin ko siya. Nang mga nakaraa'y dalawa lang kami, pinagpapasalamat ko na ngayon ay may mga kasama kami sa hardin. Katulong namin ang ilan sa mga student officials. Maraming ginagawa kaya may dahilan para hindi ko siya kausapin. Hanggang sa matapos mag-ayos at maglinis ako ng kamay para makaalis ay hindi ko siya pinagbigyan kahit isang sulyap. Pakiramdam ko kasi kung titignan ko siya'y lalo kong maiisip na tama ang mga sinabi ni Enzo. He's the typical heartthrob in the school, he's physically attractive, as well his attitude and good will, so that a lot of people will easily fall in love with him. While I was the nerd Enzo talking about. Kung para sa akin ay normal na kasuotan lang ang mahabang palda, siguro hindi para sa iba lalo sa modernong panahon ngayon na uso ang paiksian ng mga suot na damit. Ang laki ng naging impak ng sinabi ni Enzo sa akin, nadala ko iyon hanggang sa mga sumunod na araw. It boosting down my self esteem. I saw Cole once tried to approach me, ngunit bago pa niya ako malapitan ay lumiko na ako para makalayo. Labag sa loob ko na iwasan siya, kaya lang ayoko ng nararamdaman na insecurities. Madalas ko silang makitang magkausap ni Alona at pakiramdam ko kung lalapit ako sa kanila'y may masisira akong magandang momentum. Hindi naman kasi kami gaanong malapit at nagkausap lang simula nang ipaayos sa amin ang hardin, but I like him, that's why I feel bad whenever I recalled what Enzo said. Hindi pumapatol sa manang? And I am manang? Is it because of my clothes? I don't think being comfortable with my clothes makes me 'manang'. I just don't like fitted clothes, pakiramdam ko'y nakahubad ako kapag bakat ang katawan ko sa maliit na damit. Maaring doon sila kumportable at dito naman ako, so they must accept our differences, hindi lahat ng tao ay mapapasunod nila para maging katulad nila. They just have to learn to give a better judgement, a fair judgement. I was watching movies with Enzo on their living room. Dito kami naghapunan nila mommy at daddy, kasama si Ate. Nagpaiwan nga lang ako dahil sa pakiusap ni Tita na tulungan ko siyang pumili ng magandang design para sa pag-renovate ng bahay nila sa probinsiya bilang bakasyunan. I haven't been to college yet, hindi pa rin ako sigurado kung ano ba talaga ang gusto kong kunin. I wanted to be a engineer but I like art and science, so I am considering a interior designer, bata pa naman ako at siguro sa huling taon na ng high school ko iyon pag-iisipan ng mabuti. Nagkakaroon ako ng experience sa pagtingin ng mga designs dahil kay Tita. They know the field I want to take when I graduate, and they are very supportive of what I want. Minsan ay pinapakilala sa akin ni Tita ang mga kaibigan niyang engineer, architect at interior designer. Para siguro maging pamilyar ako sa gusto kong kunin na profession. She's like my second mother, and Enzo was like my older brother. Nakataas ang mga paa ko sa sofa at tutok na tutok sa pinapanuod kahit ang iniisip ko pa rin ay tungkol sa mga babaeng gusto ni Cole. Wala pang nabalita na babaeng naging girlfriend niya sa school kahit marami naman ang nagpapalipad hangin sa kanya. I wonder if Cole is really looking at the outward appearance of women like Enzo said. I know they are different pero hindi naman talaga malabong mas gusto ni Cole ang mga babaeng katulad ni Alona. Gusto ko siya pero hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang magustuhan pabalik ng isang lalaki. If a man likes me, I want him to like me for who I really am. I may change myself someday but not to please anyone else, I'll do that only for myself. I was staring at the television while Enzo's laughing exaggeratedly at my side. I knotted my forehead and suddenly felt frustrated, it was as if my mood shifted in extreme mood after I realized that Enzo's beside me. He laughed normally but it was annoying to listen to, maybe because he annoyed me too much, kaya't lahat ng ginagawa niya'y naaasar ako. Palingon lingon ako sa kanya at sinasamaan siya ng tingin. Dahil sa sinabi niya'y pakiramdam ko tuloy hindi kami bagay ni Cole. "You're creeping me out nerd! Ano bang sasabihin mo?" He said when he noticed my annoyed stares. "Can you stop calling me nerd?" I talked back, a bit irritated. Gusto ko talagang pasabugin ang bunganga niya sa tuwing inaasar ako. Even if it's just a joke for him I sometimes believe what he says, napapatanong ako sa sarili kung ganoon rin ba ang tingin ng ibang tao sa akin. "Fine, but you should stop being nerd first-" Sinipa ko siya sa tagiliran bago pa niya mabuo ang salita. Umusog siya palayo, sinamaan ako ng tingin habang hinihimas ang nasaktan na tagiliran niya. Maya maya lang ay gumuhit ang ngisi sa kanyang labi at natawa. "You look really ugly duckling when you frown!" He's pointing at my crumpled face while laughing. Magulo ang may kahabaan na niyang buhok at lumiliit ang mga mata sa sobrang tuwa. Kumikinang rin ang hikaw niya sa kaliwang tenga na parang nakikisali ito sa pagtawa niya. Ang maputi at pantay pantay niyang ngipin ay litaw na litaw. Ang matangos niyang ilong na mayroon maliit na nunal sa gitna ay madalas mamula sa tuwing natatawa siya. Parang ang lambot ng balat niya dahil sa sobrang kinis. Sa pagkakaalam ko ay mayroon siyang lahing korean at american. He has this charismatic side, wherein, even if he just keeps himself quiet in the corner, he can still get your attention. I can't help but stares at the straight line between his lips. They were looks inviting, para bang palaging nag-iimbita ang mga labi niya na halikan mo. Hindi nawawala ang nang-aakit na ngisi sa mala-cupid niyang labi at ang mga mata ay maraming nakapaloob na kalokohan. He has a innocent baby face and a childish mindset. Kung gaano kaperpekto ang mukha niya'y ganoon naman nakakainis ang ugali niya. Lalong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at sa paraan niya ng pagtawa. Galit kong dinampot ang unan na nasa tabi ko at pinalipad papunta sa kanya. "Bakit? Akala mo ba kinagwapo mo 'yang kulay green mong buhok at hikaw mong pang-adik?!" Walang tigil ang tawa niya pagkatapos saluhin ang ibinato kong unan. "Favorite color ito ng ate mo-" "You are just using my sister as your excuse to dyed your hair! Ate doesn't really have favorite color! And you think your earring suit you?! Mukha ka lang adik sa kanto Enzo!" Totoo naman, noong una na kulay pula ang buhok niya maniniwala pa ako. Pero ngayon  parang ginagawa niya nalang dahilan iyon para magpapalit-palit siya ng kulay ng buhok. Namumula ako sa galit na muling ibinato ang isa pang unan. Namumula rin siya sa kakatawa at sinasalo ang lahat ng binabato ko. "Phoenix Lorenzo!" I stop and bit my lower lip when I heard Tita. Pababa ito sa hagdan nila at naabutan na babatuhin rin ako ni Enzo ng unan para gumanti. Hindi pa siya napapagalitan natatawa na ako sa loob ko kasi hindi naabutan ni Tita na ako ang unang bumato. At isa pa, kahit naman mahuli ni Tita na ako ang nauna, si Enzo pa rin ang papagalitan niya. "Wala akong ginagawa, Ma!" "Wala? Bakit nakita kong babatuhin mo si Felicity?" "Nauna siya-" "Kahit na!" Sumimangot si Enzo at ibinaba ang unan na dapat ibabato niya sa akin kung hindi siya tinawag ng mama niya. "Bakit iyan palagi ang kinakampihan mo, Ma? Sino ba ang totoong anak mo sa amin?" Nasa kamay ni Tita ang tingin ko'y mga designs na ipapakita niya. Tuluyan na akong napalabi nang balingan ako ni Enzo at tignan ng masama. "What potion did you feed to my mother? Ginayuma mo?" Natawa ako at umirap bago tumayo para sagutin siya, sinenyasan kasi ako ni Tita na sundan ko siya sa study room nila bago kami iwan at muling umakyat sa hagdan. "Hindi ka kasi mabait na anak-" pinutol ko ang sasabihin ko at patakbong nagtungo sa hagdan noong makita ko ang pagdampot niya sa unan. I was laughing and ran faster when I heard his footsteps as he followed me. Noong nilingon ko at makitang malapit na siya'y napatili ako. Natatawa siya at inunahan ako bago pa ako makaapak sa huling baitang ng pangalawang palapag. Pumulupot ang isang braso niya sa bewang ko paikot sa tiyan pagkahuli sa akin. Naabutan ni Tita na naghaharutan kami at sinisiko ko ang matigas niyang sikmura para bitiwan ako. "Tama na iyan Enzo! Pumasok na kayo dito at may ipapakita ako kay Felicity," "Opo, Ma!" Binitawan niya ang bewang ko at inilipat sa aking balikat ang braso. Naglakad siya at isinama ako papasok sa study room. Hindi niya ako binitawan kahit nang makalapit kami sa lamesa ni Tita. Tita showed me their house in the province. Lumang luma na ang itsura nito pero mukhang matibay. Si Enzo, nasa gilid ko at nakikidungaw sa pinapakita ni Tita. "This is our ancestral house in Aklan," paliwanag ni Tita bago pa ako makapagtanong. Hindi ko pa ito nakikita sa personal pero ngayon palang ay pakiramdam ko ang sarap sa pakiramdam na i-renovate ito. Parang ang sarap nitong hawakan, iyon bang pipikit ka habang hinahaplos ito at lilitaw sa balintanaw mo ang mga sinaunang kasuotan na suot suot ng mga taong dating nakatira rito. I pictured them wearing barong and filipiniana. Ang mga kababaihan ay mayroon pang hawak na pamaypay at tipid tumawa. Naiimahe ko na nakadungaw sa bintana ang mga kababaihan at mayroon sinisilip na mga gwapo at makikisig na kalalakihan sa ibaba. Natawa ako at nawala ang atensyon sa bahay dahil sa paghila ni Enzo para mapunta ang mga mata ko sa kanya. Dahil sa ginawa niyang paghila ay lalong dumikit ang dibdib niya sa aking likod. Nakagilid ang ulo ko't bahagyang nakatingala para mas makita siya na nanatili sa aking likuran. "You wanna go to our ancestral house?" "Hmm," I nodded then smiled. "Puntahan natin?" Tinitigan ko siya, ang isang braso niya ay nakaikot na ngayon sa magkabila kong balikat para ikulong ang aking leeg. Tama lang ang higpit para hindi ako tuluyang masakal. Hanggang dibdib niya lang ako kaya't walang kahirap hirap niya akong nakukulong sa katawan niya. Ang isang kamay niya'y nakapatong sa study table ni Tita dahil galing kami sa pagtingin sa mga kuha ng bahay. "Kailan? Hindi ako papayagan ni daddy!" Ngumisi siya at lalong ibinaba ang mukha para makumbinsi ako ng mabuti. Bahagya kong naiatras ang ulo at napakurap ang mga mata sa ilalim ng salamin. Kitang kita ko ang natural na mapupungay niyang mga mata. Habang nagsasalita na ganito kalapit ang mga mukha namin ay hindi nakatakas sa ilong ko ang kanyang mabangong hininga. "Ipagpapa-alam kita!" Inilatag ni Tita ang mga designs na pagpipilian at muli kaming sinaway sa pag-uusap. "Pumunta nalang kayo doon kapag ipapa-renovate ko na," Sabay kaming sumang-ayon ni Enzo, nagpalitan na rin kami ng opinyon para sa gagawin na bagong disenyo. Tita wants it to look modern but I disagree. Maganda kasi ang bahay at kung buong bahay ay gagawing moderno ang itsura baka mawala ang value nito bilang ancestral house. She realized after I explained. Minungkahi ko na lalagyan ng modernong kagamitan sa loob at maaring ayusin para magmukhang bago ang labas ng bahay na hindi nawawala ang pagiging makaluma nito. Patango tango lang si Enzo, ang baba niya'y nakapatong na sa balikat ko. Nakikinig lang habang nagsasalita ako, hindi umiimik dahil mukhang walang alam sa ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD